CHAPTER 85: SECRET ADMIRER

29 4 0
                                    

Tatlong araw matapos ang Date ng mga magkakapares at tatlong araw din bago magpasko. Nakatanggap ng Text message mula kay Lunabelle sila Lyrica Albert, at Archie upang makipagkita rito. Nakatanggap din ng Text si Rochel ngunit hindi ito sumipot dahil sa kailangan niyang samahan si Marika sa pagshoshopping para sa Pasko. Kaya nag-Reply ito na hindi makakasama sa kanilang plano.

Sa ngayon, nagkita-kita ang magpinsan, Lyrica at Lunabelle sa Park kung saan, pinaplano nilang hulihin ang sinasabing Secret Admirer ni Lunabelle.

Lunabelle: "Guys? Kumpleto na ba ang lahat?"

Archie: "Oo, Lunabelle. Maliban kay Rochel, kasi tutulungan pa daw nya si Miss Marika sa pagshoshopping."

Lunabelle: "OK lang, Archie. Ang importante ay ang mahalaga."

Lyrica: "Ha?! Anu?!"

Lunabelle: "Hay.......hayaan mo na, Lyrica."

Albert: "Lunabelle, anung meron at ipinatawag mo kaming tatlo?"

Lunabelle: "Kasi nabalitaan ko na namamasyal daw dito sa Park ang Secret Admirer ko, ayon sa mga kaklase kong nakakita sa kanya."

Archie: "Namamasyal sya dito sa Park? Pero panu natin malalaman na nandito ang Secret Admirer mo kung hindi naman natin alam kung anu ang itsura nya?!"

Lunabelle: "Oo. Marahil, tama ka, Archie. Kasi hindi ko pa sya nakikita ng personal. Pero, ayon sa mga kaklase ko, ang itsura ng Secret Admirer ko daw ay may buhok na mahaba na tulad sa mga Emo......."

Lyrica: "Buhok na tulad sa Emo?"

Lunabelle: "May suot na makapal na salamin......"

Albert: "Makapal na salamin?"

Lunabelle: "Matangkad at bilugan ang mukha."

Archie: "Matangkad at bilugan ang mukha?"

Lunabelle: "Oo. Yun daw ang istura nya."

Sandaling tumahimik sila Lyrica at ang magpinsan tsaka sila tumingin sa direksyon ng Fountain nang may mapansin silang kakaiba. Nagtaka naman si Lunabelle sa ikinilos ng tatlo.

Lunabelle: "Ahhh...Guys? Bakit kayo nakatingin sa............."

Nang tumingin si Lunabelle sa direksyon kung saan nakatingin ang tatlo, nakita nya ang lalaking nakaupo sa gilid ng Fountain na hawig eksakto ang istura ng sinasabing Secret Admirer ni Lunabelle. Hindi naman makapaniwala si Lunabelle nang makita nya sa personal ang kanyang Secret Admirer.

Archie: "Lunabelle? Yan ba ang sinasabi mong Secret Admirer?"

Lunabelle: "Oo!! Mukhang sya nga!! Kuhang-kuha ng istura nya ang description ng mga kaklase ko!!!!"

Lyrica: "Ehhh.....Archie? Di ba si Nolan yan?"

Lunabelle: "Nolan? K-Kilala nyo sya?!"

Albert: "Oo, Lunabelle. Galing siya sa Section 8-A at siya rin ang SGO President."

Lunabelle: "A-Anu?! Siya ang SGO President?!!"

Archie: "Oo, Lunabelle. Sa maniwala ka at sa hindi, bestfriend din sya ni Jett noong nasa Elementary pa sila, ayon kay Reysha."

Lunabelle: "Ha?! Magbestfriend din sila ni Jett?? Eh di ibig sabihin may topak din sya?"

Lyrica: "Lunabelle, wag kang mag-alala. Matino si Nolan."

Lunabelle: "In fairness, Cute sya ha. Parang feeling ko, magkakagusto na ako sa kanya. Pero ang ipinagtataka ko, anung ginagawa nya dito sa Park?"

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon