CHAPTER 83: QUADRUPLE DATE PT. 1

31 4 0
                                    

Isang araw matapos magbakasyon at maka-uwi galing Lacresa, maagang nagpunta sa labas ng SpaceRanch ang magpinsang sila Archie at Albert, at matiyaga silang naghihitay sa pagdating ng kanilang mga Girlfriend. Sa aga nilang dumating, nakapila na ang dalawa sa gate at hinihintay na lang ang oras ng alas otso para magbukas ang naturang amusement park. Ilang sandali pa, dumating na rin sila Rochel at Lyrica.

Rochel: "Guys!! Good morning!! Andito na kami!!"

Archie: "Aga nyo dumating ha? Akala ko darating pa kayo ng lagpas alas otso."

Rochel: "Siyempre naman!!! Always on-time kaming mga babae kapag merong napag-usapan! Di gaya nyong mga lalaki!! Lagi nyong pinaghihintay ang mga babae."

Albert: "Rochel, wag mo naman kaming lahatin. Di mo ba kami nakikita? Maaga naman kaming dumating."

Lyrica: "Oo nga naman, Rochel. Tumupad naman sila sa tamang oras kaya.........................Teka? Si Aileen ba yun?"

Rochel: "Anu si Aileen?! Saan?!"

Nagulat ang apat nang makita nilang naglalakad si Aileen papunta sa kanilang kinatatayuan. Nang makalapit si Aileen, nagtaka naman ito kung bakit magkakasama ang apat nyang kaibigan.

Rochel: "Aileen? A-Anung ginagawa mo dito sa amusement park?"

Aileen: "Huh? Ahh.... Wala! Anu lang, papasyal lang! Eh kayo? Anung ginagawa nyo dito?"

Archie: "Ehh...anu... Sasakay kami sa mga Rides."

Aileen: "Sasakay sa rides? Sigurado ba kayo? Ehh..parang may magaganap atang double date dito ah?"

Albert: "Double date? Ahh...hindi ah! Nagkataon lang na—"

Di kalaunan, dumating si Carl at nadulas ang dila nito, tungkol sa plano nila ni Aileen.

Carl: "Hay!! Buti umabot ako!!! Pasensya na, Aileen, kung nahuli ako sa date natin!!"

Lyrica: "Date?"

Albert: "Ninyo?"

Archie: "Ni Aileen?"

Aileen: "Ahh...ehh... Oo. Parang date. Pero papasyal lang. Hehehe!"

Rochel: "Papasyal pala ha. Yun pala, date rin ang ipinunta ninyo dito."

Carl: "Teka?! Ba't pala kayo nandito?!

Archie: "Magdodouble date kami nila Insan, Lyrica at Rochel."

Aileen: "Double date? Pwede pa-join kami?!! Parang mas masaya kung marami tayong mga couples na magde-date!!"

Carl: "Anu?!! Gusto mong sumama tayo sa date nila?!!"

Aileen: "Ayaw mo yun?!! Tatlong pares tayong magde-date? Tsaka para makita mo rin kung panu dumiskarte ang ibang boys!!"

Carl: "Ayos ka rin ha?! Parang sinasabi mo na hindi ako marunong dumiskarte sa pakikipagdate ng babae! Sige!! Patutunayan ko sayo kung gaano ako ka-gentlemen!!"

Archie: (Gawin talagang kumpetisyon ang pakikipagdate.)

Albert: (Sa tono ng sinasabi mo, Carl. Pinapalabas mong hindi kami marunong mang date sa mga Girlfriend namin ha? Sige!! Ipapakita ko din sayo kung pano ko tratratuhin ng maayos si Lyrica sa harap nyo!!)

Lyrica: "Rochel, OK lang ba na isama din natin sa date sila Carl at Aileen?"

Rochel: "OK lang yan, Lyrica. Sila naman ang magde-date eh. Ang problema nga lang, mukhang nagkakainitan na ang mga boys kung sino sa kanila ang mas gentlemen sa kanilang ka-date."

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon