Kinabukasan, excited na pumasok sa eskwelahan ang mga magkakaibigan upang alamin ang mga detalye sa magaganap na event next week.
Ngunit tila nadismaya sila dahil sa nasimulan ang kanilang buong araw ng mga boring na pagtururo ng kanilang mga subject teachers at nababagot na rin ang ilan sa mga kaklase nila.
Matapos ang kalahating araw, nagring na rin ang bell para sa tanghalian ng mga estudyante, ngunit biglang nagkaroon ng announcement kung saan, sinasabi na wala ng klase sa hapon at ang mga Advisers ng bawat room ang magsasabi ng mga detalye. Matapos marinig ang announcement, agad bumalik sa kanilang room section ang mga magkakaibigan.
Eksakto pagsapit ng 1 PM, pumasok si Marika at laking tuwa ng mga estudyante dahil sasabihin na ni Marika ang isang importanteng announcement.
Marika: "OK! Class! Nakikita ko namang excited na kayong marinig ang i-aannounce ko sa inyo, kaya naman didiretsahin ko na kayo. Next week, sabay-sabay na magaganap ang tatlong events sa ating school. Una, ang Search for Mr. And Miss Teen Selma High pageant, magaganap yun sa araw ng Lunes. Pagkatapos nun, opening ng Itramurals mula Lunes ng hapon hanggang Huwebes ng hapon. Tapos, araw ng Biyernes, foundation day naman ng ating school kung saan magtatayo ng mga stall ang bawat Section para sa mga darating na bisita. Kaya mag-isip na rin kayo kung anu ang ilalagay nating stall para sa Foundation day. So guys? May tanong pa ba?"
Matapos marinig ng mga estudyante ang mga events na magaganap sa susunod na linggo, masayang nag-usap ang mga ito sa kanilang upuan. Ngunit bago pa man tuluyang mag-ingay ang mga estudyante, nagsalita na si Marika sa kanyang plano para sa unang event na magaganap next week.
Marika: "Guys!! Lahat kayo!! Makinig!! Dahil unang magaganap ang Pageant next week, gusto kong, lahat ng magaganda at gwapo, TUMAYO!!!!!"
Tumayo ang lahat ng magaganda at gwapo pati na rin ang mga Feeling gwapo at maganda. Sumama naman ang tingin ni Marika nang tumayo ang mga feeling gwapo at maganda.
Marika: "Darius!!! Umupo ka nga!! Hindi ka naman gwapo!!"
Darius: "Ma'am!!! Bakit hindi po ako gwapo?!!! Sabi ng nanay ko, pogi daw ako!!!"
Marika: "Sabi lang yan ng nanay mo!! Kaya umupo ka na!!"
Darius: "Pambihira naman oh!!"
Marika: "Claretta?! Bakit ka nakatayo?!"
Claretta: "Ma'am, Why am I standing? Because I believe in myself that I have the beauty and the wit to win this contest, Ma'am."
Student 1: "Hoy!! Claretta!! Umupo ka na!!! Ang sagwa mong tingnan!!!"
Student 2: "Garabucho na nga balat mo!!!! Ang haba pa ng baba mo!!! Ang kapal mo!!!!"
Carl: "Kaya nga!! Ang panget mo na nga!! Ikaw pa ang maarte!!! Umupo ka na!!!!"
Claretta: "Whatever!!! Mga Loser!!!"
Marika: "Sorry, Claretta. Hindi ka qualified."
Nainis na umupo ang mga Feeling pogi at maganda. Hanggang sa hindi na nagulat ang lahat kung bakit pinaupo din ni Marika si Reysha.
Marika: "Reysha, upo."
Reysha: "Ha?!!! Bakit po?!!! Anu pong problema?!!!"
All students: "KULANG KA SA HEIGHT!!!"
Reysha: "ANUNG SINABI NYOOOOO?!!!!!!!!"
Nagwala si Reysha matapos marinig ang mga sinabi ng kanyang mga kaklase at hinahamon nya lahat ng mga ito ng away. Inawat naman siya nila Archie, Albert, at Lyrica.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Teen Fiction***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...