CHAPTER 28: PAGTULONG

39 5 0
                                    

Samantala, sa kabilang parte ng eskwelahan, abala naman sa panonood ng Volley Ball sina Archie at Rochel ng mapadaan si Reysha.

Reysha: "Uy!! Guys!! Andito pala kayo!!"

Rochel: "Reysha, naparito ka? Manonood ka rin ba ng Volley Ball?"

Reysha: "Hindi. Nandito ako para humingi ng tulong sa inyo."

Archie: "Humungi ng tulong? Tungkol na naman ba ito sa paghahanap kay Jett?"

Reysha: "Ahhh.....Pwede rin. Pero hindi sa ngayun."

Rochel: "Kung ganun, anu ang ihihingi mo ng tulong sa amin, Reysha?"

Reysha: "Ahhhhhh.....ehhhhh.........kasi......"

Archie: "Kasi anu?"

Reysha: "Naiwan ko yung Flash disk ko sa loob ng SGO room at nakalock ito."

Rochel: "Reysha, di ba may susi ka? Ba't hindi mo buksan gamit ang susi mo?"

Reysha: "Nakalimutan ko sa bahay. Yung duplicate nasa President ng SGO pero hindi ko sya mahanap sa kung saan at wala din akong cell number sa kanya."

Archie: "Ba't di mo na lang gamitan ng powers mo para mabuksan ang pinto ng SGO room?"

Reysha: "Archie, una sa lahat, telekinetic lang ako. Pangalawa, hindi ako Jedi master na tulad sa Born to be a Star Wars. Kaya hindi ko mabuksan ang pinto."

Rochel: "So, Anu gagawin? Bakit kailangan mo ng tulong namin?"

Reysha: "Kailangan ko ang tulong nyo upang iakyat ako sa likod ng SGO room."

Rochel: "Tutulungan ka naming umakyat? Eh hindi mo ba pwedeng gamitin ang powers mo para maka-akyat?"

Archie: "Oo nga naman, Reysha. Tsaka mas madaling umakyat kung palulutangin mo ang sarili mo di ba?"

Reysha: "Guys, madali sana ang suggestions nyo. Pero nasa tapat mismo ng Badminton court ang likod ng SGO office at sa mga oras na ito marami na ding nagkalat na mga estudyante sa lugar na iyon. Kung gagamitin ko ang powers ko para umakyat, eh di pagkakaguluhan na ako ng mga tao."

Rochel: "Kung sabagay, tama ka."

Reysha: "Kaya naman, Guys, patulong naman oh? Pleeeeeaaaase!!!!!"

Nagmaka-awang parang cute na kuneho si Reysha sa dalawa. Napakamot ulo na lang si Rochel at napangiwe naman si Archie sa ginawa ni Reysha.

Rochel: "Hay.......Oo na, Reysha. Tutulungan ka na namin."

Reysha: "Talaga?!! Sige!! Halina kayo!! Sundan nyo ako!!!!"

Agad tumakbo si Reysha matapos nyang marinig sila Rochel at Archie.

Archie: "Rochel, tama ba na pumayag tayong tulungan sya? Ang bilis nyang tumakbo at iniwan na lang nya tayo basta."

Rochel: "Sana hindi nga natin pagsisihan ang pagtulong sa kanya ngayun. Parang masama ang pakiramdam ko sa ipapagawa nya sa atin."

Archie: "Total, pumayag naman tayong tulungan siya, mabuti pa sundan na natin si Reysha."

Agad namang naglakad at sinundan nila Archie at Rochel si Reysha. Makalipas ang ilang minuto, narating na rin nila ang sinasabing likod ng SGO room at naghihintay na sa kanila si Reysha.

Reysha: "Guys!! Dito!!"

Rochel: "Teka? Yan na ba ang aakyatin mo papasok sa loob?"

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon