Pagbalik nila Aileen at Albert, sakto namang tapos na ang Talent Portion ng mga Contestants at binigyan ng MC nang konting Break ang mga manunood at mga Judges. Abala naman sa pag-aayos sina Reysha, Archie, Rochel at Carl kay Lyrica para sa Q&A.
Carl: "Oh? Saan kayo galing? Di man lang kayo nagdala ng konting meryenda?"
Albert: "Pasensya na, Carl. Nakalimutan namin magdala."
Archie: "Kahit inumin man lang, wala?"
Albert: "Pasensya na talaga, Insan."
Reysha: "Di bale!! Q&A na ang susunod. Matatapos na rin etong Pageant. Kapag nanalo si Lyrica, kakain tayo ng marami at ililibre daw tayo ni Miss Marika sa JollyBeetle!!!"
Carl: "Talaga?!! Sinabi nya yun?!!"
Rochel: "Oo, Carl!! Kaya ayusin mong mabuti yan trabaho mo!"
Lyrica: "Ahh....guys. Kinakabahan ako sa itatanong sa akin. Baka hindi ko masagot."
Albert: "Lyrica, basta sagutin mo lang yung tanong na naa-ayon sa nararamdaman mo."
Reysha: "Oo. Lyrica!! Dahil gusto kong kumain sa JollyBeetle!!!"
Aileen: "Reysha, gusto mo lang ata manalo si Lyrica dahil gusto mo lang kumain sa JollyBeetle."
Reysha: "Aba!! Siyempre!!! Gusto kong kumain dun!!! Lalo na yung Assorted Ramen Noodles na ibinebenta nila!!! Gusto kong matikman ang noodles na yun!!!"
Lyrica: "Ahh......hahaha.... O-OK, Reysha. Ibibigay ko lahat ng makakaya ko para sa......... noodles mo."
Carl: "Guys!! Magsasalita na yung MC!! Maghanda ka na Lyrica!!"
Reysha: "Ok, Lyrica!! Galingan mo!! At ipanalo mo ang Pageant para sa Noodles ko!!!
Lyrica: "O-Ok!!"
Matapos ang konting Break bumalik na ang mga Judges at mga ilang manunood sa kanilang mga upuan. Agad namang lumabas ang MC upang magsalita sa stage.
MC: "Ok! Ladies and Gentlemen!! Magsisimula na tayo sa ating Question and Answer portion. Ngayun, sa nakikita nyo, nasa harap nating lahat ang mga Candidates at nakasuot ng kanilang mga nag-gagandahang evening gown. So as usual, magkakasunod pa rin na pupunta sa harap ang mga Candidates at bubunot sila ng number sa ating Fish bowl. Kung anu ang number na mabunot nila, yun din ang number ng magiging question sa kanila. So, everyone? Handa na ba kayo?!!"
Student 1: "Oo!! Simulan nyo na para malaman na kung sino ang tunay na Gangster!!!"
Student 2: "Dalian mo na MC!!! Mamamalengke pa ako!!!!"
MC: "So simulan na natin!! Candidate number 1!! Please step forward!!"
Pumunta sa harap ang Candidate number 1 at nabunot ang number 6.
MC: "So, nabunot ni Candidate number 1 ang number 6 question. So, ang tanong, kung bukas ang magiging huling araw mo dito sa mundo, anu ang gagawin mo?!"
Student 1: "Anu ba namang tanong yan!!! Ba't di na lang ngayun?!!!"
Student 2: "Oo nga!!! Dapat ang tanong jan, kung mamamatay ka bukas, Bakit hindi na lang ngayun?!!!!!"
Sura: "Hoy!! Kayong mga bastos kayo!!!! MAGSITAHIMIK KAYO!!! KUNG MAGREREKLAMO LANG KAYO, BA'T DI NA LANG NGAYUN KO KAYO TADTARIN NG BALA HA?!!!!!!"
Sumagot ng maayos ang Candidate number 1 at natuwa ang dalawang Judge sa sagot nito. Ngunit, habang sumasagot ang Candidate number 1, pinaputukan na pala ng matanda ang mga lokong estudyante, gamit ang M16 riffle na paint ball gun, ang mga nasa likod. Kung saan niratrat nya at nagkagulo sa likod ng Auditorium, ang mga estudyante. Napangiwe na lang muli ang mga Candidates at ang mga tao na nasa Backstage dahil sa ginawa ng matanda.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Teen Fiction***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...