CHAPTER 43: SLAMBOOK PROFILE

30 3 0
                                    

Nang maalala nya ang kanyang nabasa sa internet, nagbakasakali si Reysha na baka magising nya si Jett ng hindi na kinakailangan pang gamitin ang potion. Kaya kinuha nya ang dala nyang bluetooth speaker mula sa kanyang bag at i-on nya ito. Ang problema nga lang, hindi nya alam kung anu ang paboritong kanta ni Jett.

Reysha: "Hay......anu ba tong ginagawa ko? Naglabas ako ng Bluetooth speaker pero hindi ko naman alam ang paborito nyang kanta. Pero subukan ko na lang ipatugtog ang paboritong kanta ng Ate nya, baka sakaling magreact sya."

Ipinatugtog ni Reysha ang kantang "Unbreakable" na paborito nya ring kanta. Habang tumutugtog ang kanta, wala man lang nakitang reaksyon si Reysha kay Jett.

Reysha: "Teka? Wala man lang syang reaksyon? Kahit man lang pagpitik ng katawan nya, wala? Hmmm.........matignan nga sa Slambook social media ang profile ni Jett, sakaling may makita ako. Total, malayo pa naman ang alas dose ng gabi, susubok na lang ako ng ibang paraan at last resort ko na lang ang potion."

Sinubukan muli ni Reysha ang paraan na nabasa nya sa internet. Ngunit sa pagkakataong ito, pinag-aralan ni Reysha ang Profile ni Jett sa Slambook Social Media gamit ang kanyang android phone at nakita ang mga kakaibang hilig ni Jett.

Reysha: "Hmmm.......
[Hobbies: running, jogging, biking, hiking, at Liking]?
.........Anung Liking?!!
[Favorite Food: kahit anu basta masarap.]
......Sira ka ba?!!! Eto pa.......
[Favorite pet: Dinosaur]?!!
.........Aba!! Kalokohan naman etong mga pinaglalagay nyang info sa Profile nya!!!! Wala na ba siyang inilagay na matino?!!!!! Wait!! Meron pa..........
[Girls that you like: Cute and Petite]?
.............Huh?!!! S-Seryoso? Ako ba tinutukoy nya? Sa Boys naman........
[Boys that you like: Wala!! Lahat kaaway ko!!! Lalo na yung Baby-face!!!]
.............Yikes!! Si Carl ata tinutukoy nya. Mukhang malalagot si Carl oras na magising at malaman ni Jett ang ginawa nya.......
[Favorite shape: ZEO RANGER FIVE!!! RED!!!!]
..............Hay!! Naku!!! Jett!!! Anu na naman iyan?!!!!!!!!!"

Tila malapit ng mawalan ng gana si Reysha sa kanyang mga nakikita dahil sa mga kalokohang sagot ni Jett sa kanyang Profile. Ngunit lalo pa syang nadismaya nang makita pa ang mga nakakalokong sagot ni Jett sa Profile nya.

Reysha: "Hay.......sana man lang may matino na syang sagot sa ibaba ng Profile page nya. Ahhh.....
[Favorite Movie Genre: Basta maganda ang Plot.]
.............Jett, nakakaloko ka na talaga. Aba? Meron pa....
[Favorite Music Genre: All Kinds of Rock. Kahit Adobe o Graba pa yan.]
.............Sira ka talaga.
[Favorite Movie: Avengers 4: Endgame]
..............Kahit papano matino ang sagot nya ah.
[Favorite Cartoon Character: Yung immortal na pusa na kulay Blue at Black.]
..............Huh? Sino naman yun? Wala akong na-aalalang Cartoon Character na ganun! Saan naman kaya napanood ni Jett ang Cartoon na iyan?! Hay......napaka-weird mo Jett. Hmmm.....meron pa.
[Favorite Book: Encyclopedia]
...........Ayos...napaka-literal.
[Favorite Thing: Any Thing, minsan Something, kung minsan Nothing]
............Jett!!!! Masisiraan ako ng ulo sa Profile mo!!!!! Napaka-ewan mo!!!!!!"

Halos sumuko na si Reysha sa pagtingin nang Profile ni Jett sa Slambook Social Media dahil sa mga kalokohan at walang literal na sagot ni Jett sa mga tanong ng naturang Social Media. Ngunit may mga tanong na nakatawag pansin sa atensyon ni Reysha.

