CHAPTER 37: NAGBABAGANG LAKAS

33 4 0
                                    

Nang lumabas ang dambuhalang Golem mula sa Building, nagsitakbuhan ang mga Hunters palayo sa kinatatayuan nitong lokasyon. Ang iba naman ay sinubukan itong pigilan gamit ang mga baril at pinagbabaril ang naturang halimaw.

Ngunit walang epekto sa Golem ang mga balang may mga nakaukit na orasyon at tumatalbog lamang sa katawan nito.

Marika: "J-Jusko po!!!! Anung klaseng halimaw iyan?!!!

Tyler: "Kung ganun, ikinulong tayong lahat upang tapusin tayo ng bagay na iyan!!!!"

Albert: "Mr. Tyler!!! Anung gagawin natin?!!! Wala na din magawa ang mga Hunters na kasama natin para pigilan iyan!!!!!!"

Reysha: "Hindi lang iyan ang problema natin!!! Kailangan din natin itakbo si Jett sa Ospital!!!!"

Lyrica: "Guys!! Problema pa natin ang Barrier!! Kaya panu natin itatakbo si Jett sa Ospital?!!!!!!"

Hindi na malaman ng Hunters at ang grupo ni Tyler kung anu ang gagawin dahil sa tila nagtagumpay ang mga Mangkukulam na lupigin silang lahat sa isang iglap. Hanggang sa sinubukang magsalita ni Jett sa mga kaibigan nya. Upang mapansin siya, pilit nyang inabot nya ang damit ni Lyrica.

Jett: "L-Lyri..ca.."

Lyrica: "J-Jett?!! B-Bakit?!! Anung gusto mong sabihin?!!"

Reysha: "J-Jett!!! Wag mo nang subukan pang magsalita!!! Ireserba mo na lang ang lakas mo!!!!!"

Jett: "L-Lyri..ca..! B-Bub..ble..! B-Bubble..!"

Albert: "B-Bubble?! Anung Bubble?!!"

Reysha: "Bubble?!! Jett?!! Anung ibig mong sabihing Bubble?!!!!!"

Lyrica: "...Bubble...."

Marika: "Bubble? Jett?!!! Bubble effect ba ang tinutukoy mo?!!!!!!"

Tumango si Jett upang maipahayag ang kanyang pagsang-ayon.

Marika: "Pero Jett?!! Saan naman namin gagamitin ang Bubble Effect?!!"

Tyler: "Bubble effect? Di ba pagbangga yun sa isang bagay gamit ang kaparehong bagay na babagain?!"

Lyrica: "Opo yun nga p........ Yun na nga!!!!!!"

Reysha: "Yun na ang alin?!!!!"

Lyrica: "Gagawa ako ng butas gamit ang Barrier ko!!!!"

Albert: "Oo!! Naalala ko na!!! Ginamit namin noon ang technique na iyon upang iligtas ka namin sa hindi makontrol na kapangyarihan mo!!!"

Reysha: "At sa pagkakataong ito, gagamitin naman natin ang parehong technique upang iligtas ang mga kasamahan nating mga Hunters mula sa lugar na ito!!"

Lyrica: "Kung ganun, Reysha, pagtulungan nating butasan ang Barrier na ito!!!"

Reysha: "OK!! Maasahan mo ako!!"

Agad isinagawa nila Lyrica at Reysha ang Bubble effect na naisip ipagawa sa kanila ni Jett. Binalot ni Lyrica ang kanyang sarili ng kanyang barrier at ibinalot naman ni Reysha ang telekinetic barrier nya kay Lyrica. Matapos mabalutan ng makapal na barrier si Lyrica, pinilit nyang ilusot ang kanyang sarili sa barrier ng kalaban at pinalawak nya ang sariling barrier upang makagawa ng butas. Tsaka sya gumawa ng lagusan mula sa kanyang barrier papunta sa labas. Ngunit kinailangan ni Lyrica na manatili sa pagitan ng Barrier nya at ng barrier ng kalaban. Namangha naman si Tyler sa kanyang nakita.

Reysha: "Guys!! Nakagawa na kami ng butas!!!! Sabihan nyo ang mga Hunters na dito ang labasan!!!!!!!!"

Tyler: "OK!! Ako nang gagawa!!!"

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon