CHAPTER 21: TALENT PRACTICE

36 5 0
                                    

Kinabukasan, araw ng sabado, muling nagkita sina Lyrica at Albert upang praktisin ni Lyrica ang kanyang mga magic tricks sa dati nilang tinatambayang lumang building.

Albert: "OK, Lyrica. Magsimula ulit tayo."

Lyrica: "Ha?! Simula ulit? Papalitan ko na naman ba ang prinaktis kong pagpapalabas ng kuneho sa loob ng sumbrero?!"

Albert: "Lyrica, Hindi! Ang ibig kong sabihin, umpisahan na natin ang pagprapraktis. Ngayon, anung mga magic tricks ang idadagdag kaya natin? Dapat makagawa ka ng 4 hanggang 5 tricks na kakaiba at walang halong daya."

Lyrica: "Eh......wala namang daya ang mga magic tricks ko kasi yung ilan sa mga ginagamit ko, mga mahikang kumpas mula sa Aklat ng Mayari."

Albert: "Kung sabagay, tama ka. Pero simulan na natin. Uhmm.....gawin mo kaya ulit ang magpalabas ng kuneho sa sumbrero na iyan?"

Lyrica: "Albert, pang labing isang beses ko ng gagawin to sa araw na ito at yung sampu mula kahapon. May plano ka bang gawing rabbit farm etong tinatambayan nating building? Eh andito pa at patalon-talon yung mga rabbit na inilabas ko mula sa sumbrero kahapon."

Napangiwe na lang si Albert ng marinig nya ang sinabi ni Lyrica at totoong nandun pa nga sa kanilang building ang mga rabbit na inilabas ni Lyrica mula sa sumbrero.

Albert: "Ehhh.....hindi ba pwedeng ibalik mo sila sa sumbrero?"

Lyrica: "Albert, kawawa naman sila kung ibabalik ko sila sa loob ng sumbrero!!"

Albert: "OK! Sige! Wag mo ng praktisin ang magic trick na yan at mukha namang maayos ang paggamit mo sa trick na iyan."

Lyrica: "Kung ganun, ano ang prapraktisin ko?"

Albert: "Ang prapraktisin mo? Gawing itlog ang ping pong balls."

Lyrica: "Albert, basic lang naman iyan. Kagagawa ko lang kahapon."

Albert: "Ahhh.....gawing paru-paru ang mga baraha!"

Kinuha ni Lyrica ang mga baraha at isinaboy nya sa ere ang mga ito. Ngunit pagsaboy nya, naging paru-paru ang mga ito. Namangha naman si Albert sa kanyang nakita.

Lyrica: "Ayan, Albert. Napraktis ko na yan kahapon sa bahay. Tsaka kasabay din nyan kagabi yung mga isinend ni Miss Marika na mga possible questions sa Chatbox ko."

Albert: "Ahhh.....ehh...kung ganun ang gawin mo na lang, ihuli mo yan cards-to-butterflies trick mo, tsaka ka mag-bow bilang panapos mo sa talent mo."

Lyrica: "OK. Gagawin ko yan sinabi mo, Albert."

Albert: "Teka! May isa pa akong naalalang trick na dapat praktisin mo."

Lyrica: "Anu naman yun, Albert?"

Albert: "Float Mid-air trick."

Lyrica: "Float Mid-air trick? Anu naman ang gagawin ko dun?"

Albert: "Simple lang, palulutangin mo ako sa ere tapos gagamitin mo ang hula-hoop bilang patunay na lumulutang ako sa ere."

Lyrica: "Eh?! Eh....Albert, hindi ko pa nasusubukang gawin ang trick iyan! Panu kung magkamali ako?! Panu kung bumagsak ka sa ere? At tsaka......."

Albert: "Tsaka anu?"

Sandaling tumahimik si Lyrica dahil sa kinakabahan sya na hindi nya kayanin ang sumali sa Pageant.

Lyrica: "Panu kung talagang hindi ko kaya ang sumali sa Pageant? Mula kasi noong nakita ko ang mga possible questions na isinend sa akin ni Miss Marika kagabi, pakiradam ko parang mablablangko ako sa gitna ng Pageant. Pati na rin sa talent portion, baka magkamali ako at mahulog yung tao na palulutangin ko. Albert, hindi ko pa nararanasan ang sumali sa Pageant. Kaya sobra akong kinakabahan. Parang gusto ko ng Mag-Back-out."

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon