Araw ng Lunes, isang linggo, pagkaraang mahanap si Jett. Masayang pumasok ang mga estudyante sa eskwelahan dahil sa ito na ang huling linggo na papasok sila bago ang Christmas Break.
Nang magsisimula na ang unang subject ng klase, nagulat ang lahat nang dumating si Jett na nakasaklay. Natuwa naman sila Lyrica, Rochel, Reysha at ang magpinsan sa pagdating ni Jett. Tahimik lang na pinagmasdan nila Carl at Aileen si Jett. Pagpasok ni Jett, sakto namang dumating ang Subject Teacher para magturo.
Pagdating ng tanghali, lumapit ang estudyanteng kaaway ni Jett sa kanya at sinubukan syang bullyhin nito. Ngunit hindi inaasahan ang mga sumunod na nangyari.
Bully 1: "Aba! Nagbabalik na pala ang matapang na si Je-"
Bago pa man matapos sa pagsasalita ang bagong bully na lumabas, mula noong nawala si Jett, inundayan na sya ng palo ni Jett sa ulo gamit ang saklay niya na gawa sa kahoy.
Bully 1: "Aray!! Tama na!! Pakiusap!!! Tama na!! Hindi na ako magsasalita!!!! Please!! MAAWA KAAAAAAAAA!!!!!!"
Jett: "Anung sinasabi mong maawa ha?!!!!! Akala mo ba?!!! Porket nakasaklay ako, kaya mo na ako ha?!!!! Para sabihin ko sayo marami akong alam na paraan para bugbugin kayo kahit na nakasaklay pa ako!!!!!! Tsaka HINDI NA AKO NAAWA SA MGA KAGAYA NYO!!!!!!"
Student 1: "Grabe.....nakakatakot pa rin sya kahit pilay sya."
Student 2: "Oo nga eh. Tsaka parang mula nung nailigtas sya mula sa mga kidnapper, parang lalo syang naging bayolente. Ang hirap din siguro ng mga pinagdaanan niya mula sa mga kidnapper nya."
Halos pagtsimisan na si Jett ng mga estudyanteng nanonood sa kanila ng biglang dumating si Reysha para pigilan siya.
Reysha: "Jett. Tama na iyan. Nabugbog mo na sya ng husto.
Jett: "Huff...huff...huff...."
Lumapit si Reysha at hinawakan niya ang ipinalong saklay nito. Tsaka nya pinaalis ang bagong bully.
Reysha: "Oy!! Kung gusto mo pang mabuhay, umalis ka na dito. Lalo na't hindi maganda ang pinagdaanan ni Jett sa mga Kidnapper nya. Nakita mo naman sa gawa nya, hindi ba?!"
Bully 1: "S-Sige!! Aalis na ako!! Grabe!! Nakakatakot sya!!"
Agad kumaripas ng takbo ang bagong bully. Inimbitahan naman ni Reysha si Jett sa mesa nilang magkakaibigan para mahimasmasan ito
Archie: "Jett....uhh......grabe naman ang ginawa mo kanina? OK ka lang?"
Jett: "Oo."
Albert: "Wala bang masakit sayo? Kung gusto mo, dalhin ka na namin sa Clinic para matingnan ng Nurse kung may problema sa Plaster mo sa kamay at paa."
Jett: "Hindi na kailangan, Albert. OK lang ako."
Rochel: "Jett, kung may gusto kang pag-usapan, andito lang kami para makinig."
Jett: "Salamat, Rochel. Pero OK lang ako."
Lyrica: "Jett, Anung nangyari sayo kanina? Parang naging ibang tao ka?"
Jett: "Guys, salamat sa concern nyo. Pero OK lang ako. Tsaka, napansin ko, hindi ata tumabi sa atin si Carl at Aileen. At nakikikain sila sa ibang mga estudyante. OK lang ba sila?"
Reysha: "Uhhh......tungkol jan sa tanong mo, ako na ang magpapaliwanag sayo."
Ipinaliwanag ni Reysha kay Jett ang tungkol sa naging alitan nila Albert, Lyrica, Aileen at Carl noong Foundation day. Matapos maikwento ni Reysha, napakamot ng ulo si Jett dahil sa nalaman nyang pinagmulan ng alitan nung apat ay dahil lang sa Love Quarrel nila. Masama naman ang tingin ni Jett kina Lyrica at Albert.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Teen Fiction***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...