Reysha: "Huh? Anu to? "Questions about love?" Anu kaya isinagot ni Jett dito? Hmmm....matignan nga.
[Who is your love?: Yung tao kung saan ako nahulog.]
...........Ewan talaga.
[How did you meet: When I climb a tree.]?
..........A-Anung?! Jett, wag mo sabihing....
[Is she is your First Love: Yes]
.........T-Teka? Sino tinutukoy mo Jett?
[Her Special Character: Noisy]
[What attracted you most to her: Long Hair]?!!!!!!!!
..........I-Imposible to?!!!!!!! A-Ako ang tinutukoy nya!!!!!!! Kailangang basahin ko lahat para makasiguro ako!!
[Most stupid thing ever done: Loving the girl I supposed to hate.]
...........A-ANU?!!!!!!!!!"

Habang patuloy na tinitignan ni Reysha ang mga sagot ni Jett sa Slambook Social Media, tila lumalabas na sya mismo ang tinutukoy ni Jett na gusto niyang babae. Hanggang sa makita nya ang huling tanong sa Profile ni Jett.

Reysha: "May last na tanong!! Sana man lang maayos na ang sagot nya.
[What is your greatest regret about love: Kissing her without her knowing. I wish, I can Kiss her while she knows.]
............I-Ibig sabihin, totoo ang sinabi ni Nolan tungkol sa sikreto nya?!"

Flashback:

Noong araw na ibinulong ni Nolan ang sikreto ni Jett.

Nolan: "Reysha, eto ang sikreto ni Jett. Alam mo bang nahalikan ka nya ng hindi mo nalalaman?"

Reysha: "H-Huh?!! Anu?!!"

Nolan: "Totoo, Reysha. Hindi ko alam kung panu. Pero ang sabi nya nangyari yun noong Grade 6 pa daw kayo."

Present:

Tila napagtugma ni Reysha ang mga sagot ni Jett sa tanong ng kanyang Profile at ang sinabing sikreto Nolan sa kanya. Lumalabas na nahalikan sya ni Jett magmula noong una silang nagkakilala at naisip ni Reysha na aksidente siyang nahalikan ni Jett noong nag-over-da-bakod ito papasok ng kanilang eskwelahan kung saan aksidente din syang nabagsakan ni Jett.

Naisip din ni Reysha na marahil, pilit binabalewala ni Jett ang nangyari noon ngunit hindi pa rin ito maalis sa kanyang isipan, hanggang sa tuluyan ng nagkaroon si Jett ng pagtingin sa kanya. Marahil ito rin ang rason kung bakit ibinigay ni Jett ang paborito nyang Cap dahil sa umaasa si Jett na mapapansin sya ni Reysha. At nagbunga naman ang pagpapakitang gilas nya noon kay Reysha. Kaya naisip ni Reysha na ibalik-tanaw kay Jett ang bagay na matagal ng inaasam nito mula sa kanya.

Reysha: "Jett, mukhang sapat na ang mga nalaman ko. Wala nang dahilan para maghanap pa ako ng ibang paraan para gisingin ka. Kaya naman, nakapagdesisyon na ako. Gigisingin kita at ililigtas kita sa Coma sa pamamagitan ng Potion at ang halik na inaasam mo mula sa akin."

Tinignan ni Reysha ang oras sa kanyang android phone at nakita nyang alas nuebe na ng gabi.

Reysha: "Tatlong oras pa. Konting hintay na lang, Jett. Malapit ka nang magising. Pero sa ngayun, nakakatuwa naman palang tumingin ng Profile ng ibang tao. Naalala ko, anu kaya ang Favorite song mo?"

Muli na namang tinignan ni Reysha ang Profile ni Jett sa Slambook social media upang alamin ang paborito nitong kanta at na-weirdohan na naman sya sa kanyang nakita.

Reysha: " [What is your favorite song: MmmBop by Hanson]? Mapakinggan ko nga."

Isinearch ni Reysha ang title ng kanta at pinakinggan nya ito. Ngunit, lalo lang syang naguluhan sa ibig sabihin ng kanta.

Reysha: "Hay......nakakaindak sana ang kanta. Ang kaso, hindi ko maintindihan ang ibig ipahiwatig ng kanta!! Anu bang naintindihan ni Jett sa kantang ito at naging paborito nya ito?!!"

Dahil sa kalituhan lang ang inabot ni Reysha sa pakikinig ng paboritong kanta ni Jett, minabuti na lang nyang itigil ang pagtingin sa Profile ni Jett at tinignan na lang ang Slambook Profile ng iba pa nilang mga kaibigan upang palipasin ang natitirang tatlong oras bago mag alas dose.

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon