CHAPTER 5: LOVE STORY PT. 2

49 13 0
                                    

Flashback:

Sa pagpapatuloy ng kwento ni Tyler, ilang araw matapos ang unang pagkikita nila Marika at Tyler. Nagsimula ng gumawa ng hakbang si Tyler upang kilalanin ang babaeng kanyang nakilala sa tapat ng private school.

Habang Recess at nasa mga store ang mga estudyante, maingat na sinusundan ni Tyler ang babeng may pakulot na buhok kung saan papunta ito sa isang malapit na store sa labas ng kanilang eskwelahan.

Napansin naman sya ng dalawang kaibigan nya kung saan nag-usap ang mga ito.

Student 1: "Pre! Seryoso si Boss pre, oh?! Akala nya di natin alam ang plano nyang ligawan yung honor student."

Student 2: "Kaya nga eh. Idinedeny pa nya sa atin na hindi nya liligawan yung taga 3-A dahil daw sa wala silang pakialam sa atin na mga taga 3-G. Eh tingnan mo ngayun ang ginagawa nya? Nag-eestalk sya dun sa taga 3-A."

Student 1: "Oo nga. At sobrang napakahalata nya. Anu? Pipigilan pa ba natin sya?"

Student 2: "Hindi na pre. Pabayaan na natin sya. Baka upakan pa tayo kapag nalaman natin na nanliligaw sya. Ipakita na lang natin sa kanya na wala tayong alam sa ginagawa nya."

Student 1: "Kung sabagay, tama ka."

Patuloy sa pag-eestalk si Tyler sa babaeng sinusundan nya sa mga sumunod pang mga araw. Minsan may mga oras na muntik na din syang mahuli nito. Kung kaya't lalo syang nagdoble ingat sa pag-iistalk.

Si Marika naman may mga oras din na tila pakiramdam nya ay may nanonood sa mga ginagawa nya sa kanilang School. Kung kaya't isang araw, may ginawa siyang isang bagay.

Nung araw na nataong foundation day, at idineklarang walang klase kung saan maagang umuwi ang mga estudyante, naisip ni Marika na pumunta sa likod ng kanilang school kung saan masukal ang parteng ito noong panahon nila. At gaya ng inaasahan sinundan naman sya ni Tyler.

Pagdating ni Marika sa likod, nagpatuloy pa sya sa paglalakad kung saan nagtataka na si Tyler sa kung saan sya pupunta.

Tyler: "Teka? Ang weird? Bakit sya pupunta dito? Eh malayo na ito sa school ah. Tsaka marami na ding halaman at puno na rin dito. Saan ka ba pupunta?"

Patuloy sa paglalakad si Marika, hanggang sa marating niya ang isang malaking puno ng mangga. Tsaka sya pumunta sa likod nito.

Sinundan naman siya ni Tyler, pagdating nya, nagulat si Tyler dahil nawalang parang bula si Marika.

Tyler: "Teka?!! Papaanong?! M-Maligno ba yun? Bigla syang nawala?"

Marika: "Sino hinahanap mo?"

Tyler: "Yung babaeng may mahabang pakulot ang buhok. Bigla syang nawala!"

Marika: "Bakit mo naman sya hinahanap?"

Tyler: "Kasi gusto ko syang makilala at kilalanin pa sya ng husto."

Marika: "Bakit naman?"

Tyler: "Kasi gusto ko syang ligawan. Kasi feeling ko nagustuhan nya ako. Kahit na isa akong hamak na sira ulo na wala nang patutunguhan sa buhay."

Marika: "Teka?! Totoo?! Liligawan mo ako?!"

Tyler: "Oo. Bakit? Teka?!! Sandali?!! Sino etong..........."

Pagtingin ni Tyler sa kanyang likuran nakita nya ang babaeng kanina pa nya hinahanap kung saan namumula ang pisngi nito at nakatitig sa kanya.

Marika: "H-Hi."

Tyler: "AAAAAAAAAAHHHHHHH!!!!!!"

Marika: "AAAAAAAHHHHHH!!!!!"

Nagsigawan ang dalawa dahil sa sobrang gulat sa isa't isa hanggang sa matigilan at magsalita si Marika.

Marika: "Teka?!!! Bakit ka sumisigaw?!!!!"

Tyler: "Eh bakit nanjan ka din sa likod ko?!!!!!!"

Marika: "Eh siyempre!! Gusto kong malaman kung sino ang nag-iistalk sa akin?!!"

