CHAPTER 3: PALIWANAG

52 13 0
                                    

Matapos papasukin ni Marika si Tyler sa loob ng eskwelahan, sinabihan nya muna ito na maghintay sa Canteen, habang kasagsagan ng klase sa hapon. Sumang-ayon naman si Tyler sa sinabi ni Marika, kaya bumalik na ito sa kanyang classroom nang marinig ang tunog ng bell.

Pagkatapos ng dalawang oras, muling tumunog ang bell kung saan tapos na ang klase at magsisimula nang magsipunta ang mga estudyante sa kanilang mga club. Agad naman siyang binalikan ni Marika at sinabihan syang sumunod sa kanya.

Naglakad sila sa hallway hanggang sa makarating sila sa Camera club. Pagdating nila, tsaka sila pumasok, isinara at ikinandado ang pinto. Nagulat naman si Jett nang makita nya si Tyler.

Jett: "T-Teka?!!! Siya yun!!!!!!! Siya yung nakita ko sa bintana na paikot-ikot sa labas ng gate!!!!!"

Albert: "A-Anu?! Sya ba yun?!!"

Marika: "Oo. Sya nga. Siya nga pala si Mister Tyler Cruz. Dati kong—"

Tyler: "Dati akong boyfriend ng teacher nyo noong High School pa kam—OOF!"

Biglang sinuntok ng malakas ni Marika si Tyler sa sikmura na halos mapaluhod ito sa sakit. Napatulala at napangiwe na lang ang lahat sa ginawa ni Marika.

Rochel: (Mukhang sya siguro yung ikinukwento ni Miss Marika na Boyfriend nyang sobrang sweet sa kanya noon.)

Lyrica: (Eto? Boyfriend noon ni Miss Marika? Mukhang may itsura din sya. Kaya siguro nagbreak sila dahil baka isa syang babaero.)

Aileen: (Boyfriend noon ni Ma'am Marika?! Kung nandito sya?! May magaganap bang pagbabalik ng pag-ibig ba dito?!!)

Albert: (Bakit hindi maganda ang pakiramdam ko kapag kumikislap nang parang mga bituin ang mga mata ng tatlong babaeng eto?)

Carl: (Naku!! Sasabog na parang bulkan ang mga tanong nung tatlo! Sigurado yan!!)

Archie: (Excited yung tatlo!! Miss Marika, mahaba-habang paliwanagan iyan!!)

Lunabelle: (Kailangan ko pa bang sumali sa pagtatanong kila Ma'am Marika at sa ex-BF nya?)

Jett: (Tumigil kayo sa mga "thoughts" nyo!!!! Nakakaparami ng "number of words!!!!!")

Marika: "OK! Mabalik tayo sa sinasabi ko. Dati ko syang kaklase at nandito sya para ipaliwanag sa inyo ang sadya nya rito. Tyler, simulan mo nang magsalita."

Tyler: "Ah......Simulan muna natin ang usapan sa—..."

Aileen: "Kailan kayo nag-First kiss ni Miss Marika?!"

Tyler: "Sa pagkakaalala ko January—AHK!!!"

Muli na namang sinuntok ni Marika si Tyler sa sikmura.

Marika: "Aileen!! Bakit ka naman nagtanong nang ganyang tanong?! Eh kaya nga sya nandito para ipaliwanag nya ang sadya nya!!"

Aileen: "Ma'am!! Gusto naming malaman kung bakit hindi pa kayo nag-aasawa?! Tinanong namin yan sa inyo noong nagfield-trip po tayo!!"

Lyrica: "At ikwinento nyo po sa amin ang napagandang love story nyo noon."

Marika: "Pero girls?! Matagal na yun!! Iba na ang sitwasyon ngayun!! Nandito si Tyler para ipaliwanag ang—"

Rochel: "Miss Marika?! Bakit po talaga hindi po kayo nag-aasawa? Yung totoo lang po."

Marika: "Rochel!! Wag ka nga makisali kina Lyrica at Aileen!! At Girls!! Hindi nyo kailangang malaman pa ang dahilan ko kung bakit hindi pa ako nag-aasawa!!"

