Pagkatapos magsi-alisan ang ibang mga estudyante, lumapit ang mga magkakaibigan kay Marika upang tanungin ito sa kanyang naging desisyon.
Rochel: "Miss Marika, bakit nyo po isinali si Lyrica sa Pageant? Alam nyo naman pong hindi sanay sa maraming tao si Lyrica.
Aileen: "Oo nga po, Miss Marika. Tsaka panu kung magulat at mahimatay sya habang pinapanood ng maraming tao?"
Marika: "Guys, ayoko man sabihin ito pero si Lyrica lang kasi ang nakita kong katamtaman ang pangangatawan sa lahat ng Girls. Walang labis at walang kulang sa sukat ng katawan nya. At pasok din sa standards ng mga Judges ang Height nya. Kaya sya ang pinili ko."
Archie: "Eh Miss Marika, hindi po pa kayo nag-aalala na baka mangyari ang mga sinabi ni Aileen?
Marika: "Ba't di natin tanungin si Lyrica?"
Lyrica: "Ha?! Eh Ma'am, panu kung mangyari po talaga ang mga sinabi po nila?"
Marika: "Oh sige. Kung nag-aalala ka na baka mangyari ang mga sinasabi ng mga kaibigan mo sayo, may itatanong ako sayo. Lyrica, may tiwala ka ba sa sarili mo?"
Sandaling hindi kumibo si Lyrica sa itinanong ni Marika sa kanya at nag-iisip sya kung anu ang mabuting sagot sa tanong ni Lyrica. Hanggang sa napagtanto nya na sinusubukan ni Marika, kung hanggang saan ang tiwala nya sa kanyang sarili. At naisip din nya kung bakit pinili sya ni Marika. Kaya lakas loob nyang sinagot ang tanong ni Marika.
Lyrica: "Opo! K-Kakayanin ko pong sumali sa Pageant, Miss Marika."
Aileen: "Beshy?! Sigurado ka ba sa sinabi mo?!!"
Lyrica: "Oo, Aileen. Sigurado ako."
Marika: "Oh Guys! Narinig nyo si Lyrica. Nakapagdesisyon na sya. Kaya sya na ang representative natin sa Section natin."
Reysha: "Kung ganon, oras na para gawin ko ang naiisip kong trabaho ko!!"
Albert: "Trabaho mo? Anu naman yun, Reysha?"
Rochel: "Naiisip na trabaho? Reysha, mula ba noong nakita mong pinagmamasdan ni Miss Marika si Lyrica kanina, may pinaplano ka na bang gawin?"
Reysha: "Uh-huh!"
Aileen: "Kung ganon, anung pinaplano mo, Reysha?"
Sandaling hindi umimik si Reysha at muli na naman niyang pinagmasdan si Lyrica mula ulo hanggang paa. Nagtataka na naman si Lyrica kung bakit ganun na lang makatingin si Reysha sa kanya. Hanggang sa magsalita na si Reysha.
Reysha: "Ang plano ko........Isang Total Make-over para kay Lyrica!!!"
Lyrica: "M-Make-Over?!!!!"
Archie: Total Make-over?"
Albert: "Para kay Lyrica?"
Marika: "Aba!! Tama ka, Reysha!! Yan rin ang plano ko mula nung mapansin ko ang pangangatawan ni Lyrica kanina."
Rochel: "Miss Marika, nasabi nyo na rin po ang salitang plano, kung tayo na lang po mag-plano kung anu ang mga gagamitin nya para sa talent portion at sexy attire?
Lyrica: "S-Sexy A-A-Attire?!!!"
Albert: "Oo nga noh? Hindi pala nawawala sa mga Pageant ang mga talent portion, sexy attire, at question and answer portion."
Reysha: "Kung ganun, planuhin na natin ang mga gagawin at Isusuot ni Lyrica para sa next week!!!"
Rochel: "Game ako jan sa plano mo, Reysha."
Aileen: "Ako rin!!"
Archie: "Sige!! Sali rin ako. Gagawin ko ang makakaya ko para tulungan si Lyrica."
Albert: "Kung sasali si Insan, sali na rin ako."
Carl: "Hay......sige na sasama na rin ako sa plano nyo. Total, naman akong magagawang matino kung magsasarili lang ako."
Aileen: "Hah! Buti naisip mo din tumulong."
