Kinagabihan, magkasamang nagsimba para sa Misa de Gallo sina Jett at Reysha, at umabot naman sila sa Simbahan bago magsimula ang misa. Natsambahan naman nilang magsisimba rin ang kanilang mga kaibigan. Matapos ang misa, sabay na naglakad ang mga magkakaibigan papunta sa Mansyon ni Tyler para ipagdiwang ang Pasko. Ngunit nagtaka sa isang bagay si Jett.
Jett: "Guys? Di ba dapat kasama nating magsisimba sila Mang Tyler at Miss Marika?"
Archie: "Oo nga noh. Napansin ko ring hindi sila sumipot sa Simbahan."
Carl: "Rochel, wala ka bang ideya kung saan nagpunta sila Mr. Tyler at Miss Marika? Nakakapagod kasing maglakad kapag walang sasakyan."
Rochel: "Ang alam ko, nauna na silang nagsimba kaninang First mass at sa ngayon, kasalukuyan silang naghihintay sa atin sa Mansyon."
Reysha: "Siguro, ihinahanda na nila ang mga kakainin natin mamayang alas dose ng gabi."
Albert: "Speaking of alas dose, may 15 minutes na lang tayo para makarating sa Mansyon."
Lunabelle: "Guys! Magteleport na lang kaya tayo para mapabilis ang pagdating natin?"
Jett: "Wag!! Baka inaasahan nila tayong pumasok sa pinto ng sala ni Mr. Tyler para surpresahin tayong lahat."
Aileen: "Eh....pero pagod na kaming maglakad!"
Jett: "Eh di buhatin na namin kayo!! Tapos magkarera tayo papunta sa Mansyon!!"
Albert: "Sige!! Payag ako!!!"
Archie: "Ako din!!!"
Carl: "Oy!! Ang daya nyo!! Pagod na akong maglakad!! Tapos bubuhatin pa natin ang mga babae tsaka tayo mag-uunahan papunta sa Mansyon?!"
Sumakay na agad sila Reysha, Lyrica at Rochel sa likod ng kanilang mga Boyfriend at tumakbo ang mga ito na nag-uunahan sa daan. Naiwan naman si Carl na panay pa rin ang reklamo.
Carl: "Oy!!! Wag naman kayong ganyan!!! Magpapasko na!! Maghintay naman kayo!!!"
Aileen: "Carl!! Yumuko ka na at sasakay na ako sa likod mo!! Maiiwan na nila tayo!!"
Lunabelle: "Guys! Maiwan ko na kayo ha? Magjojoging na lang ako. Kita na lang tayo sa Mansyon!!"
Aileen: "Kita mo yan!! Pati si Lunabelle iniwan na tayo!!!"
Carl: "Pambihira!! Napakadaya nyo!!!"
Kahit pagod, napilitang isinakay ni Carl si Aileen sa kanyang likod tsaka ito tumakbo at pilit na hinahabol ang mga kaibigan nilang nauna nang tumakbo. Sakto namang alas dose na ng gabi nang makarating sila sa Mansyon. Pagpasok nila, agad silang sinorpresa ng mga kasamahang Hunters ni Tyler at nagtaka naman ang mga magkakaibigan kung bakit wala pa sila Marika at Tyler.
Hunter 1: "Merry Christmas!!
Hunter 2: "Merry Christmas!!
Hunter 3: "Merry Christmas!!
Hunter 1, 2, 3: "MEEEERRYYY CHRISTMAAAAAAAAAAS!!!!!!!"
Jett: "Ayos ah!!"
Lunabelle: "Ang galing nyo naman pong mag-Synchronise Singing!!"
Hunter 1: "Salamat sa papuri nyo mga bata!! Sa katunayan, talent namin ito noong mga bata pa kami."
Albert: "G-Ganon po ba?" (Parang ang Weird isipin na naging Witch Hunters sila.)
Carl: "Sa galing nyo pong kumanta, pwede po kayong sumaling tatlo sa Talent Show sa TV.
Lyrica: "Oo nga po."
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Teen Fiction***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...