CHAPTER 71: PANGAKO

31 5 5
                                    

Matapos matalo ni Rhett ang Mangkukulam na si Consuela, agad syang bumalik sa lokasyon nila Reysha at Jett. Sakto namang natunaw ng tuluyan nila Beth at Nell ang nakabalot na yelo sa kanila. Ngunit, naiinis at natataranta si Jett dahil sa kalagayan ni Reysha.

Rhett: "Guys, natalo ko na yung matandang gurang. Kamusta na yung dalawa?"

Jett: "Tulungan nyo si Reysha!!! Magmadali kayo!!!!"

Beth: "Jett, huminahon ka. Kaya ko syang pagalingin."

Jett: "Aling Beth!! Dalian nyo po!!!"

Habang pinapagaling ni Beth si Reysha, nilapitan at tinignan naman ni Tyler ang nahating katawan ng Mangkukulam sa tabi ng dagat. Nang makumpirma nyang patay na ito, agad niyang inutusan na maghukay si Lyrica gamit ang mahika nitong panghukay.

Lyrica: "Mr. Tyler, tapos ko na pong hukayin ang mahigit 7 Ft. po na lalim ng butas."

Tyler: "Lyrica, bumalik ka na kila Beth at wag kang tumingin dito. Baka hindi ka makatulog."

Lyrica: "Opo."

Agad bumalik si Lyrica kina Beth at maingat na inilagay ni Tyler ang bangkay ng Mangkukulam sa butas tsaka ito tinabunan ng buhangin. Matapos matabunan ni Tyler ang bangkay, bumalik na rin sya kina Beth. Sakto namang, napagaling ni Beth si Reysha at nagkamalay.

Reysha: ".......A-Aling Beth? Guys? Anu pong ginagawa nyo dito?"

Lyrica: "Reysha!! Buti naman at magaling ka na!!"

Reysha: "Ah!! Oo! Naalala ko! Inatake kami ni Jett ng Mangkukulam!!! Asan na sya?!!!"

Rhett: "Tinapos ko na sya, Reysha. Kaya wag ka nang mag-alala. Ligtas na kayo ni Jett."

Reysha: "Teka?!! Si Jett?!! Asan si Jett?!!"

Jett: "Nandito ako."

Reysha: "OK ka la-!"

Biglang niyakap ng napakahigpit ni Jett si Reysha at tila ayaw nya na itong bitawan. Maya't maya nakatulog ito sa sobrang pagyakap nito kay Reysha.

Marika: "Reysha, nakatulog na sya. Mabuti pa, bumalik na tayo sa Cottage house natin nang maihiga na natin sya sa hihigaan nyang sofa. At magpahinga ka na rin."

Reysha: "Opo."

Marika: "Tsaka salamat din, Beth sa pagliligtas nyo kila Reysha at Jett. Napakalaki ng utang na loob namin sa inyo."

Beth: "Hindi nyo kailangang magpasalamat. Kasi gagawin ko ang lahat, mailigtas lang ang mga batang ito. Pamilya na kasi ang turing ko sa kanila."

Marika: "Kaya nga, nagpapasalamat kami ng sobra sa inyo dahil hindi nyo sila pinapabayaan."

Beth: "Wala anuman. Tsaka, alam ko, nagtataka kayo kung panu ko nalaman na nasa panganib sila Jett at Reysha. Kaya para malinawan kayo, iniimbitahan ko kayong pumunta sa Cottage house namin. Pagkatapos nyo maibalik si Jett sa kanyang higaan."

Marika: "Sige po. Marami po talaga kaming mga tanong sa aming isipan na gusto po naming malaman. Kaya pupunta po kami. Tsaka salamat po ulit."

Matapos ang sandaling pag-uusap sa tabi ng dagat, agad umalis sina Tyler, Marika, Lyrica at Reysha kasama ang natutulog na si Jett. Gayun din sila Rhett, Nell at Beth papunta kanilang Cottage house.

Pagbalik nila sa Cottage house, ihiniga ni Tyler ang natutulog na si Jett sa sofa. Ngunit ng paalis na sila para pumunta sa cottage house nila Beth, biglang nagising si Jett at hinawakan ang kamay ni Reysha.

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon