Pagdating ng mga magkakaibigan sa School Gate, nakita nila si Marika na naghihintay sa kanila at tinanong kung kumpleto ba sila lahat. Nang makita ni Marika na kumpleto ang kanyang mga estudyante, kasama si Lunabelle, agad nyang sinabihan ang mga ito na wag munang umuwi.
Marika: "Guys, pagpasensyahan nyo na ako ha. Pero, pwede bang wag muna kayong umuwi lahat?"
Lunabelle: "Bakit po, Miss Marika? Anu pong meron?"
Marika: "Maghintay lang kayo saglit. Darating na yung sundo natin."
Archie: "Darating na ang sundo? Sino po?"
Reysha: "Miss Marika? Anu pong naiisip nyong plano? At saan naman po tayo pupunta?"
Marika: "Malalaman nyo rin."
Sandaling naghintay ang mga magkakaibigan at si Marika sa labas ng Gate nang dumating na ang isang Pink na Van at huminto sa kanilang tapat. Nagtaka naman ang mga magkakaibigan sa kakaibang kulay ng naturang sasakyan.
Carl: "Sino namang sira ulo ang naka-isip na gawing pink ang sasakyan na ito?"
Albert: "Aba! Malay ko jan!"
Rochel: "Siguro yung Driver, mahilig lang sa kulay Pink."
Pagbukas ng pinto sa Driver seat, nakita nila si Tyler na sya palang Driver ng naturang sasakyan.
Tyler: "Guys!! Kamusta kayo?! Namiss nyo ba ako?!"
Reysha: "Aba!! Mr. Tyler!! Kayo po pala yan!!!"
Rochel: "Miss Marika? Si Mr. Tyler po ba ang tutulong sa atin upang makontrol ni Jett ang kanyang kapangyarihan?"
Marika: "Oo, Guys. Siya nga."
Archie: "Miss Marika, Paano po makakatulong si Mr. Tyler na sanayin ang powers nya?"
Tyler: "Para malinawan kayo, mabuti pa, sumakay na kayo at dadalhin ko kayo sa isang lugar kung saan makakapagsanay ng tama si Jett."
Lyrica: "Mr. Tyler, bago po kami sumakay sa sasakyan nyo, bakit po pink ang kulay ng Van ninyo?"
Tyler: "Ang totoo, hindi ko rin alam eh. Pero sa pagkaka-alala ko, hiniram kasi ito nung kasama kong Hunter ang Van at hinuli sya ng mga pulis dahil daw sa kulay puti ito. Kaya noong na tubos namin, pinalitan nya ng pink. Anyway!! Halina kayo!! At aalis na tayo!!"
Carl: (Hinuli ng pulis ang Van na ito noon? Dahil sa kulay nitong puti?)
Archie: (Baka napagkamalang kotse ng mga nangunguha ng bata itong Van noon. Kaya hinuli nila, tapos idagdag mo pa siguro yung mga dala nilang armas sa kanilang operasyon. Kaya walang duda na hinuli ng mga pulis ang kaibigang Hunter ni Mr.Tyler.)
Matapos sumakay sa Pink na Van, pinaandar ni Tyler ang sasakyan at pumunta sa Headquarters ng mga Witch Hunters. Pagdating nila sa Mansyon ng Lolo ni Tyler, bumaba ang lahat mula sa loob ng Van at namangha naman sila Lunabelle, Carl at Aileen sa laki ng Headquarters ng mga Witch Hunters.
Tyler: "Guys!! Nandito na tayo!! Sa Mansyon ng aking Lolo!! Napakalawak hindi ba?"
Lunabelle: "Opo! Ibig sabihin po ba nito, dito sa labas ng inyong Mansyon sasanayin si Jett sa pagkontrol ng kapangyarihan nya?"
Tyler: "Ahh...... Hindi, Miss Ganda. Kundi sa loob ng Mansyon."
Carl: "Huh?! Sa loob ng Mansyon?!"
Albert: "Bakit sa loob? Kaya po bang panatilihin ng Mansyon ang isang malakas na pagsabog?"
Tyler: "Kung pagsabog lang naman ang pag-uusapan, may facility kami sa loob na tinatawag na Explosives Test Section. Kung saan doon kami nagtetest nga mga pampasabog na ginagawa namin."
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Teen Fiction***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...