CHAPTER 60: PALAOT

27 4 0
                                    

Bago pumunta sila Jett at Reysha sa kinatatayuan ng mga Bestfriends nitong sila Rhett at Nell, sandali munang kinausap ni Reysha si Marika sa kanilang Shade upang ipaalam nito na sasama sila ni Jett sa mga ito para mag-fishing. Ngunit napansin din pala ni Marika ang biglang pananahimik ng tatlo kanina nung nagtanong sya sa Bestfriends ni Jett. Kaya upang malinawan si Marika kung anu ang talagang tinatago ng magkakaibigang ito, tinanong nya mismo si Jett.

Reysha: "Miss Marika, ipapaalam ko lang po na sasama po kami ni Jett sa mga Bestfriends nya para magfishing sa gitna ng dagat."

Marika: "Mag-fifishing kayo sa gitna ng dagat? Marunong ka bang lumangoy Reysha?"

Reysha: "Opo. Bakit po, Miss Marika?"

Marika: "Bantayan mong mabuti si Jett ha? Alam mo naman ang kalagayan nya."

Reysha: "Opo! Miss Marika. Babantayan ko po sya."

Jett: "Kung payag na si Miss Marika, umalis na tayo! Naghihintay na yung dalawa sa atin."

Reysha: "Sige!"

Marika: "Jett. Sandali. May gusto lang akong tanungin, bago kayo pumalaot ng mga Bestfriends mo."

Jett: "Anu po yun, Miss Marika?

Marika: "Yung totoo, Jett. Anu ba talaga ang naging dahilan kung bakit pumuntang Nolima ang dalawang kaibigan mo?"

Napatahimik muli si Jett nang magtanong si Marika sa kanya. Hanggang sa naisip nyang sabihin na lang ang totoo dahil naman sa naiitindihan ni Marika ang mga kakaibang sitwasyon na nasaksihan nito mula sa kanila.

Jett: "Hay.......sige na nga. Sasabihin ko na po ang totoo. Gaya po namin nila Reysha, Lyrica at ako, may kakaibang kakayahan din si Rhett na katulad namin. Pero hindi sinabi ng mga magulang nya ang mga detalye, bilang proteksyon na rin sa kanya. Kaya noong pagkagraduate namin ng elementary, agad silang umalis at nagpakalayo-layo sa Selma. Hindi ko alam kung sino o anu ang nilalayuan nila sa Selma noong mga panahon na iyon. Pero dahil sa nangyari sa akin noong mga nakaraan, naisip ko na baka alam na rin ng parents nya ang tungkol sa mga Mangkukulam at sila ang naging dahilan kung bakit sila lumayo. Kaya hindi ko masisisi ang mga parents ni Rhett kung iniiwas nila ang kanilang anak mula sa kapahamakan."

Matapos marinig nila Reysha, Marika at Tyler ang paliwanag ni Jett. Napagtanto rin nila ang dahilan kung bakit hindi sa Selma nag-aral ang Bestfriend nitong si Rhett at na intriga pa sila kung anu ang kakayahan ni Rhett.

Reysha: "Kung ganun, may powers din si Rhett?!!! At hindi mo man lang ito sinabi sa akin?!!!!"

Jett: "Eh panu ko sasabihin sayo?!! Eh napaka-ingay mo noong nasa Grade 6 pa tayo?! Kaya itinago na lang namin sa mga sarili namin na may kapangyarihan si Rhett!"

Reysha: "Namin?!! Sinasabi mo bang, alam din ni Nell ang tungkol sa kapangyarihan ni Rhett?!!!"

Jett: "Oo. At hindi lang si Nell. Pati na rin si Nolan."

Reysha: "Anu?!! Pati din si Nolan?!!! Alam din nya ang tungkol sa powers ni Rhett?!!"

Jett: "Oo."

Reysha: (Feeling ko, parang naloko ako. Matagal na pala nilang alam ang tungkol sa powers ni Rhett.)

Tyler: "Jett, kung mamarapatin mo, may idea ka ba kung anu ang kapangyarihan ni Rhett?

Jett: "Ang totoo, wala po akong ideya."

Tyler: "Ah...ganun ba?" (Hmm.....may ideya sya pero ayaw nyang sabihin. Siguro ipinangako nya sa kanyang sarili na hindi nya ipapaalam sa iba ang mga nalalaman nya tungkol kay Rhett.)

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon