Dalawang araw matapos mapasa-kamay ng mga mangkukulam ang Aklat ng Mayari, bumalik na sa eskwelahan ang mga estudyante. Dahil sa sira pa at hindi magamit ang dating kuwarto ng Camera club. Inilipat ang mga gamit ng club na hindi nasira sa isang lumang storage room kung saan pansamantala sila maglalagi.
Jett: "Ayos.... buti na lang nasa first floor din etong lilipatan natin at mejo malawak din ang espasyo."
Lunabelle: "Jett, ilagay mo na sa sulok yan mga dala mong karton."
Jett: "Naalala ko lang, anung ginawa nyo noong biyernes na wala ako?"
Natigilan ang mga magkakaibigan sa itinanong ni Jett at pakiramdam nila, baka subukang hanapin at gantihan ni Jett ang mga Mangkukulam kapag sinabi nila ang tunay na nangyari. Kaya sinubukan nilang magpalusot.
Aileen: "Jett, pumunta kami sa Mall noong araw na wala ka."
Lyrica: "Oo, Jett. Pumunta kami sa Mall. Tapos namasyal naman kami sa Park nung nabagot kami. Di ba, Carl?"
Carl: "Ah..Oo."
Jett: "OK. Sabi nyo eh. Bumisita kasi ako sa libingan ni Ate para linisan ang lapida nya at ayusin ang tanim na gardenia sa libingan nya."
Lyrica: (Hay.....buti na lang nagdilang anghel yung libingan ng Ate nya. Talagang nakabantay lagi ang Ate nya sa kanya. Kapag nagkataon baka may nangyari ng hindi maganda sa kanya.)
Archie: "Mabuti din yung ginawa mo, Jett. Total wala naman kaming gaanong ginawa."
Jett: "Naalala ko ulit, di ba sabi ni Mang Tyler, makikipagkita sya noong Biyernes? May sinabi ba syang importante?"
Albert: (Grabe, Jett!! Ang talas din ng memorya mo!! Naalala mo talaga yung pakikipagkita ni Mister Tyler sa amin!!)
Rochel: "Ehh....ano.. nakipagkita sya pero sinabihan lang kami na mag-ingat kasi nakuha na daw nung mga mangkukulam ang Aklat ng Adlaw. Kaya kailangan pa natin paigtingin ang pag-iingat natin."
Tumitig na nakasimangot si Jett sa mga kaibigan nya at tila nagdududa sya sa mga sinabi ng mga ito. Hanggang sa mapadaan si Reysha at sinubukan nya itong tanungin.
Jett: "Oy.....Reysha."
Reysha: "Hmmp!!! Wag mo akong kausapin!!!!!!!"
Tuloy-tuloy lang si Reysha sa paglalakad matapos nyang sungitan si Jett. Habang sinundan na lang ng tingin ni Jett si Reysha.
Lunabelle: "Ahhh......Badmood ata si Reysha."
Lyrica: "Baka may dalaw kaya sya ganun kasungit."
Carl: "Grabe naman sya magsungit. Tinawag lang naman sya ni Jett."
Jett: "Hayaan nyo na. Babalik na lang siguro ako sa paglilipat ng gamit."
At muling umalis si Jett at pumunta sa dating kuwarto upang ilipat ang ilang natitirang mga gamit na gumagana pa.
Matapos mailipat at maisa-ayos ang mga gumagana pang mga gamit, sakto namang dumating si Marika na may dalang pagkain para sa kanila.
Marika: "Aba!! Guys!! Sobrang napaka-ayos naman ng ginawa nyo sa bago nyong kuwarto."
Lunabelle: "Opo, Ma'am. Para naman po, feeling po namin, nasa dati po kaming kuwarto. At mejo mas maluwag po itong nilipatan po namin kaysa sa dati. Ma'am, kung maari po, pwedeng dito na lang po kami?"
Aileen: "Oo nga naman po, Miss Marika. Mas malawak po dito at makakadaan po kami ng maayos kapag tatayo po kami mula sa upuan at wala rin po kaming mababangga kahit na sino."
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Teen Fiction***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...