Tyler: "Kung ganun, kasalanan ko pala kung bakit hindi ka nag-aasawa. Kung talagang matagal na yun at naka-move-on ka na, eh di dapat nag-asawa ka na, hindi ba? Pero bakit nga ba?"

Marika: "Tyler!! Hindi yan ang sinabi ko kanina na pag-uusapan natin ngayun!! At wag kang makisama sa mga itinatanong nila."

Tyler: "Kung ganun, hindi naman masama kung ikukwento ko yung love story natin sa point-of-view ko, tama ba, girls?"

Tumango ang tatlong babae sa sinabi ni Tyler. Ngunit hindi natutuwa si Marika sa kanyang sinabi.

Marika: "Tyler!!!! Hindi ito ang pinag-usapan natin!!!!! Ang sabi mo, ipapaliwanag mo lahat!!!!"

Tyler: "Oo. Ipapaliwanag ko nga lahat. Bakit Marika? Akala mo ba natutuwa ako sa pakikipagbreak sayo noon?"

Marika: "A-Anung ibig mong sabihin?!"

Tyler: "Para maintindihan mo, Marika. Mabuti pang simulan ko na ang kwento.

Jett: "Ma'am!! Sir!! Excuse me lang po, pero lalabas pa muna ako para bumili ng chichirya sa Canteen."

Aileen: "Jett!!! Ang epal mo!!! Magkukwento na nga si Mr. Tyler, sumingit ka pa!!"

Lyrica: "Oo nga, Jett!! Magsisimula na nga silang magkadevelopan nga ulit eh!!!

Marika: "Lyrica!!! Aileen!!! Anung pinagsasabi nyo jan?!!!"

Rochel: "Miss Marika, sinasabi po nila na may natitira pa po kayong pagtingin kay Mr. Tyler. Kaya natutuwa po kami."

Marika: "A-ANU?!!"

Jett: "Oy!! Wag mo kaming idamay jan!! Kayo lang namang tatlo ang natutuwa sa mga itinatanong nyo jan sa kanila. Kaya labas na ako jan."

Lumabas si Jett mula sa clubroom upang bumili ng mga chichirya na kanilang kakainin. Habang ang ibang mga Boys, pinili na lang na matulog sa kanilang maliit na sofa. Si Lunabelle, abala sa pag-eedit at tahimik lang na nakikinig sa ikukwento ni Tyler.

Marika: "Alam nyo, Girls!!! Hindi na ako natutuwa sa mga gusto nyong mangyari ngayun."

Aileen: "Miss Marika, ba't hindi nyo po pagbigyan si Mr, Tyler na ikuwento ang side nya?"

Rochel: "Oo nga po, Miss Marika. Pagbigyan nyo na po syang magkwento. Baka may nangyari sa kanya noon kaya kailangan nyang piliin ang desisyon na iwan kayo."

Lyrica: "Oo, nga po. Miss Marika. Pagkwentuhin nyo na rin po sya."

Tinitigang mabuti ni Marika si Tyler at tumango naman si Tyler sa kanya. Kaya naman pinayagan ni Marika na ikuwento ni Tyler ang side nya sa Love story nila noong High School pa sila.

Marika: "OK. Sige. Pumapayag na ako, pero siguraduhin mo na hindi ka mag-iimbento ng kwento sa mga Girls ko!!"

Tyler: "Oo na. Wag kang mag-alala dahil ikukwento ko eksato ang mga nangyari noon."

Marika: "Siguraduhin mo lang, dahil makikinig din ako dito."

Tyler: "OK. Ako ang bahala!! So, Girls! Sisimulan ko na ang pagkukwento. Makinig kayong mabuti."

Mabilis na tumango ang tatlo dahil sa excited na silang marinig ang version ni Tyler sa love story nila ni Marika noong High School. Taimtim naman si Marika sa pakikinig upang masiguro na hindi iibahin ni Tyler ang kanilang kwento.

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon