CHAPTER 27: PAGPILI

37 5 0
                                    

Kinabukasan, nagsimula na rin ang Intramurals ng Selma High at nagkalat ang lahat ng mga estudyante sa paligid ng kanilang eskwelahan upang manood ng mga sports na gusto nilang panoorin.

Sa araw na ito, naghihintay si Albert sa gate ng kanilang eskwelahan at pinag-iisipan ang mga salitang nabanggit ni Aileen na pagpapahiwatig na may gusto ito sa kanya.

Albert: (Hay.......hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga nasabi ni Aileen. Sabi nya, kapag tumanggi si Lyrica na makipagdate sa akin, si Aileen daw ang imbitahan ko at lagi lang siyang nasa tabi ko. Pambihira talaga. Nagsisimula na akong malito kung sino sa kanila ang pipiliin ko. Si Lyrica, pakiramdam ko, may gusto rin sya sa akin dahil sa ilang beses na pagpaparamdam nya, pero ayaw pa nyang ipahalata. Si Aileen naman, nagpapahiwatig na sya kahapon. Teka? Na-alala ko, noong nagfield trip kami, nakisakay rin sya noong binuhat ko si Lyrica. Hindi kaya nagseselos sya? Kaya pala, parang lumalabas na ayaw nya kay Carl. Pero, panu kung may gusto si Carl sa kanya? Naku!! Naguguluhan na ako!!!)

Habang tuliro at nakatayo si Albert sa harap ng gate, dumating si Lyrica at Aileen upang batiin si Albert. Nagulat naman si Albert ng makita nya ang dalawa.

Aileen: "Albert!! Good morning!!!"

Albert: "Ay! Ah...G-Good morning din! Aileen at Lyrica."

Lyrica: "A-Albert? OK ka lang? Nagulat ka ata namin?"

Albert: "Ah! Hindi. Nabigla lang ako."

Aileen: "Eh para mo na din sinabing nagulat ka din lang!!"

Albert: "Ah...eh....siguro."

Lyrica: "Albert, aling sports ang panonoorin mo ngayun?"

Albert: "Baseball o Volleyball siguro."

Aileen: "Baseball o Volleyball? Bakit hindi ka ba makapagdesisyon kung alin ang panonoorin mo?"

Albert: "Oo eh. Kayo? Anung sport ang gusto nyong panoorin?"

Aileen: "Kung ako ang tatanungin, kahit saan pwede ako. Basta maganda ang laro."

Lyrica: "Gusto ko manood ng Ball games ."

Albert: (Hmmm.....gusto ni Aileen na kasama namin sya kahit saan. Lumalabas na ayaw nyang mahiwalay sa amin ni Lyrica. Si Lyrica naman, gusto nyang manood ng mga Ball games. Mukhang mahilig din pala sya sa mga nakaka-enjoy na sports. Total, wala naman akong choice kundi ang samahan sila pareho sa kung saan sila mag-eenjoy manood.)

Napansin nila Lyrica at Aileen na sobrang tahimik at malalim ang iniisip ni Albert. Kaya tinanong nila ito.

Aileen: "Albert? May problema ka ba? Malalim ata iniisip mo ah."

Lyrica: "Oo nga, Albert. Kung may pinoproblema ka, wag kang mahiya na magsabi sa amin."

Albert: "Lyrica, Aileen, wag kayong mag-alala. Wala akong pinoproblema. Tsaka naisip ko, manood na lang tayo ng soccer."

Aileen: "Soccer? Sige! Kung yan ang gusto mong panoorin, susunod lang ako sayo."

Lyrica: "Albert, OK din naman sa akin kung gusto mo manood ng soccer."

Albert: "Kung ganun, pumunta na tayo sa soccer field. Mukhang nasa kalagitnaan na ang laro, sa mga oras na to."

Agad na naglakad papunta sa soccer field sina Albert, Aileen at Lyrica. Pagdating nila sa field, sakto namang nagsisigawan ang mga taga-supporta ng magkabilang panig. Pumuwesto ang tatlo sa gilid ng Field katabi ng lalaking nagtitinda ng siomai.

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon