CHAPTER 41: PAMPAGISING

30 4 0
                                    

Habang nasa Club room at tumutulong sina Lyrica, Rochel, at ang magpinsan kay Lunabelle, Biglang dumating si Reysha at galit na hinahanap si Carl.

Reysha: "Lunabelle!!! Asan si Carl?!!!!"

Lunabelle: "Si Carl? Eh wala na sya dito sa Club. Nag-quit na siya kasabay si Aileen. Bakit mo sya hinahanap?"

Reysha: "Kaya pala ang lakas ng loob nyang siraan kami ha?!!!! Nag-quit ba sila dahil ba gusto ka nilang gantihan, Lyrica?!! O lahat tayo ay gusto nilang siraan?!!

Lyrica: "H-Hindi ko alam."

Rochel: "Reysha, Ba't hindi mo na lang hayaan silang dalawa at pabayaan na lang ang ginagawang nilang paninira?"

Reysha: "Rochel?!! Dawit ang pangalan ko sa paninira nila!! Sa hindi ko malaman na dahilan, idinamay nila ako sa galit nila kila Lyrica at Albert!! Tsaka, Ba't hindi na lang nila kasi pag-usapan dito sa club ang alitan nila?!!"

Archie: "Reysha, kaya nga nakikiusap kami sayo na hayaan muna natin sila. Sa ngayun, wag na lang muna natin silang pilitin na makipag-usap sa atin kung ayaw nila. Tsaka, naisip din namin dito kanina, na ipaubaya na lang kay Jett ang pakikipag-usap sa kanila sakaling magising na sya."

Reysha: "Archie?!! Nakakalimutan mo na ba?!! Paano sila kakausapin ni Jett kung si Jett mismo ay hindi din natin alam kung kailan magigising?!!! Buti sana kung may gamot na ipapainom sa kanya para magising!!!"

Archie: "Ay.......Oo nga noh. Tama ka Rey—..."

Lyrica: "AH!!"

Nagulat ang lahat ng biglang napasigaw si Lyrica at nagtataka sila, kung anu kaya ang kanyang naisip.

Albert: "Lyrica?!! Bakit?!! Anung nangyari?!!"

Lyrica: "M-May naalala ako!!!"

Rochel: "Bakit Lyrica?!! Anung naalala mo?!!"

Lyrica: "Guys!! Kung maalala nyo, noong nakaharap natin yung Mangkukulam na si Zarina, sinabi nya, naglagay sya ng pangontra laban sa mahika ko ng pagpapagaling upang hindi gumaling si Jett, tama?"

Reysha: "Oo. Sinabi nga nya yun. Bakit?"

Lunabelle: "A-Anu?! Guys?! May nakaharap kayong Mangkukulam noong hinahanap nyo si Jett?!"

Albert: "Oo, Lunabelle. Pero ipapaliwanag ko sayo mamaya ang mga nangyari."

Lyrica: "Ibig sabihin lang nito, mahikang pagpapagaling lang ang kayang kontrahin ng inilagay nilang pangontra kay Jett. Pero hindi ang potion ng pampagising!!"

Reysha: "Potion ng Pampagising?! Ibig mong sabihin pwede natin gisingin si Jett kahit na hindi pa natatapos ang palugit ng Doktor na tatlong araw?!!"

Lyrica: "Oo, Reysha!! Ganun na nga!!"

Natuwa si Reysha sa naisip na ideya ni Lyrica upang gisingin si Jett ng mas maaga. Ipinaliwanag naman ni Albert ang nangyari noong gabing iniligtas nila si Jett at naintindihan naman ito ni Lunabelle.

Lyrica: "Lunabelle! Nasa sayo pa ba yung translated na libro ng Mayari? Kung OK lang sayo, maaari mo ba akong tulungang hanapin yung page kung panu gawin ang Potion ng pampagising?"

Lunabelle: "Oo naman, Lyrica. Basta tungkol ito sa pagliligtas sa buhay ni Jett, OK ako. Malaki din kasi ang utang na loob ko sa kanya, kaya tutulungan kita."

Lyrica: "Salamat, Lunabelle. Kahit na masama ang loob mo sa amin ni Albert, tinutulungan mo pa rin kami."

Lunabelle: "Walang anu man, Lyrica. Atleast hindi kayo nag-quit sa Club ko  kaya malaking bagay na rin sa akin na hindi nyo ako iniwan sa sarili kong Club."

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon