CHAPTER 15: HINALA

37 7 0
                                    

Halos mag-iisang oras na ang nakalipas, dumating, sakay ng kanyang kotse si Tyler at huminto sya sa harap ng bahay ni Marika. Pinaunlakan naman siya ni Marika na pumasok sa kanyang bahay. Pagpasok nya, nagulat sya ng makita si Reysha na naghihintay habang nakaupo sa sala at umupo silang lahat, upang mag-usap.

Tyler: "Ahhh.....Marika? Matanong ko lang? Bakit kasama natin si Miss Liit dito? Akala ko ba, umuwi ka na?"

Marika: "Tyler, kaya sya nandito dahil napag-usapan naming tatlo na kailangan namin ang tulong mo upang hanapin si Jett. Hindi lang si Reysha ang nag-aalala sa kanya, kundi kaming lahat na nakakakilala sa kanya at lalo na rin ako dahil Adviser nya ako sa school. Kaya Tyler, nakikiusap ako sayo. Tulungan mo naman kami."

Reysha: "Mr. Tyler!! Pakiusap naman po!! Kailangan po namin ng tulong nyo! Makakas ang kutob ko po na kinuha si Jett ng mga Mangkukulam!! Tutulong po ako sa paghahanap po sa kanila kung yun po ang kapalit!!"

Tyler: "Oy....teka?!! Huminahon ka lang Miss Liit, wag kang sobrang nagmamadali. Una sa lahat, hindi ko kailangan ng tulong mo. Pangalawa, naniniwala ka sa kutob mo, na kinuha si Jett ng mga mangkukulam? Yan ang gusto kong patunayan mo. Paano mo masasabi na tama ang kutob mo?"

Marika: "Kung maalala mo, Tyler. Nasaksak ka sa tagiliran mo noon at nalaman ko yun dahil sa kutob ko. Kaya wag mong minamaliit ang kutob naming mga babae."

Natameme si Tyler ng marinig nya ang sinabi ni Marika sa kanya tungkol sa nangyaring pakikipag-away nya kung saan nasaksak sya noong high school pa lang sila. Kaya naman tila walang nagawa si Tyler kundi paniwalaan si Reysha sa kutob nito.

Tyler: "Oo na! Sige na! Maniniwala na ako sa kutob nyo. Pero panu ka nakakasiguro na hawak ng mga Mangkukulam si Jett base jan sa kutob mo?"

Rochel: "Mr. Tyler, wala po ba kayong napansin na kakaiba mula noong makuha po nila ang Aklat ng Mayari sa amin?"

Tyler: "Hmmm.....parang wala eh. Pero yung mga kasamahan ko sa headquarters meron silang napansin."

Reysha: "Meron silang napansin? Anu pong napansin po nila?"

Tyler: "Ayon sa mga kasamahan ko, may biglaang paglakas ng mana sa siyudad noong mga nakaraang araw. Pero hindi nila masabi kung saan eksakto galing yung abnormal na pagtaas ng mana. Lumalabas na mana iyon mula sa mga Mangkukulam, ngunit ang hindi ko maintindihan kung bakit kinakailangan ng mga Mangkukulam ang malaking halaga ng mana. Para saan kaya nila gagamitin iyon? Matapos nun, wala nang nadedetect sa mga gadgets namin."

Rochel: "Mr. Tyler, wala po ba kayong ideya kung saan nila gagamitin ang maraming mana na ginamit nila?"

Tyler: "Ang alam ko, pwede nilang gamitin yung maraming mana sa pagpapagana ng malaking magic circle. Pero sa ngayun, hindi nila magagamit yun dahil kailangan nila ang kapangyarihan ng Minokawa."

Sandaling tumahimik si Tyler at may naisip syang theorya.

Tyler: "Teka? Maari kayang gumagamit sila ng spell upang hanapin ang taong nagtataglay sa Minokawa? Marahil yun siguro ang dahilan kung bakit gumagamit sìla ng maraming mana upang hanapin ito."

Marika: "OK, Tyler. Nagkaroon ka na ng idea kung anu ang susunod nyong gagawin. Pero anu naman ang koneksyon nun sa pagkawala ni Jett?"

Tyler: " Miss Liit, maaring posible nga ang kutob mo. Gumagamit sila ng isang uri ng mahika upang hanapin ang Minokawa. Maaring nahagip si Jett ng mahika nila at napaghinalaan nilang kandidato si Jett sa pagkakaroon ng kapangyarihan ng Minokawa. Yan din ang dahilan kung bakit nagre-raid kami ng mga kasamahan ko dahil napag-alaman namin ang ilang kaso ng pagdukot sa siyudad."

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon