CHAPTER 66: USAPANG SUNBLOCK AT CUP SIZE

32 3 1
                                    

Nang marinig at magulat si Jett sa sinabi ni Marika, tila nag-alangan siyang ituloy pa ang paglalagay nito ng sunblock.

Jett: "M-Massage?!! Pati po massage?!!"

Marika: "Oo. Bakit? Wag mo sabihing, ang matapang na si Jett Zobel ay takot humawak ng katawan ng babae?"

Jett: "Ehh!!! Hindi po sa ganun!! ...A-Anu po kasi...."

Aileen: "Hala!! Pinagpapawisan na si Jett oh!!"

Lunabelle: "Jett, takot ka bang humawak ng katawan ng babae?"

Jett: "Hindi ah!!!"

Rochel: "Eh bakit pinagpapawisan ka ng husto?"

Jett: "Ehh...siyempre!! Mainit ang panahon, Rochel!!"

Rochel: "Talaga lang ha?"

Reysha: "Kung ganun, lumalabas na takot ka sa babae."

Jett: "Oh sige! Gusto nyo malaman kung bakit naiilang ako sa inyo? Ehh...baka tawagin nyo akong bastos kahit na hindi ako ganun!!!"

Aileen: "So, sinasabi mo na hindi ka manyak kahit na lalaki ka?!"

Jett: "Oo.....siguro...... O kaya dahil sa impluwensya ni Ate sa akin na kailangan ko daw igalang ang mga babae....."

Sandaling tumahimik si Jett matapos maalala ang sinabi ng Ate nito sa kanya. Natuwa naman ang mga babae dahil sa natatanging paggalang ni Jett sa kanila.

Lyrica: "Ang swerte mo, Reysha. Buti pa ang Boyfriend mo hindi Bastos at Manyak. Di katulad sa ibang Boys. Tumitingin sa ibang babae kapag may nakita silang naka-bikini."

Reysha: "Oo nga, Lyrica. Napakaswerte ko nga."

Aileen: "Sana ganyan din si Carl. Nakakainggit.

Marika: "Pero hindi ibig sabihin na pwede mo nang itigil ang pinapagawa ko Jett. Naghihintay na ang likod ko diiiiitoooooo."

Jett: "Sige po. Gagawin ko na. Uhmmm.....tatanggalin ko po ba yun tali ng..."

Marika: "Oo. Siyempre naman. Para malagyan mo lahat yung likod ko ng sunblock."

Biglang natigilan si Jett nang sinabi ni Marika na kailangan nyang tanggalin ang tali ng two-piece bra nito. Kaya mabagal nyang tinanggal ang tali. Pero bago sya magsimulang maglagay ng sunblock at magmasahe, kumuha sya ng gunting at pinutol ang plaster na nakakasagabal malapit sa pulso ng kanyang kanang kamay. Tsaka nya sinimulan ang paglagay ng sunblock sabay masahe na rin sa likod ni Marika.

Marika: "Aba? Magaling ka palang magmasahe Jett."

Rochel: "Talaga po? Miss Marika? Ganun po ba sya kagaling?"

Marika: "Oo, Rochel."

Lyrica: "Jett? Bakit ka nakatingin sa amin?"

Jett: "Nararamdaman ko naman ang likod ni Miss Marika."

Aileen: "Weh!! Nahihiya ka lang tignan ang likod nya!!!"

Lunabelle: "Tsaka namumula din ang mukha mo."

Jett: (Ang malas ko naman. Nakakahiya naman to. Tsaka iniinsulto pa ata ako ng mga to.) "Oh sige. Titingnan ko ng mabuti ang likod nya."

Marika: "Jett, pati rin likod ng hita ko ha? Lagyan mo din."

Jett: "Opo."

Dahil sa nainis si Jett sa pangungutya sa kanya ng mga babae, nilagyan ni Jett ng sunblock ang likod ni Marika pati na rin ang mga balikat, braso at ang buong katawan nito. Natulala naman ang mga babae dahil tila hindi na naiilang si Jett sa paglalagay ng sunblock, sa mga parteng malapit sa maselang bahagi ng katawan ni Marika.

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon