CHAPTER 29: PAG-AAWAY

33 5 0
                                    

Matapos ang tatlong araw na Intramurals, dumating na rin ang araw ng Biyernes kung saan magaganap ang Foundation day ng eskwelahan. Sa Foundation day din iaannounce ng mga opisyal ng eskwelahan ang mga nanalo sa Intramurals.

Sa araw ding ito, napag-usapan din ng buong Section 8-B na magtatayo sila ng Food stand at abala ang ilang mga estudyante na nagbabantay sa stand na ito, kasama na sila Reysha, Carl at Aileen na nagluluto ng mga pagkain.

Carl: "Reysha!! May nag-order ng dalawang seafood noodles sa pang-anim na mesa."

Reysha: "OK! Anjan na! Pakisabi, pakihintay na lang!"

Aileen: "Reysha, luto na yung Chili Burger na pina-take-out ng nasa table 2."

Reysha: "OK! Pakibalot mo na, Aileen."

Student 1: "Reysha! Tapos ko nang mabalatan yung patatas at carrots. Anu na ang susunod kong gagawin?"

Reysha: "Mark! Paki-slice na rin sa cubes yung mga nabalatan mo. Kasama na yung mga pechay at spring onions."

Student 1: "OK!"

Student 2: "Reysha! Punta lang ako sa CR!"

Reysha: "Pambihira!!! Pang-sampung beses mo nang balik sa CR yan ah!!! Parang sinasadya mo ata hindi tumulong dito!!!!"

Student 2: "Ehhhh......ganito ako kapag ninenerbyos. Kaya sorry."

Reysha: "Hay.........ewan!! Sige!! Umalis ka na nga!!"

Student 2: "OK! Thanks!"

Reysha: "Hay.........bakit pa kasi nataon pang hindi tumulong sina Rochel, Lyrica at pati na yung magpinsan!!"

Carl: "Eh malay ko sa apat na yun. Siguro may date yung si Archie at Rochel. Si Lyrica at Albert, ewan ko kung anung ginagawa nila ngayun."

Aileen: (Sigurado nagplano silang magdate ngayong araw. Wala kayong ideya kung anu namamagitan sa kanilang dalawa ngayun. Nakakainis. Ako ang naunang nagtapat kay Albert pero si Lyrica ang pinili nya!!)

Napansin ni Carl na napakatahimik at hindi nakisali sa usapan nila si Aileen. Kaya tinanong nya ito.

Carl: "Oy!! Aileen! Bigla ka atang tumahimik? Anung iniisip mo? Nahiwa mo ba ang daliri mo?"

Aileen: "Carl, OK lang ako. Wala lang to."

Reysha: "Sigurado ka, Aileen? Para kasing nababahala ka eh."

Aileen: "OK lang ako."

Reysha: "OK. Kung yan ang sabi mo."

Nagpatuloy sa pagluluto ang tatlo, hanggang sa may mapadaang dalawang tao na kilala nila at nag-order ng pagkain.

Albert: "Miss! Pa-order ako ng dalawang chicken noodles. Dine-in na namin."

Aileen: "Ok, sir. Pakihin-!! Albert?!"

Albert: "A-Aileen?!!"

Lyrica: "Albert, baki-?!! Aileen?!! Anung ginagawa mo jan sa Food stall?"

Reysha: "Hay!! Nako!! Di nyo ba alam?! Food stall ng section natin ang stall na ito!! Hindi nyo ba nabasa sa text ang sinabi ni Miss Marika na magtatayo tayo ng Stall sa Foundation day?!! Tsaka, nagdedate ba kayo?"

Albert: "Ahhh....D-Date?!"

Reysha: "Wag na kayo magmaang-maangan pa!!! Halata naman nagdedate kayo. Isang tanong din pala, magJowa na ba kayo?"

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon