Makalipas ang 2 oras at 15 minuto, abala pa rin si Reysha sa pagtingin ng mga Profile ng kanilang mga kaibigan at kaklase sa Slambook social media nang mapangsin nyang 15 minuto na lang ang nalalabi bago mag alas dose. Ngunit nagsisimula na din antukin si Reysha at kinakabahan na baka lumagpas siya sa oras. Kaya isinet ni Reysha ang alarm clock ng kanyang android phone sa alas dose at sandaling tumayo muna sya sa kanyang upuan.
Reysha: "Ok...kung tatayo lang ako ng ganito, siguro hindi ako aantukin at magagawa kong maipainom kay Jett ang potion."
Sandaling tumayo si Reysha at hindi gumalaw, ngunit humikab naman sya at nagsisimula ng bumagsak ang kanyang mga pilik mata. Nagising lang sya sa gulat ng maramdaman nyang matutumba na sya sa kanyang kinatatayuan.
Reysha: "Yikes!! Muntik na. Aaaahhh....... ah!! Hindi!! Hindi ako papayag na antukin ako!! Ilang minuto na lang!!! Mag-aalas dose na!! Kailangan kong pigilan ang sarili kong antok!! Kailangan kong gumalaw para hindi ako antukin!!"
Desididong labanan ni Reysha ang kanyang sariling antok upang maisagawa na niya ang pagpapainom ng potion kay Jett. Hanggang sa maisip nyang bumili muna ng kape sa labas.
Reysha: "Hay.......total, may 10 minutes pa. Siguro lalabas muna ako para bumili ng Kape. Jett, maiwan na muna kita. Babalik ako agad."
Agad umalis si Reysha upang bumili ng Kape. Habang naglalakad, napaisip sya bigla kung magagawa ba nyang halikan si Jett, matapos nyang mapainom ng Potion.
Reysha: (Hmm...anu ba itong nararamdaman ko? Bigla ata akong kinabahan sa gagawin ko. H-Hindi ko pa kasi nararanasan ang humalik ng lalaki sa buong buhay ko. Lalo na't ako pa mismo ang hahalik sa labi ni Jett. Pero, kung hindi ko ito gagawin, baka hindi na sya magising. Aaaaarrrrgggh!!! Bakit pa kasi ako pa ang napili ng tadhana na gawin ang bagay na ito?!!! Dapat kasi, lalaki ang unang hahalik sa babae!! Hindi, babae ang hahalik sa lalaki!!!)
Nagsisimula ng maguluhan si Reysha nang mapansing, matagal na pala syang nakatayo sa harap ng Portable coffee machine. Naiinip namang naghihintay ang lalaking nakatayo sa kanyang likod. Kaya, agad naghulog ng barya si Reysha sa Coffee machine upang magbigay ito ng kape at sabay hingi rin nya ng tawad sa lalaking nasa likod. Muling tinignan ni Reysha ang oras sa kanyang Android phone nang magulat sya sa kanyang nakita.
Reysha: "A-Anu?!!! 11:58 NA?!!!!! M-Masyado ba akong matagal na nakatayo sa harap ng Coffee machine?!!!! Jusko!! K-Kailangan ko nang magmadali!!!!!!"
Nagmadaling tumakbo si Reysha pabalik sa kuwarto ni Jett. Pagbalik nya, nakita nyang isang minuto na lang ang nalalabi at mag-aalas dose na ng hating gabi. Sa sobrang pagkataranta ni Reysha, nakalimutan nya kung saan nailagay ang Potion na kanilang ginawa.
Reysha: "J-Jusko!!! Asan na yun?!!! Lumabas ka na sa bag!!! Kailangan na kita!!!!! Please!!! Lumabas ka nang potion ka!!!! ALAS DOSE NA!!! ANU BA?!!!!"
Hinanap sa lahat ng sulok ng kanyang bag ang Potion, ngunit eksakto alas dose na rin ng hating gabi. Hanggang sa maalala ni Reysha na inilagay pala nya ito sa kanyang bulsa.
Reysha: "Ang tanga ko talaga!!! Nasa bulsa ko pala!! Reysha!! Dali!! Yung kalahati!! Yung Kalahati!!!"
Ininom ni Reysha ang kalahati ng Potion tsaka nya binuksan ang bibig ni Jett sa pamamagitan ng pagpisil sa parehong pisngi at ipinainom kay Jett ang Potion.
Reysha: "Jett!! Dalian mo!!! Lunukin mo lahat!! Please!! Dali na!!"
Pagkatapos maipainom ni Reysha ang potion, nagulat na lang sya ng makitang ilang segundo na lang at matatapos na ang alas dose.
Reysha: "Pampihira!! Mag-aalas dose uno na!!! Jusko!! Magagawa ko ba to?!!! AAAAAAAAARRRRRRGGGGGHHHH!!!!!! BAHALA NAAAAAA!!!!!"
Bago pa man magpasado alas dose ng gabi, walang pag-aalinlangang hinalikan ni Reysha ang labi ni Jett. At matagal nya rin itong hinalikan upang masiguro nyang magiging epektibo ang bisa ng ginawa nilang Potion.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Teen Fiction***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...