Habang hinihintay na makabalik si Tyler mula sa kuwarto ng mga Historical records, sinusubukan naman syang kumbinsihin nila Reysha, Marika at Lyrica. Habang tahimik lang si Zarina na naghihitay sa kung anu ang susunod na mangyayari.
Reysha: "Jett!! Paliitin mo nga ang star ball mo!!! Hindi na yan nakakatuwa!!!"
Jett: "Ayoko!!!! Palalakihin ko pa ito hangga't hindi bumabalik si Tyler!!!"
Marika: "Jett!! Magbigay ka naman ng konting paggalang kay Tyler!! Alam kong may pagkamakitid sya, pero intindihin mo naman ang mga pinagdaanan nya!!!!"
Jett: "Anung kailangan kong intindihin sa kanya?!!!! Nakikiusap na nga tayo ng maayos sa kanya at nagsasabi na nga tayo ng totoo, puro pa sya hinala!!!!"
Lyrica: "Jett!! Hindi natin sya masisisi kung naging masama ang loob nya sa mga Mangkukulam!!!"
Jett: "AKO DIN NAMAN AH!!!!! MAS MALALA PA NGA ANG GINAWA NILA SA AKIN!!!! NAPATAWAD KO NAMAN NGA........SIYA!!!!"
Hindi nakakibo ang tatlong babae sa sinabi ni Jett dahil totoo naman ang sinabi nito. Kaya napaisip na lang sila kung paano nila makukumbinsi na maniwala si Tyler at pigilan sa pagpapasabog ng Mansyon si Jett.
Maya't maya, bumalik si Tyler ngunit nagtaka ang lahat kung bakit wala itong dalang baril. Tsaka nagsalita si Tyler sa lahat.
Tyler: "Lahat ng mga hunters na nandirito, inaabisuhan ko kayong umalis na dito sa Mansyon."
Hunter 1: "Boss!! Bakit nyo po kami pinapaalis?!! Anu pong problema?!!"
Tyler: "Jett!! Tatanggapin ko ang pagkatalo ko sa hamon mo. Kaya naman, pasabugin mo na etong Mansyon."
Reysha: "Ha?!!!"
Hunter 2: "A-ANO?!!!
Marika: "I-Ibig sabihin?!!"
Tyler: "Totoong walang pinatay si Zarina sa mga ninuno ko. Ayon sa mga kasulatang iniwan ng mga Historians ng aming pamilya, ang tanging masamang bagay na kanyang ginawa ay ang saktan at pilayin lamang ang mga Hunters tsaka iwan lang ang mga ito hanggang sa mamatay. Patunay yun na wala syang pinatay na tao ng mabilisan. Ang maganda pa dun, lahat ng kanyang mga sinaktan na Hunters at iniwan para mamatay, ay nabuhay o nakaligtas. Kaya naman, handa na ako sa pagpapasabog ng Mansyon."
Dahil sa mga narinig na sinabi ni Tyler, ibinaba ng mga Hunters ang kanilang mga baril. Ngunit hindi umalis ang mga ito at gusto pang samahan si Tyler sa huling araw nila sa Mansyon.
Hunter 1: "Boss, kung magpapaiwan ka dito, sasamahan ka namin!!"
Hunter 2: "Oo nga!!"
Hunter 3: "Tsaka naging tahanan na rin namin ang Mansyon na ito, kaya sama-sama tayong mamatay dito sa lugar na ito."
Tyler: "Kayong lahat.....na touch ako sa mga sinabi nyo!! Maraming sala-!"
Itinira ni Jett ang kanyang malaking star ball na parang isang Wrecking ball at sinira ang pader tsaka ito lumiit hanggang sa mawala. Napangiwe lang ang lahat ng malamang Bluff lang pala ang pagpapasabog nya sa Mansyon.
Jett: "Yan pinasabog ko na ang Mansyon nyo!!"
Reysha: "PAMBIHIRA KA!!!!!! TINATAKOT MO LANG PALA KAMI?!!!! NAGKUKUNWARI KA LANG PALA!!!"
Sa sobrang inis ni Reysha, sumugod at sinakal nya si Jett sa leeg at niyugyog pa nya ito. Unang beses namang mapangiwe si Zarina ng makitang nag-aaway ang dalawa.
Marika: "Zarina, pagpasensyahan mo na yung dalawang yan. Talagang ganyan sila."
Zarina: "Oo. Mukhang masasanay din ako sa kanila kapag nakasama ko pa sila ng matagal."
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Jugendliteratur***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...