Limang araw matapos mawala si Jett, habang nasa clubroom ang mga magkakaibigan, pilit namang kinukumbinsi ni Reysha si Lyrica na gamitin ang kapangyarihan nito upang hanapin si Jett.
Ngunit, anu mang pilit ni Reysha, sadyang hindi pa na-master ni Lyrica ang paggamit nya sa kanyang mga mahika.
Reysha: "Lyrica!! Pakiusap naman!! Ayusin mo yung tracing spell mo!!!"
Lyrica: "Reysha!! Ginagawa ko na!! Pinapraktis ko na nga ng mabuti di ba?!!! Tsaka magpahinga ka naman!! Nangingitim na ang mga eyebugs mo!!"
Reysha: "Pasensya na!! Pero kailangan ko talagang hanapin si Jett!!"
Rochel: "Reysha!! Itigil mo na ang paghahanap mo kay Jett tuwing gabi. Mapapahamak ka pa nyan eh! Wala ka bang tiwala kay Mr. Tyler?!"
Reysha: "Magtiwala kay Mister Tyler?!! Eh panu ako magtitiwala sa kanya kung yung mga taong nakasabayan ni Jett na nawala ay biglang lumabas at nahanap ng mga pulis!!! Samantalang si Jett hindi pa rin natatagpuan!!!!"
Napansin ng mga magkakaibigan na nagdedeliryo na si Reysha sa sobrang pag-hahanap kay Jett at nag-aalala na din sila sa kalusugan ni Reysha dahil sa tila pinapabayaan na nito ang kanyang sarili. Kaya naman, naisip nilang pwersahang pakalmahin si Reysha.
Agad na hinawakan nila Aileen at Rochel ang braso ni Reysha tsaka hinawakan ng mahigpit ni Archie si Reysha mula sa likod. Nataranta at nagpupumiglas si Reysha dahil sa pilit syang pinipigilan ng tatlo.
Reysha: "Anung ginagawa nyo?!!!!!! Bakit nyo ako hinahawakan?!!! Bitawan nyo ako!!!!!!"
Lyrica: "Munting ningning ng mga bituin! Iyong sudin ang banayad kong daliri! Reysha! Matulog ka!"
Ibinigkas at idinampi ang hintuturo ni Lyrica ang noo ni Reysha kung saan ginamitan nya pala ito ng mahikang pampatulog. Agad namang nakatulog si Reysha matapos gawin ni Lyrica ang kanyang mahika.
Lunabelle: "Grabe. Naaawa ako sa itsura nya. Parang hindi na sya natutulog magmula noong nawala si Jett."
Rochel: "Kaya nga eh. Sobra syang nag-aalala kay Jett. Halata sa ginagawa nya na may pagtingin sya kay Jett."
Aileen: "Sabi ko naman sa inyo guys eh! Magiging future mag-jowa nga talaga silang dalawa!!"
Archie: "Mabuti pa, ihiga na natin siya sa sofa."
Ihiniga ni Archie si Reysha sa sofa at nilagyan naman ng unan ni Rochel ang ulo nito.
Albert: "Guys! Anu na ang plano? Sa nakikita ko, hindi titigil si Reysha hangga't hindi nya nahahanap si Jett."
Lunabelle: "Kung hindi sya titigil, baka magkasakit na sya sa kanyang ginagawa."
Lyrica: "Kung ganun, kailangan kong pagbutihin ang pagpraktis ng mga ilang natranslate na mahika at inkantasyon mula sa Aklat ng Mayari."
Carl: "Maswerte pa nga tayo, may mga natranslate na mula sa ilang parte ng libro si Lunabelle. Malaking bagay na rin yun."
Lunabelle: "Nagpapasalamat ako, Carl at na-appreciate mo rin ang mga ginagawa kong pagtratranslate sa libro. Pero sana man lang, sapat na rin ang mga natranslate na mga inkantasyon para makatulong sa atin."
Lyrica: "Oo. Sana nga, Lunabelle. Nakaka-awa talaga ang itsura ni Reysha ngayon."
Archie: "Naisip ko lang, kung gabi-gabing naghahanap si Reysha upang hanapin si Jett, saan naman kaya sya naghahanap?"
Rochel: "Sana mali ang hinala ko sa ginagawa ni Reysha."
Aileen: "Rochel, anung hinala mo?"
Upang maintindihan ng mga kaibigan ni Rochel ang ibig nyang sabihin, ikwinento nya ang pag-uusap nila Tyler sa bahay ni Marika noong isang gabi. At napagtanto nila na marahil sinusundan ni Reysha ang mga pagkilos ng grupo ni Tyler.
Carl: "Sigurado ka ba, Rochel?! Hinala mo, sinusundan ni Reysha ang mga hunters upang makisawsaw sa misyon nila?"
Rochel: "Carl, anu sa tingin mo ang maaaring dahilan pa ni Reysha? Maliban sa sinusundan nya ang mga operasyon ng grupo ni Mr. Tyler para hanapin si Jett."
Carl: "Eh malay mo naman kung naghahanap talaga sya sa iba't ibang parte ng siyudad para hanapin si Jett."
Albert: "Guys, kung magpapatuloy syang ganyan, magkasakit na sya ng tuluyan. Eh kung subukan kaya nating pasayahin si Reysha hanggang sa makalimutan nya ang paghahanap kay Jett?"
Lyrica: "Albert, anung ibig mong sabihin?"
Albert: "Eh anu.... samahan sya. Isama sya sa pamamasyal, magsaya at isama sya sa mga lakad natin."
Archie: " Oo!! Magandang ideya nga iyan, Insan!! Pero sino ang gagawa nun para sa kanya?"
Albert: "Dahil malapit kayo Insan at ni Rochel kay Jett, kayo na ang bahalang magpasaya kay Reysha."
Rochel: "Ha?! Teka?! Bakit kami?!"
Carl: "Kayong dalawa nga ang close kay Jett sabi nga nya."
Archie: "Oo. Close kami ni Jett, pero hindi ibig sabihin nun na kami na ang magpapasaya kay Reysha para hindi na sya mangulila kay Jett. Eh....anu naman ang gagawin nyo, Insan?"
Albert: "Kami nila Lunabelle, Lyrica, Aileen at Carl ang bahala sa pagahahanap kay Jett gamit ang Tracing magic na nasa translated na libro. Magtutulungan kaming pag-aralan ang inkantasyon para mahanap si Jett."
Rochel: "Ayos din kayo ha. Magtutulungan kayong lima samantalang hahayaan nyo sa aming dalawa ni Archie si Reysha."
Lunabelle: "Sa ngayun, yun na muna ang dapat nating gawin. Iwasang mapahamak si Reysha mula sa katigasan ng ulo nya at hanapin si Jett gamit ang magic ni Lyrica. Dahil dun mapapanatag tayo at magkakaroon tayo ng mahabang oras para hanapin si Jett."
Archie: "Kung ganun, wala na kaming magagawa ni Rochel kundi aliwin si Reysha. Pero Insan, oras na nagawa na naming gawing normal si Reysha, dapat nakahanap na kayo ng paraan kung paano mahahanap si Jett."
Albert: "Oo, Insan. Kami ang bahala."
Lunabelle: "Kung ganun, umpisahan na natin ang operasyon guys! Dapat sa loob ng isang linggo may resulta na ha?!"
Lahat: "OK!"
At sinimulan na ng mga magkakaibigan ang kanilang plano upang mapakalma si Reysha at mahanap si Jett. Sandali na muna silang nagtulungan upang hanapin ang tamang Tracing spell para hanapin ni Jett. Nang mahanap na nila ito, agad ng pinag-aralan ni Lyrica ang Spell.
Bago mag-uwian nagising at nagkamalay na si Reysha. Magsisimula na naman sanang magdeliryo sa paghahanap kay Jett si Reysha ng pinakalma sya nila Archie at Rochel. Hanggang sa magring na ang bell at nagsi-uwian na ang lahat sa kanilang mga bahay.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Ficção Adolescente***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...