Sa kasalukuyan, apat na buwan matapos ang mga pangyayari tungkol sa walong kakaibang mga litrato ni Kalano. Abala ang mga estudyante sa pakikinig ng kanilang klase sa subject ni Marika.
Marika: "OK! Class? Sino ang nakaintindi sa sinabi ko kanina tungkol sa sikat na painting ni Leonardo Da Vinci na tinatawag na Mona Lisa?"
Estudyante 1: "Ma'am! Wala po syang kilay!!"
Marika: "Oo. Wala nga syang kilay. Pero anu ang naging basehan nya para ipinta ito?"
Habang nagsasalita si Marika, nagbubulungan naman ang mga magkakatabing magkakaibigan na sina Archie, Albert, Rochel at Lyrica sa likod.
Albert: "Insan, parang habang tumatagal, parang lalong nagiging boring yung mga tinuturo ni Miss Marika."
Archie: "Kaya nga eh. Nababagot na nga rin ako. Kaso, kailangan kong piliting makinig sa kanya para di nya ako tawagin."
Lyrica: "Guys, inaantok na ako. Anu pwede kong gawin para magising? Tsaka boring talaga ang pagtuturo nya sa Art."
Rochel: "Lyrica, wag kang pipikit, kapag nakita ka nya, ikaw tatawagin nya sa recitation."
Lyrica: "Rochel, sinusubukan ko. Pero talaga bumabagsak na mga mata ko."
Marika: "Jett Zobel!!! Anung sa tingin mo ang ginagawa mo?!!"
Archie: "Naku! Mukhang nahuli pa nya si Jett."
Albert: "Oo nga, Insan. Nagtataka din kasi ako kung anung ginagawa nya sa upuan nya."
Tumayo si Jett sa kanyang upuan, matapos syang tawagin ni Marika.
Jett: "Ma'am, anu po.....nakatingin po ako sa bintana."
Marika: "Aaaaat bakit ka naman nakatingin sa bintana?!!"
Jett: "May nakita akong lalaki na kanina pa dumadaan sa harap ng gate ng eskwelahan. Nakasuot ng black na leather jacket, sunglasses, black na cap, at tatlo o apat na beses na syang dumaan sa gate. Nag-aalala po ako baka kidnapper po yun."
Marika: "Hindi ka naman siguro nagpapalusot, noh? Jett."
Jett: "Hindi po. Talagang kanina ko pa nakikita yung lalaki sa labas."
Tumingin si Marika sa bintana at hindi pa nya nakikitang dumaan ang sinasabing nakita ni Jett na naturang lalaki. Upang mapatunayan na totoo ang sinasabi ni Jett, pumuwesto si Marika sa tabi ng bintana upang matanaw niya ang nasabing lalaki.
Ilang minuto ang makaraan, muling nagpakita ang lalaki sa tapat ng gate malapit sa isang siomai stand sa labas ng gate at gaya ng deskripsyon ni Jett, nakita ni Marika mula sa bintana ng classroom nya, ang lalaki. Naniwala si Marika sa sinabi ni Jett na deskripsyon nito.
Maya't maya umalis ang lalaki at inobserbahan ito ni Marika mula sa bintana. Ilang minuto bago ang dismissal ng klase nakitang muli ni Marika ang sinasabi ni Jett na lalaki, kung saan naniwala na sya na marahil ay nag-aabang ito ng makikidnap na estudyante.
Kaya bago sya nagdismiss ng klase pinayuhan nya ang kanyang mga estudyante na huwag ng lumabas sa gate at kumain na lahat sa Canteen.
Nang tumunog na ang bell, nagsilabasan ang mga ibang estudyante at naiwan ang mga magkakaibigan sa kanilang room kasama si Marika.
Marika: "Jett! Kailan mo pa nakikita yung lalaki sa labas?"
Jett: "Ma'am, kanina lang po. Pagkatapos nyo po idiscuss ang tungkol kay Leonardo Da Vinci."
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Teen Fiction***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...