CHAPTER 74: PAGGALING

26 5 0
                                    

Nagulat ang mga kasamahan nila Marika at Tyler ng malaman nilang may isa pang sinaunang Aklat ang mga Babaylan.

Lyrica: "Aklat ng Tala?!! Aklat din po ba iyan ng mga sinaunang Babaylan?!!"

Beth: "Oo, iha."

Rochel: "Teka?!! Miss Marika?!! Akala ko po ba dalawa lang ang Sinaunang aklat ng mga Babaylan?!!"

Marika: "Ako nga rin, Rochel. Nagulat nga rin ako ng sinabi ni Beth na may pangatlo pang libro ang mga sinaunang Babaylan."

Beth: "Hindi lang iyan ang nalaman ko sa pagbabasa sa libro kagabi. Nalaman ko din na ang mismong libro ay may Mahika ng pangontra sa Anti-Healing spell ng mga Mangkukulam. At ang mahikang ito ay ang Multi-Dispell magic."

Marika: "Multi-Dispell Magic?!! Ibig sabihin?!!"

Lyrica: "Kahit anong uri ng itinanim na Sumpa sa tao ay matatanggal ng Magic na iyan?!!!"

Beth: "Oo. Ganun na nga. At ang  nakakatuwa, lahat ng mga sobrang lakas na pangontra at panggagamot na mahika ay inilagay sa Aklat ng Tala. Kaya, hindi na rin ako makapaghintay na subukan ang mahikang ito kay Jett."

Matapos marinig ang sinabi ni Beth, laking tuwa ng buong grupo dahil sa mapapagaling na rin nila si Jett mula sa mga bali nito. At sa sobrang tuwa, hindi na napigilan pang maiyak ni Reysha at niyakap si Beth.

Reysha: "A-Aling Beth!!! Salamat po!!!! Salamat po ng sobra dahil mapapagaling nyo na po si Jett!!!!"

Beth: "Reysha, tahan na. Sisimulan ko pa lang pagalingin si Jett. Kaya kung pwede lang, yakapin mo na lang ako kapag napagaling ko na si Jett."

Jett: "Aling Beth, ngayon pa lang, nagpapasalamat na po ako sa inyo dahil mapapagaling nyo na rin po ako."

Beth: "Walang anu man, Jett. Basta para sa inyo ni Reysha, Rhett at Nell, gagawin ko ang lahat. Kaya naman, simulan na natin ang paggamit sa mahikang ito."

Jett: "Sige po."

Upang masimulan ni Beth ang paggamit sa Multi-Dispell magic, kinailangan nya ang kapangyarihan ni Rhett at ang supportang kapangyarihan ni Lyrica, upang maisagawa ang Multi-Dispell magic. Hinawakan ni Rhett ang kaliwang balikat ni Beth upang magpasa ng enerhiya. Gayun din si Lyrica sa kanang balikat nito.

Maya't maya may isang magic circle na lumabas sa paanan ni Jett at sa itaas ng kanyang ulo. Kinakabahan naman ang mga ibang kasama nila dahil sa nag-aalala sila na baka pumalpak ang Multi-Dispell Magic ni Beth. Ilang sandali pa, binalutan ng tila isang bughaw liwanag na mukhang barrier, si Jett mula sa dalawang magic circle na nasa kanyang ulo at paa. Hanggang sa lumabas ang isang marka na kulay lila o purple na magic circle sa noo ni Jett.

Beth: "Lyrica, nakikita mo ba ang nakikita ko?"

Lyrica: "Opo, Aling Beth."

Rhett: "Tiya? Anu ang magic circle na nasa kanyang noo?"

Beth: "Hmmm.....Duda ako sa bagay na iyan."

Tyler: "Duda ka sa circle na iyan? Bakit? Anu pa bang pwedeng mangayari kapag tinanggal yan?"

Beth: "Para makasiguro, Jett tanggalin mo ang lahat ng damit mo."

Jett: "Ha?!!"

Lahat: "ANU??!!!"

Biglang nailang si Jett sa sinabi ni Beth sa kanya. Ngunit nagalit naman si Beth dahil sa ayaw nitong tanggalin ang kanyang damit.

Beth: "Jett!! Gusto mo bang gumaling ng mabilis?!! O mag-iinarte ka pa?!!"

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon