Kinabukasan, agad tinignan ni Jett ang kanyang Cellphone upang makita kung nag-reply lahat ng kanyang mga kaibigan. Nung una, napanatag sya ng makitang nagreply sa kanyang mga text at Chat ang halos lahat ng kanyang mga kaibigan, hanggang sa makita nya ang text message ni Reysha.
[Reysha: ["Kung pinapahalagahan mo ang buhay ng dalagitang ito, pumunta kang mag-isa sa lumang North Black Pier mamayang alas nuebe ng gabi. Kapag nagdala ka ng mga kasama, sisiguraduhin kong hindi mo na sya makikita pa ng buhay."]]
Jett: (Nakakainis!!!! Si Reysha pa talaga ang binihag nila!!!!!!)
Sa sobrang inis ni Jett, hindi nya malaman kung anu ang kanyang gagawin. Nag-aalala din sya na baka saktan ni Saturna si Reysha, kapag ipinaalam nya sa iba ang tungkol sa pagbihag ng Mangkukulam kay Reysha.
Ilang oras pa ang lumipas, nag-iisip pa rin si Jett kung dapat ba nyang ipaalam sa kahit kanino ang tungkol sa pagbihag kay Reysha. Dahil buhay nito ang nakataya, oras na magsumbong sya sa mga Hunters. Hanggang sa may naisip syang paraan kung panu nya ililigtas si Reysha.
Jett: (Kung gusto kong mailigtas si Reysha kailangan kong sumugal. Sana hindi sya pumalpak at mapansin nya agad ang mensahe ko.)
Bago sya magtext sa number ni Reysha, nagtext muna sya sa number ng isa sa kanyang mga kaibigan tsaka nya ni-replyan ang number ni Reysha.
[Jett to Reysha: ["Pupunta ako. Siguraduhin nyong na wala kayong gagawing masama sa kanya."]]
Pagkatapos replyan ni Jett ang number ni Reysha, ihinanda nya ang kanyang sarili at sandali syang pumunta sa dati niyang bahay upang sanayin ang paggamit ng kanyang kapangyarihan, sa buong maghapon.
Magdadapit-hapon ng matapos magsanay si Jett at nalalapit na rin ang oras ng kanyang pagpunta sa North Black Pier, agad syang umuwi sa kanyang apartment upang maghapunan at ilang oras na lang ang kanyang hihintayin bago mag-alas nuebe ng gabi. Pagdating ng alas nuebe, ikinandado nya ang kanilang bahay tsaka sya tumakbo pupunta sa lumang Pier ng Barko.
Pagdating nya sa Pier ng Barko, agad syang pinapasok sa gate ng kalbong alalay ni Saturna at diretso syang pinapunta sa loob ng building. Napansin ni Jett na napakaraming mga kalbong mga bantay sa buong paligid at iniisip niya, kung tama ba ang naisip nyang plano, bago sya makipagkita kay Saturna. Pagdating sa loob, muli na naman syang pinapasok sa isang malaking pinto at mula sa pinto, isang maluwang na hagdan papunta sa basement ang kanyang nakita. Tumuloy sila ng bantay na naghatid sa kanya papasok sa loob ng basement.
Nang marating nila ang basement nakita ni Jett ang isang malaking Mechanism circle sa kanyang harapan na kahalintulad sa Magic circle na ipinakita sa litrato ni Marika galing sa Paradisio at sa litratong papel ni Kalano. Sa gitna ng Mekanismo nakatayo si Saturna at katabi si Reysha na nakagapos sa upuan at may duck tape sa bibig.
Saturna: "Maligayang pagdating sa aking himpilan!! Hinirang na tagapag-alaga ng kapangyarihan ng Minokawa!!"
Reysha: "Mmm!! Mmmn!! Mm!!! Mmmmm!!!! Mmrmrmrrmrm!!!!"
Jett: "Reysha!! Wag kang mag-alala!! Ililigtas kita!!!"
Saturna: "Sandali laaaang.. Para makasiguro ako na wala kang ibang kasama, gagamitan muna kita ng Scan magic!!"
Jett: "Bahala ka kung anu ang gusto mong gawin!! Basta pakawalan mo si Reysha!!"
Saturna: "Oo. Pakakawalan ko sya. Pero duda ako na baka manlaban sya kapag pinakawalan ko. Kaya nagtanim ako ng Sealing magic para hindi nya magamit laban sa akin ang kanyang kapangyarihan.
Jett: "Pano ko masisiguro na Sealing magic lang ang itinanim mo at hindi mga pampasabog?!!"
Saturna: "Bakit naman ako mag-aaksaya ng oras sa pagtatanim ng Detonation magic kung kaya ko naman syang patayin gamit ang sarili kong mga kamay?"
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Teen Fiction***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...