Dalawang araw matapos ang mga School events, balik na sa normal ang klase ng mga estudyante. Ngunit pagpasok ng mga ito, ang ilan sa kanila ay hindi nagpapansinan, gaya nila Aileen at Carl kina Lyrica at Albert, at si Rochel kay Archie.
Ang mga nagkakalabuang mga magkakaibigan na ito ay nagkakanya-kanyang nakikipag-usap sa mga ibang estudyante na gustong makipag-usap sa kanila, ngunit hindi sa isa't isa. Hanggang sa tumunog na ang bell at nagsimula na ang klase.
Nang sumunod na si Marika upang magturo ng kanyang klase, may inanunsyo syang importante sa kanyang mga estudyante.
Marika: "Class!! May good news ulit ako sa inyo. Next week ay magkakaroon tayo ng Christmas party at naisip ko, lahat dapat ay maki-join para mag-enjoy tayong lahat. Ang mangyayari ngayun, magbubunutan tayo kaya naman, maglabas kayo ng isang 1/4 sheet ng papel at ilagay nyo ang mga pangalan nyo. Tapos ilalagay nyo ang mga pangalan nyo sa fishbowl na hawak ko. Kaya simulan nyo nang gawin ang ipinapagawa ko."
Bawat estudyante sa klase ni Marika ay nagsulat ng pangalan sa papel at inilagay sa loob ng fish bowl habang nag-iikot si Marika. Matapos mailagay ang mga papel sa loob ng Fish bowl, tinawag ni Marika ang bawat pangalan ng estudyante at pinapunta nya ito sa harap upang bumunot ng isang papel, ngunit inabisuhan ni Marika na wag munang bubuksan ang papel upang masurpresa ang mga estudyante.
Matapos mabunot ang lahat ng papel maliban sa nag-iisang papel na naiwan sa fishbowl, sabay binuksan nang lahat ng mga estudyante ang papel na nabunot nila. Laking gulat ng mga nagkakalabuang mga magkakaibigan sa kanilang mga nabunot.
Marika: "Class!! Kapag nabuksan nyo na ang papel walang tatayo!!! Dahil alam ko na makikipagpalitan kayo ng nabunot sa iba kapag tumayo kayo. Kaya jan lang kayong lahat sa kinauupuan nyo!!"
Albert: (Si Carl?!! Seryoso?!! Wala bang daya to?!!!)
Lyrica: (Si Aileen ang nabunot ko? Kung ganun, magandang pagkakataon to para magpaliwanag sa kanya.)
Aileen: (Lyrica?! Gumamit kaya sya ng mahika para linlangin ang mga mata ko? Pero hindi naman sya kumumpas kanina. Tadhana ba na sya ang mabunot ko?)
Carl: (Teka?!! Bakit si Albert?! Siguro inutusan nya si Lyrica na gumamit ng mahika?!!!)
Rochel: (Nagkataon talaga si Archie ang nabunot ko. Kung ganun, sakaling ako ang mabunot nya, magpaparinig ako sa kanya ng pagkamahal-mahal na ireregalong gamit para mapatunayan nya ang sarili nya sa akin.)
Archie: (Ayos!! Si Rochel nabunot ko!! Pagkakataon ko nang tanungin si Rochel kung anu ang problema nya!! Magreregalo ako ng napakagandang bagay para sa kanya upang hindi na sya magtampo!!!)
Natuwa ang karamihan sa kanilang nabunot ngunit biglang nagtaas ng kamay si Reysha at pinatayo sya ni Marika. Malungkot naman ang mukha ni Reysha habang nakatayo.
Marika: "Reysha? Bakit anung problema?"
Reysha: "Ma'am. Si Jett po ang nabunot ko."
Marika: "Eh kung si Jett nabunot mo, eh di regaluhan mo sya."
Reysha: "Eh....Ma'am!! Panu kung pagdating ng Christmas Party wala pa rin po sya?! Panu kung hindi sya nagpakita?! Panu kung wala na-.."
Marika: "Reysha!!!! Wag mong sabihin yan!!!!!"
Nagulat ang lahat ng magtaas ng boses si Marika. Dahil sa nangyayaring tensyon, pinili na lamang ng lahat na tumahimik. Napansin naman ni Marika ang biglaang pananahimik ng lahat ng estudyante nya.
Marika: "Ahh.....Guys, Sorry kung nagtaas ako ng boses. Lalo na sayo, Reysha. Ayoko kasing mag-isip ng negatibo tungkol sa pagkawala nya. Total, wala na akong lesson na maituturo pa, maaga ko na kayong ididismiss. So class! Dismiss."
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Teen Fiction***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...