CHAPTER 80: MASAHE

26 5 1
                                    

Pagkatapos ang tatlong oras, lumabas ang lahat mula sa mga Massage rooms na relax at magaan ang pakiramdam, ngunit biglang nailang ang mga babae ng makita nila si Jett na naghihintay sa kanila sa Reception area. Isa pang nakatawag pansin sa mga kasamahan nilang mga babae ay ang blue na panyo na nakabalot sa kaliwang kamay at gusto nilang malaman kung anu ang nangyari dito.

Archie: "Jett!! Bakit hindi ka sumama?! Nagpamassage ka din sana para gumaan din ang pakiramdam mo!!"

Albert: "Sayang ang ibinayad mo kapag hindi ka nagpamassage. May oras pa naman, Jett. Humabol ka na!"

Jett: "Guys, OK lang ako. Salamat na lang."

Carl: "Sayang naman ang massage, Jett. Nakakarelax kaya."

Jett: "Guys. Kung OK na kayo, bumalik na tayo sa Cottage house. Nahihilo ako."

Reysha: (Nahihilo sya? Baka naubos ang lakas nya sa sobrang paglabas nya ng enerhiya?)

Tyler: "Jett? Sigurado ka ba sa desisyon mo? Pwede ka pa namin hintayin dito."

Jett: "OK na po ako, Mang Tyler. Alis na po tayo."

Biglang tumayo si Jett at agad ito naglakad palabas ng building, sinyales na gusto nitong bumalik sa Cottage house. Wala naman nagawa ang Grupo para makumbinsi na magpamasahe si Jett, kaya sinundan nalang nila ito.

Pagdating sa Cottage house, agad humiga sa sofa si Jett at mabilis na nakatulog. Napansin naman ng ilan ang biglaang pagtulog nito, ngunit mas nakatawag pansin sa mga kasamahan ni Jett ang kanyang kaliwang kamay na nakabalot ng blue na panyo. Kaya habang natutulog si Jett, tinanggal nila ang panyo at laking gulat nila ng makita ang sunog na kaliwang kamay ni Jett.

Tyler: "T-Teka?!! Bakit sunog ang kamay nya?!! Anung nangyari sa kanya?!!"

Marika: "Tyler, kung maalala mo yung lindol kanina, nawalan na naman sya ng kontrol sa kapangyarihan nya. Buti nga, kusang nagpakalayo-layo si Jett para walang mapahamak na ibang tao."

Archie: "Pero, bakit nawalan na naman po sya ng kontrol? Eh di ba po, nakokontrol nya na ang kanyang kapangyarihan?"

Reysha: "Archie, dahil yan sa kanyang emosyon. Labis ang sobrang galit na nararamdaman nya kanina, kaya nawalan sya ng kontrol."

Carl: "Pero kung galit nya ang naging dahilan ng kawalan nya ng kontrol sa sarili nyang kapangyarihan, sino sa inyo ang taong kagalit nya ngayon?"

Aileen: "Carl, lahat kaming mga babae ang kagalit nya. Ngayon, masaya ka na?"

Albert: "Ha?!! Kayong lahat?! Pero bakit?!"

Lyrica: "Albert, kung maalala mo yung parusa, kung saan pinag-massage ni Miss Marika si Jett ng sunblock sa amin mga Girls, dun sya nagalit. Kaya galit na galit siguro sya kanina ng magpamassage tayong lahat ng walang kahirap-hirap samantalang sya nagpagod noong nagmassage sya sa amin."

Lunabelle: "At halata sa kamay nya na sobrang galit sya. Halos wala ng balat.

Marika: "Lyrica, pagalingin mo ang kamay nya. Tsaka natin isipin kung panu tayo patatawarin ni Jett."

Lyrica: "Opo."

Agad pinagaling ni Lyrica ang sunog na kamay ni Jett na sanhi ng kawalan nito ng kontrol. Tsaka inisip ng mga kasamahan ni Jett kung panu pahuhupain ang sama ng loob na nararamdaman nito sa kanila.

Tapos na ang pananghalian ng magising si Jett at nagtataka sya nang nakahanda na ang kanyang pananghalian sa maliit na mesa ng sala, kung saan nakaupo din ang limang babae, kaharap ng kanyang upuan.

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon