CHAPTER 32: IISANG TAO

36 4 0
                                    

Pagsapit ng gabi, maagang dumating si Tyler sa harap ng bahay ni Marika at tanging si Reysha na lamang ang kanilang hinihintay. Ngunit ilang sandali pa, dumating na rin si Reysha sa nasabing lugar kung saan sila magkikita.

Reysha: "Guys! Sorry po kung nahuli po ako ng dating!"

Tyler: "OK lang, Reysha. Sanay naman akong maghintay. Kung ganun, nandito na ba ang lahat?"

Marika: "Oo. Andito na kaming lahat."

Sandaling tumahimik si Tyler dahil sa may napansin syang kakaiba sa mga kasamahan nya.

Tyler: "Hmmm.....Tama ba ang bilang ko? Sa pagkaka-alala ko, lima lang dapat kayong sasama? Bakit anim ata ang bilang ko sa inyong lahat?"

Marika: "Ah! Oo nga pala. Nagboluntaryo din kasi sumama si Rochel kaya naging anim kami."

Tyler: "Seryoso ka ba?! Eh sa sobrang dami nyo, hindi na kayo magkakasya pa sa loob ng kotse!! Mabuti pa, iwan mo na si Rochel!"

Rochel: "Pasenysa na po at mawalang galang na rin po, Mr. Tyler pero kung hinayaan nyo po na isama po, silang apat, kasama si Miss Marika, dapat kasama na rin po ako dahil mag-isa lang naman po akong maiiwan dito sa bahay."

Tyler: "Sigurado ka? Hindi ba dahil sumama si Archie, kaya ka nagdesisyong sumama?"

Sandaling hindi kumibo si Rochel at napatingin din sya kay Archie. Ngunit sumagot siya, taliwas sa madalas niyang idinadahilan.

Rochel: "Opo. Pero dahil po sa mag-isa po akong ma-iiwan sa bahay."

Tyler: "Hay.....sige. Ako na bahala sa lahat. Total ako naman ang nakaisip na isama kayong lahat. Pumasok na kayo sa sasakyan at aalis na tayo."

Agad sumakay sa kotse ni Tyler ang limang magkakaibigan kasama si Marika at pumunta sa sinasabing lugar ni Tyler upang magmatyag. Pagdating nila sa labas ng lugar, nakita nilang todo bantay ang mga lalaking naka-tuxedo at ilang mga security guard sa labas ng pinaghihinalaang building.

Umikot muna sila sa buong paligid upang maghanap ng lugar na mapagtataguan ng kanilang sasakyan. Hanggang sa may makita silang isang luma at hindi na ginagamit na building, nakatayo malapit sa gusali. Ipinark ni Tyler ang kanyang sasakyan sa gilid ng lumang building at bumaba silang lahat tsaka umakyat sila sa 3rd floor ng naturang gusali. Gamit ang dalang binoculars ni Albert, minatyagan nila ang pinaghihinalaang building.

Albert: "Guys! Ang daming mga naglalakad na bantay. Buti na lang may kataasan ang building na ito at nakikita natin sila sa ibaba."

Tyler: "Oo, mataas din ang building na ito pero yumuko lang kayo dahil baka may nakabantay naman sa itaas na palapag ng building nila."

Marika: "Tyler, kung lumipat kaya tayo ng pwesto kung saan malayo tayo sa bintana?"

Tyler: "Oo. Magandang ideya nga iyan. Tsaka, Lyrica. Ihanda mo na ang tracing spell mo. Ipapa-trace ko muna sayo ang nagmamay-ari sa Minokawa."

Lyrica: "Opo!"

Marika: "Archie, Rochel, pakitulungan si Lyrica sa mga gagamitin nya."

Archie: "OK po."

Rochel: "Opo, Miss Marika."

Lumipat ng pwesto ang grupo nila Marika at lumayo sa mga bintana. Inihanda naman nila Archie at Rochel ang mga gagamitin ni Lyrica ngunit hindi pa rin pinapansin ni Rochel si Archie kahit na kinakausap sya nito.

Matapos maihanda ang Compass at inkantasyon ni Lyrica, tinanong niya si Tyler kung anu ang gamit na kailangan nya upang maituro ng Compass ang taong may taglay ng Minokawa.

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon