Matapos kumain ng hapunan, naging abala ang lahat sa pagbabalik ng kanilang mga damit at gamit sa kanilang bag dahil bukas ay uuwi na ang buong grupo pabalik sa Bayan ng Selma. Pagkatapos isa-ayos ang kanilang mga gamit, maagang natulog ang mga kasamahan ni Jett. Ngunit hindi pa rin makatulog ng maaga si Jett, kaya lumabas muna sya sa Cottage house at gaya ng napag-usapan nila ni Reysha, naglakad sa tabi ng dagat ang dalawa habang nagtatampisaw sa tubig.
Reysha: "Ngayon ko lang napansin, masarap palang magtampisaw sa tubig dagat, pagkatapos ng Foot pressure massage."
Jett: "Foot Accupressure massage yun. Hindi Foot pressure."
Reysha: "Oo na. Pero nakakarelax talaga sya."
Jett: "Dahil sa maligamgam na tubig dagat kapag gabi. Kaya ganyan ang nararamdaman mo."
Reysha: "Kaya ba mas gusto mo ang Foot pressure massage?"
Jett: "Hay.....Sige na nga. Foot pressure na kung yan ang gusto mong itawag sa massage na yun. Tsaka Oo, kasi feeling ko mas narerelax ang katawan ko."
Reysha: "Ahh.....OK............... Jett? Bakit mo pala gustong maglakad-lakad ngayon?"
Jett: ".....Anu lang..... Gusto ko lang na mag-usap tayo. .........Naudlot kasi yung mahabang pag-uusap natin noong nakaraan."
Reysha: "Ah...Oo. Dahil sa Mangkukulam na iyon."
Jett: "Pero ngayong wala na ang sumpa ng mga Mangkukulam sa akin, sisiguraduhin ko na proprotektahan kita. Kahit na anu pa ang mangyari. Tsaka pag-aaralan ko ng tama ang kapangyarihan ko para magawa ko yung sinabi ko."
Reysha: "Huh? Bakit ako ang proprotektahan mo? Eh di ba ikaw ang habol ng mga Mangkukulam?"
Jett: "Ehh....siyempre pati na rin ang sarili ko. Pero mas importante sa akin ang maprotektahan ang mga kaibigan ko at mahal ko sa buhay. Lalo ka na, Reysha."
Biglang tumigil sa paglalakad si Reysha, matapos marinig ang mga sinabi ni Jett at namula ang kanyang mukha.
Reysha: "Jett, sobra naman ata kung ako ang prayoridad mong proprotektahan."
Jett: "Siyempre!! Mahalaga ka sa akin!! Kaya tama lang na ikaw ang dapat kong protektahan."
Reysha: "Ako din naman. Ayoko din na mawala ka sa buhay ko, kaya gagawin ko ang lahat, makasama lang kita."
???: "Hay.......ang sweet naman ng mga batang to. Nakakatuwa kayong panoorin."
Matapos marinig ng dalawa ang boses ng isang babae, agad hinawakan ni Jett ang kamay ni Reysha.
Jett: "Reysha!! Dito ka lang sa likod ko!!! Pambihira.........Kilala ko ang boses na yun!!!!"
Reysha: "Jett, kilala mo ang boses na yun?!! I-Ibig sabihin ba nito....."
Jett: "Oo. Mangkukulam ang nagsalitang babae."
Sobrang nataranta si Reysha ng sinabi ni Jett na isa na namang Mangkukulam ang narinig nilang nagsalita. Ngunit dahil sa dilim ng paligid, hindi nila alam kung saan susulpot ang Mangkukulam. Kaya yumakap ng mahigpit si Reysha sa katawan ni Jett, sa takot na baka hilain sya ng hindi nakikitang kalaban.
Jett: "Asan ka?!! Zarina!! Magpakita ka!!"
Reysha: "J-Jett, a-anung gagawin natin? Hindi natin sya makita sa paligid?"
Jett: "Kahit na anung mangyari, wag kang bibitaw sa akin."
Reysha: "O-OK..."
Zarina: "Ang OA nyong mga bata, hindi nyo talaga ako makita. Nandito ako sa likod ninyo!!"
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Teen Fiction***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...