Makalipas ang tatlong buwan at kasagsagan na rin ng bakasyon ng mga magkakaibigan at lahat ng mga estudyante, abala ang lahat sa isang magaganap na okasyon sa pagitan nila Marika at Tyler. Nagmamadali namang tumakbo si Jett na nakasuot ng tuxedo papunta sa simbahan, dala ang isang malaking kahon na animo'y isang regalo. Habang tumatakbo, biglang tumunog ang kanyang cellphone at kinuha ng kanyang kanang kamay tsaka inilagay sa kanyang tenga.
Jett: "Hello? Sino it-!"
Reysha: ["HOY!!! ASAN KA NA BA?!!! KANINA PA KAMI NAGHIHINTAY DITO!!!!!"]
Jett: "Anjan na nga!!!!! Papunta na nga ako!!! Nagmamadali na nga eh!!!!!"
Reysha: ["ANG TAGAL MO KASING BUMANGON SA HIGAAN MO!!!!!!!! ALAM MO NA NGANG KASAL NILA MISS MARIKA AT MR. TYLER NGAYON!!!!! HIHILATA KA PA!!!!]
Jett: "Ehhh....nakalimutan kong i-alarm ang cellphone ko!!!!!! Kaya pagpasensyahan mo na ako!!!!"
Reysha: ["PAGPASENSYAHAN?!!!! UMAASA SI MISS MARIKA NA KUMPLETO TAYO SA KASAL NYA!!!!! KAYA DALIAN MO!!! MAY 5 MINUTES KA NA LANG BAGO MAGSIMULA ANG KASAL!!!!!!!!"]
Sabay putol ni Reysha sa kanyang linya. Dahil limang minuto na lang ang nalalabi, wala nang nagawa si Jett kundi gamitin ang kanyang kakayahan na lumipad at bumulusok sa ere. Nang makita nya ang simbahan, bumaba siya sa isang lugar, kung saan walang tao at nagmadaling pumasok sa loob ng simbahan. Pagpasok nya, sakto namang magsisimula na ang kasal at agad umupo sa upuan ng kanyang mga kaibigan.
Carl: " Jett? Saan ka galing? Bakit parang nilipad ng bagyo ang buhok mo?"
Jett: "Wag ka nang magtanong. Hulaan mo na lang."
Reysha: "Teka? Lumipad ka ba papunta dito sa simbahan?"
Jett: "Oo. Kasi pinagmamadali nyo ako!!"
Reysha: "Kasi nga, malapit nang magsimula ang kasal."
Jett: "Kung magsisimula na ang kasal, bakit nakipila pa rin yung mga Maid of Honor, Bridesmaid, Groomsmen, Flower girl, Ring Bearer at Beast man sa pinto ng simbahan?!!"
Lunabelle: "Jett, Bestman yun. Hindi Beastman."
Jett: "Ha?! Bestman ni Mr. Tyler yun? Mukha syang Gorilya."
Lyrica: "Uy....Jett! Hinaan mo nga ang boses mo. Baka marinig ka pa."
Jett: "Oo na. Tatahimik na."
Matapos ang ilang segundo, nagsimula na ang kasal, kung saan naghihintay ang Groom na si Tyler sa harap ng altar at pumasok naman mula sa pinto ang Bride na si Marika. Nabighani ang lahat sa gandang taglay ni Marika, suot ang Wedding dress nito. Ngunit may napansin namang kakaiba si Jett.
Albert: "Wow!! Ang ganda ni Miss Marika!!"
Archie: "Oo nga, Insan!!"
Aileen: "Kinikilig ako!! Sana ganyan din ako ikasal sa mahal ko!!!"
Rochel: "Ang ganda talaga ng suot nya. Bagay sa hubog ng katawan nya."
Jett: "Rochel."
Rochel: "Anu yun?"
Lumapit si Jett sa tabi ni Rochel at nakipagbulungan ito.
Jett: "Rochel....sabihin mo. Buntis ba si Miss Marika?"
Rochel: "H-Ha?! Uhhhhh....Pano mo nasabi?"
Jett: "Siguro, hindi halata sa mata ng iba ang suot nyang dress dahil naka-angat sa puson nya yung malapad nyang palda. Pero sa matang mausisa na gaya ko, halata kong may itinatago sya. Kaya tapatin mo ako, buntis ba si Miss Marika? Imposibleng hindi mo alam? Kayo ang magkasama sa iisang bubong."
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Teen Fiction***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...