Marika: "Kung ganun, kayo na guys, ang magiging organizing team ni Lyrica at ipapaubaya ko na sa inyo ang mga gagamitin ni Lyrica sa Pageant. Ang sa akin lang, ako na ang bahalang magpraktis kay Lyrica sa question and answer portion."
Reysha: "Ma'am!! Ako na po bahala sa Make-over at sa mga gagamiting damit ni Lyrica. Ang kailangan ko lang, atleast dalawang tao na tutulong sa Make-Over nya."
Aileen: "Reysha! Ako! Magvovolunteer ako!"
Rochel: "Isama mo na rin ako, Reysha!!"
Reysha: OK!! Buo na ang Make-Over team!! Kayo mga guys? Anu naman ang itutulong nyo?"
Albert: "Ako nang bahala sa gagawing talent ni Lyrica. Naisip ko, dahil gumagamit ng mahika si Lyrica, mga magic tricks na lang ang gawin nyang talent."
Marika: "OK. Papayagan ko yan plano mo Albert. Pero limitahan mo lang ang gagawing tricks ni Lyrica ha? Pati na rin ikaw, Lyrica."
Albert: "Opo. Makakaasa po kayo."
Lyrica: "Opo."
Carl: "Eh panu naman kami ni Archie? Anung gagawin namin?"
Archie: "Oo nga noh? Wala ba kaming gagawin?"
Marika: "Archie, Carl. Samahan nyo na lang yung mga girls sa paggawa ng props at sa gagawin nila. Mukha kasing mas marami silang gagawin kaysa sa pagpraktis ng talent at Q&A."
Archie: "Ah! Sige po, Miss Marika. I-aassist na lang po namin sila."
Carl: "Hay.....sige. Hindi na ako magrereklamo." (Pambihira. Alalay na naman kami nung mga Girls. Si Archie, hindi makatanggi kasi kasama nya Jowa nya.)
Marika: "Kung OK na ang lahat, magsimula na tayo sa plano. Reysha, kailan mo gagawin ang Make-Over kay Lyrica?"
Reysha: "Ma'am! Mas maganda kung gawin naming sorpresa ang New Look ni Lyrica. Sisimulan po namin ang Make-Over sa kanya, Linggo ng hapon."
Albert: "Sorpresa ang New Look ni Lyrica?"
Reysha: "Oo! Para magulat ang mga manonood at mga Judges. Ang mangyayari, pagpasok ng stage ni Lyrica, magugulat na lang sila dahil may bagong mukha sa stage na hindi nila kilala pero kapag nagpakilala na sila, magugulantang sila dahil maririnig nila ang pangalan ni Lyrica!"
Rochel: "Aba! Reysha. Mukhang ibibigay mo lahat ng best mo para maganda si Lyrica ha." (At nakaktuwa din na hindi mo na iniisip sa ngayun si Jett. Pero pagkatapos ng mga school events Reysha, sigurado ako, may naisip ng paraan sila Lyrica kung panu mahahanap si Jett.)
Reysha: "Siyempre naman!! Kailangang tayo ang manalo!!"
Marika: "Magandang ideya yan, Reysha. Gulatin ang mga manonood upang makadagdag ng Points sa Judges."
Reysha: "Kaya sa ngayun, ang magprapraktis pagkatapos ng school ay si Albert at Lyrica para sa talent portion."
Albert: "OK! Ako bahala mag-coach sa talent nya."
Marika: "Yung mga Q&A, Lyrica, sa linggo na rin kita i-cocoach. Pero magsesend lang ako sa Chatbox mo ng mga possible questions. Kaya pag-aralan mo rin ha?"
Lyrica: "Opo, Miss Marika."
Marika: OK! Guys! Asahan kong magagampanan nyo ang mga tulong nyo para kay Lyrica ha? Magkita na lang tayong lahat sa Monday."
Matapos ang ilang paalala ni Marika sa mga magkakaibigan, agad din silang umuwi matapos mapagplanuhan ang kanilang mga gagawin upang makatulong kay Lyrica.
Agad na pumuntang Downtown ang mga grupo ni Reysha kasama sila Archie at Carl upang maghanap ng gagamiting damit ni Lyrica sa Pageant.
Nagresearch naman si Marika sa internet ng mga posibleng tanong na itatanong sa Pageant at pumunta naman sila Lyrica at Albert upang magpraktis ng gagawing magic tricks si Lyrica. Ilang oras ang nakalipas, agad na rin silang umuwi dahil maggagabi na.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Teen Fiction***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...