CHAPTER 76: BEACH VOLLEYBALL PT. 2

25 5 0
                                    

Matapos pumasok ni Jett sa court, agad nang sinimulan ni Marika ang laro. Kung saan, ang mga lalaki naman ang magseserve ng bola. Ngunit si Jett ang nagserve nito at tulad ng ginawa ni Reysha, ginawa din nya ang spike serve na ikinagulat naman ng lahat. Dahil kasing bilis din ito ng pagspike ni Reysha na tumama sa direksyon nila Lyrica at Rochel tsaka nag-iwan ng malaking butas sa buhangin. Buti na lang, nakatakbo ang dalawang babaeng nanonood at napangiwe ang lahat sa kanilang nakita. Muli na naman pumito si Marika dahil sa inakala nyang gumamit ng powers si Jett.

Rochel: "Jett!!!!! Grabe naman yun!!!!!! Muntik na kami ah!!!!!"

Lyrica: "Jusko!! Akala ko, si Reysha lang ang may ganong kalakas na spike!!!! Pati rin pala si Jett!!!!!

Marika: "Jett!!!!!!!! Di ba sabi ko, walang gamitan ng powers?!!!!! Bat mo naman hinaluan ng pamapasabog ang bola?!!!!"

Jett: "Miss Marika, normal na spike ko lang po yun."

Lumabelle: "A-Anung normal ang iyong spike?!!!!! Halos gumawa ka na ng Crater jan sa buhangin!!!!!"

Jett: "Eh bakit si Reysha, hinahayaan nyong gumamit ng ganung spike?! Hindi naman ata patas yan, kung siya lang ang tumitira ng ganun kalakas."

Marika: "Oo na!! Sige na!! Para hindi na kayo magbangayan pa. Hahayaan ko nang gumamit sila Jett at Reysha ng ganung uri ng spike. OK na ba sa inyo yun?"

Jett: "OK po ako."

Reysha: "Ako rin!!!"

Marika: "Kung ganun, resume na natin ang laro!!"

Matapos mapagkasunduan ng magkabilang panig, na sila Reysha at Jett lang ang pwedeng gumamit ng kakaibang uri ng spike sa kanilang laro. Muli na naman nilang sinimulan ang kanilang laro at ang mga babae naman ang nag-serve ng bola dahil sa outside ang pagserve ni Jett.

Isinerve ni Lunabelle ang bola at agad dinepensahan ni Albert tsaka ipinasa kay Nell. Agad naman nagset si Nell at tinira ni Jett ng spike ang bola, diretso kay Lunabelle.

Reysha: "Naku!! Lagot!!!

Aileen: "Lunabelle ilagan mo!!!"

Lunabelle: "Hindi!! Hindi ako.......PAPAYAAAG!!!!!"

Hindi umilag si Lunabelle, sa halip, sinalag nya ang tira ni Jett. Ngunit, napangiwe ang lahat sa kanilang nakita dahil pinigilan ni Lunabelle ang bola gamit ang kanyang dibdib at tumalsik sa ere. Sabay spike ni Aileen na syang hindi na-depensahan ng mga lalaki dahil nadistract sila sa ginawa ni Lunabelle. Binigyan naman ng puntos ni Marika ang ginawa ng mga babae kaya naging 2 points sa Girls at 1 point sa Boys.

Lunabelle: "Kita nyo yun!!!! Akala nyo, si Nell lang ang kayang sumalag ng ganung uri ng spike?!!!! Nagkakamali kayo!!! Nyaaaahahahahahahaha!!!!!!"

Archie: "Oo nga. Kita nga namin. Pero ang weird nun."

Albert: "Grabe.... Gamitin talaga ang dibdib para sa pagdedepensa?"

Aileen: "Ang dami talagang benepisyo kapag malaki ang dibdib. Nakakainggit!!!"

Reysha: "Oo nga. Pero, parang nakakailang gawin yung ginawa nya."

Jett: "Guys!! Tayo naman ang oopensa!! Tsaka lumapit kayo, may plano ako."

Lumapit sila Albert at Nell kay Jett tsaka nito sinabi ang naisip na plano. Nang magsisimula na ulit ang laro, si Nell naman ang nagbigay ng serve na syang dinepensahan nila Reysha at Aileen. Tsaka tumira ng spike pababa sa sahig si Lunabelle kay Albert. Gaya ng inaasahan ni Jett, nagdive-block si Albert at tumalsik ang bola sabay set ni Nell. Agad naghanda sa pagdepensa ang mga babae para sa gagawing spike ni Jett, ngunit nagfake lang si Jett at tumira ng spike si Albert na syang ikinagulat ng mga babae. Diretso sa buhangin ng area ng mga babae napunta ang bola, kaya binigyan ni Marika ng 1 point ang mga lalake. Kaya naging tabla ang kanilang score na 2-2.

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon