CHAPTER 82: SILIP SA KAPALARAN

24 5 0
                                    

Dahil sa hindi magawang patayin ni Zarina si Jett, inalis nya ang mahikang ispada na gawa sa kuryente mula sa kanyang kanang kamay. At lumapit sa dalawa.

Zarina: "Total, hindi ko kayang patayin ang dalawang magkasintahan sa harap ko, babasahan ko na lang kayo ng inyong mga kapalaran."

Reysha: "Babasahan mo kami ng kapalaran? Huhulaan mo kami?!!"

Jett: "Baka mamaya, tataniman mo lang kami ng kung anung sumpa."

Zarina: "Eh di........iabot nyo lang ang kamay nang sino man sa inyo, na gustong makita ang kaniyang kapalaran."

Duda si Jett na baka magtanim na naman ito ng sumpa sa kanila, ngunit nagulat sya ng iabot ni Reysha ang kanyang kamay tsaka tinignan ni Zarina ang kanyang palad.

Jett: "Reysha?!! Bakit mo naman ibinigay ang kamay mo sa kanya?!! Panu kung taniman ka nya ng sumpa?!!!"

Reysha: "Naniniwala ako sa kanya na hindi nya tayo sasaktan. Kung masama sya, eh di sana, hindi na sya nagdalawang isip na patayin tayo pareho kanina."

Jett: "Hay....Oo na. Pero duda pa rin ako sa kanya."

Zarina: "Nakakatuwa ang mga nakikita ko sa iyong palad, munting binibini. Magkakaroon ka ng maganda at masaganang buhay kasama ang mahal mong nasa tabi mo. Basta't patuloy ka lang magtiwala sa kanya."

Reysha: "Para talaga kami sa isa't isa?!"

Zarina: "Oo, iha."

Reysha: "YIIIIEEEEEHHH!!!! Ang saya ko!!!! Pakakasalan ko si Jett, pagdating ng araw!!!!!! Oy!! Jett! Ikaw naman! Magpabasa ka ng kapalaran sa kanya!!"

Jett: "Ayoko."

Reysha: "Ang KJ mo naman!!! Sige na!"

Jett: "Sabing ayoko!!! Di ba?!!! Duda pa rin ako sa kanya!!!!"

Reysha: "Ah.....ganon?!!! Ayaw mo ha?!!!"

Hinawakan ni Reysha ang kamay ni Jett at iniabot nya ito kay Zarina. Bagamat may konti pa rin syang pagdududa, hinayaan na lamang ito ni Jett at tiningnan ni Zarina ang kanyang palad. Laking gulat ni Zarina ng makita nya ang kapalaran ni Jett.

Zarina: "........H-Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko........"

Reysha: "B-Bakit po? A-Anu pong nakikita nyo?"

Sa hindi malamang dahilan, biglang lumabas ang luha sa mga mata ni Zarina at sinabi ang kanyang nakita.

Zarina: "B-Bakit hindi ko tiningnan ng maaga ang iyong palad noong bihag palang kita?! Kung nalaman ko lang sana ng maaga, matagal na dapat akong nagpakalayo-layo mula sa Selma. Pero ganun pa man, hindi pa huli ang lahat para ako'y magtago."

Jett: "A-Anu pong ibig nyo pong sabihin?"

Zarina: "Jett.... Ikaw ang susi para matupad ang matagal ko ng pinapangarap. Ikaw ang magiging daan para tuluyan ng makahanap ng tirahan sa ibang mundo ang aking mga kalahi."

Reysha: "S-Si Jett ang susi para matagpuan ng mga Mangkukulam ang mundong inyong titirahan?!!"

Zarina: "Oo, iha. At hindi lang iyan ang nakikita ko.............

Muli pang tinignang mabuti ni Zarina ang palad ni Jett at nakita nya sa kanyang palad ang isang mahalagang bagay.

Zarina: "Jett, nakikita ko sa iyong palad na magiging parte ka ng isang malaking pangyayari na magpapabago sa buhay ng lahat ng mga nilalang. Maging ang iyong matalik na kaibigan na taglay ang kapangyarihan ng Bakunawa ay kasama sa pangyayaring iyon. Kaya naman, tadhana mismo ang naglapit sa ating dalawa para makita ko ang mga bagay na ito."

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon