Habang naghihintay sila Archie at Rochel sa loob ng sasakyan, nagulat sila ng biglang sumulpot ang grupo nila Tyler sa kanilang harapan. Laking tuwa naman ng dalawa nang makita nilang ligtas ang kanilang mga kasamahan.
Rochel: "Mr. Tyler?! Miss Marika?!! L-Lahat kayo?!! Ligtas kayo!!!!"
Archie: "Salamat sa Diyos!! Nakabalik sila ng Buhay!!"
Tyler: "Lahat kayo!! Sumakay na kayo sa sasakyan!!! Aalis na tayo!!"
Rochel: "Ha?! Bakit po?!! Bakit tayo aalis agad?!!"
Marika: "Rochel!! Mamaya na namin ipapaliwanag!! Kailangan na nating maidala si Jett sa Ospital!!!"
Reysha: Albert!! Lyrica!!! Sumakay na kayo!! Dalian nyo!!!!"
Albert: "Anjan na!!"
Pagsakay nila Lyrica at Albert sa sasakyan kung saan nakasakay sila Archie at Rochel, agad pinatakbo ng mabilis ni Tyler ang kanyang sasakyan sakay sila Marika, Reysha at ang nanghihinang si Jett. Sumunod naman ang kotseng sinasakyan nila Rochel, Lyrica at ang magpinsan.
Dahil sa nagtataka sila Archie at Rochel sa pagmamadali ng kanilang mga kasamahan, tinanong nila sila Lyrica at Albert.
Rochel: "Guys!!! Anu bang nangyayari?!! Bakit tayo nagmamadali?!!"
Archie: "Oo nga! Tsaka, di ba may kakayahan ka Lyrica, na magpagaling ng tao gamit ang mahika mo? Bakit kailangan pa nating itakbo si Jett sa Ospital?"
Lyrica: "Guys, pasensya na. Pero hindi ko magawa."
Archie: "Anu? Hindi mo magawa? Pero bakit?!"
Ipinaliwanag ni Lyrica ang mga nangyari sa loob ng building ng kalaban. Sinabi rin ni Lyrica ang tungkol sa inilagay na mahikang pangontra ng mga Mangkukulam upang hindi gumaling ang mga natamong pinsala kay Jett at panatilihin din syang mahina nang sa ganun ay hindi nya magamit ang buong lakas ng Minokawa.
Rochel: "Lyrica? Sinasabi mo ba na possibleng matalo ni Jett ang mga Mangkukulam, kaya sya nilagyan ng Inkantasyon upang hindi gumaling ang mga sugat nya?"
Lyrica: "Oo, Rochel. Nakita din namin kung paano nya tinalo yung Golem na iniwan ng mga Mangkukulam upang patayin lahat ng mga Hunters."
Archie: "At nagawa nyang talunin ang bagay na yun kahit na nanghihina na sya?"
Lyrica: "Oo, Archie."
Albert: "Insan, isipin mo na lang kung anung mga magagawa nya kapag hindi sya nanghihina at bugbog-sarado. Sigurado ako, baka isa sa mga Mangkukulam ang natalo nya sa mga oras na ito."
Archie: "Pero sa kalagayan nya ngayon, mukhang matatagalan pa, bago sya makabawi ng lakas at sana man lang makaligtas sya dahil napansin ko, halos lupaypay na sya kanina."
Rochel: "Lupaypay na sya? Archie, sinasabi mo bang, 50/50 ang chance na makakaligtas sya?"
Tumahimik si Archie dahil sa ayaw nyang isipin ang mga maaring mangyari kay Jett. Hindi na rin kumibo ang mga kasama niya sa loob ng kanilang sasakyan at ipinapasa-Diyos na lamang ang kapalaran ni Jett.
Matapos ang ilang minuto, narating ng grupo ni Tyler ang Ospital. Agad bumaba si Tyler at binuhat si Jett papasok sa Emergency room. Sumunod naman ang mga kasamahan nila sa kanya
Tyler: "DOK!!! TULUNGAN NYO KAMI!!!"
Nurse 1: "Sir! Anu pong nangyari sa kanya?"
Tyler: "HINDI MO BA NAKIKITA?!! ANU BA SA TINGIN MO ANG NANGYARI SA KANYA?!!!!"
Nurse 2: "Sir, huminahon po kayo. Pakihiga po sya sa gurney nang makita po namin ang kalagayan nya."
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Teen Fiction***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...