Matapos mapagaling si Jett, naging abala ang buong grupo sa paghahanda ng kanilang kakainin para sa tanghalian. At nagawa naman nilang maluto lahat ng maaga. Kaya naman, muli na namang isinuot ng mga babae ang kanilang mga nagseseksihang mga Swim suit tsaka pumunta ng Shade sa may pampang dala ang kanilang mga nilutong pagkain, malapad na Net at bola ng Volleyball.
Lunabelle: "OK!! Excited na ako!!!! Sino kaya ang magaling?!! Mga Boys ba? O tayong mga Girls?"
Aileen: "Girls!! Siyempre!!"
Carl: "Oy!! Wag kayong kampante!! Hindi pa nagsisimula ang laro kaya wag nyong pangunahan ang laro!!"
Rochel: "Eh di kung ganun, itayo nyo na ang net nang malaman natin kung sino ang magaling!"
Carl: "Sige ba?!! Hindi namin kayo aatrasan!!"
Nang maitayo ng mga lalaki ang dalawang poste na paglalagyan ng Net, sakto naman dumating si Jett sa Shade upang tignan kung anu ang pinagkakaabalahan ng kanyang mga kasama.
Rochel: "Aba!! Jett!!! Sa wakas dumating ka na!!"
Reysha: "Jett, kamusta si Aling Beth?"
Jett: "OK na sya. Tsaka sabi nya, gusto nya na munang magpahinga. Kaya umalis na ako sa Cottage house nila Rhett."
Aileen: "Eh ang mga kamay at paa mo? OK na ba?"
Jett: " Oo, Aileen. OK na. Tsaka, anung nagyayari? Akala ko ba, simpleng party ang mangyayari?"
Lunabelle: "Jett, hindi lang ito simpleng party lang para sayo. Maglalaro din tayo ng Beach Volleyball!!!"
Sandaling tumahimik si Jett nang marinig ang sinabi ni Lunabelle at tila may naalala sya tungkol sa larong ito. Kaya nagtanong pa sya kay Lunabelle.
Jett: "Lunabelle, sino ang maglalaban na grupo?"
Lunabelle: "Boys vs Girls!!"
Aileen: "Kaya lahat ng mga Girls ay magkakasama at magkakasama din kayong mga Boys."
Jett: "Pwede ba kaming magpasok ng import?"
Lunabelle: "Bakit Jett? Sino ba ang gusto nyong ipasok na import? Si Rhett ba? Hihihi!!!"
Rochel: "Lunabelle, bakit kinikilig ka kapag pangalan ni Rhett ang nababanggit mo?"
Lunabelle: "Wala lang! Hihihihi!!!"
Jett: "Pasensya na Lunabelle, pero si Nell ang gusto kong ipasok na import namin."
Aileen: "Ha?! Bakit si Nell?"
Reysha: (Mukhang alam ko na kung anu gagawin nya kay Nell.)
Jett: "Sa pagkakakilala ko sa kanya, si Nell ang klase ng tao na maraming pakinabang. Kaya ipapasok ko sya sa team namin."
Lunabelle: "Sige. Ikaw bahala. Basta kami, maglalaro kami ng seryoso."
Jett: "OK."
Matapos mag-usap at mailagay ang Net, tinawag ni Marika ang mga maglalarong mga binatilyo at dalagita para abisuhan sila sa rules ng laro.
Marika: "OK guys!! Alam kong excited na kayong maglaro. Kaya naman, eto ang magiging rules ng laro. Una, 3 on 3 ang magiging laban dahil sa kulang tayo ng tao. Pangalawa, 1 point sa kalaban kapag nahulog ang bola sa area ninyo. At ang pinaka importanteng rule, bawal ang gamitan ng powers!! Ang gumamit ng powers, talo na agad sa laro. Malinaw ba yun?"
Reysha: "Opo!! OK po yun!!
Aileen: "Sang-ayon po ako!!"
Rochel: "Ako rin!!"
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Teen Fiction***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...