Tyler: "Pero bakit dito pa sa kakila-kilabot na lugar na to?!!!!!"

Marika: "Tyler?!! Walang nakakakilabot sa mga puno at halaman!!"

Tyler: "So ibig sabihin, sinadya mo akong dalhin dito para alamin kung sino ang sumusunod sayo?"

Marika: "Oo."

Tyler: "E-Eh di ibig sabihin yung mga pagtatanong mo......"

Marika: "N-Narinig ko mula sayo yung mga sagot mo."

Tumahimik at nadismaya si Tyler dahil sa nalaman mismo ni Marika mula sa kanya ang plano nyang panliligaw. Kaya tila napanghinaan sya ng loob at ayaw ng ipagpatuloy pa ang kanyang plano dahil sa baka mabusted lang sya kay Marika.

Tyler: "Sige. Uhhhhh......Miss honor student..."

Marika: "Marika. Marika ang pangalan ko Tyler."

Tyler: "Nakakahiya. Alam mo na ang pangalan ko, pero ikaw, hindi ko man lang inalam ang pangalan mo. Siguro labis ang takot mo noong nag-iistalk ako sayo. Kaya naman, dahil sa nahuli mo na ko, siguro titigil na ako sa pagsunod sayo at aalis na siguro ako ngayon."

Marika: "Akala ko ba liligawan mo ako?"

Tyler: "Eh Anu? Kasi.....tinakot kita hindi ba?"

Marika: "Oo. Natakot ako na baka ibang tao ang sumusunod sa akin maliban sayo. Pero bakit ka umaatras at napanghihinaan ka na ng loob? Natatakot ka bang ma-busted kita?"

Tyler: "Ako?! Napanghihinaan ng loob?! Pwes, hindi ako napanghihinaan ng loob!!"

Marika: "Kung ganun, natatakot ka talagang ma-busted?"

Tyler: "Bakit? Ibubusted mo ba ako?"

Sandaling tumahimik si Marika sa tanong ni Tyler sa kanya at namumulang napapasisip kung anu ang sasabihin nya. Napansin naman ni Tyler na may gusto rin si Marika sa kanya. Kaya naman, ginawa ni Tyler ang isang katangahan sa kanya upang malaman kung ibubusted sya ni Marika o hindi.

Tyler: "Alam mo, Marika. May naisip ako."

Marika: "Bakit? Anu yu-!!!!!!"

Biglang hinawakan ni Tyler ang mga balikat ni Marika, at sabay hinalikan nya ito sa labi. Nagulat naman si Marika sa ginawa ni Tyler sa kanya.

Habang hinahalikan ni Tyler si Marika, napansin nyang nanginginig ang mga kamay at nakatitig ang mga mata nito dahil sa sobrang gulat kung saan inoobserbahan nya si Marika kung itutulak sya nito.

Ngunit laking gulat ni Tyler nang ipinikit ni Marika ang kanyang mga mata at niyakap pa sya nito sa baywang. Kung saan, napagtanto nya na gusto rin sya ni Marika.

Matapos nyang mahalikan, dahan-dahang inilayo ni Tyler ang mukha niya kay Marika. Nagsalita naman si Marika habang namumula ang kanyang mukha.

Marika: "L-Loko ka talaga. Nauna pa talaga yung First kiss ko kaysa sa First date ko."

Tyler: "S-Sorry. Gusto ko lang kasi makasiguro na hindi ako busted."

Marika: "Halata naman hindi kita binasted, hindi ba?"

Tyler: "Oo. Pero pwede pa rin naman kitang imbitahan magdate, di ba?"

Marika: "Oo naman. Kailan?"

Tyler: "Sa Linggo. Bakante mo ba?"

Markia: "Oo naman! Siyempre! A-Asahan ko yan ha?"

Tyler: "Oo. Maasahan mo ako."

Marika: "Kung ganun, umalis na tayo dito. At baka may kung sino pang malisyosong tao ang makakita sa atin."

Tyler: "Oo. Mabuti pa nga."

Agad na umalis at sabay naglakad sina Marika at Tyler palabas ng masukal na lugar na pinuntahan ni Marika.

Matapos ang araw na iyon, tumupad sa pangako si Tyler at nagdate sila ni Marika noong linggo. Hanggang sa lagi na silang magkasama ni Marika at naging sweet sila sa isa't isa hanggang sa pagtungtong nila ng 4th Year, katumbas nun ang Grade 10 sa kasalukuyan.

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon