Pagdating ng kotse ni Tyler, agad syang bumaba sa kanyang kotse at pumasok sa loob ng lumang building. Nagtaka naman sya nang makitang malungkot ang mga magkakaibigan at parehong umiiyak sina Lyrica at Reysha.
Tyler: "Guys? Anung nangyari? Ba't umiiyak etong dalawang kasama nyo?"
Aileen: "Mr. Tyler, buti dumating na po kayo."
Rochel: "Ginoong Tyler, may nangyari po kasi kanina. Kaya po sila umiiyak."
Ipinaliwanag nila Rochel at Aileen ang nangyaring biglang pagdating ng isang mangkukulam sa kanilang tinatambayang building. Ikuwinento din nila ang pagbigay nila sa Aklat ng Mayari kapalit ng kanilang kaligtasan. Nadismaya naman si Tyler sa kanyang mga narinig.
Tyler: "Pambihira!! Ibig sabihin, naunahan pa ako ng mga mangkukulam?!!! Nakakainis!!!!"
Lyrica: "Mr. Tyler, patawarin nyo po ako!! Papatayin po kami nung babaeng mangkukulam na nagngangalang Saturna kapag hindi ko po ibinigay ang libro!!"
Tyler: "A-Anu?! Saturna?!!! Pambihira talaga!!!!!!! Nakakainis!!!!! Sana pala, inagahan ko na lang ang pagpunta rito!!!!!"
Rochel: "Mr. Tyler, sorry po talaga!! Wala pong sino po sa amin ang may kakayahang kontrahin sya. Kahit po si Reysha na bihasa na sa kanyang telekinesis, nagawa pa syang talunin."
Tyler: "Guys. Wag nyong sisihin ang mga sarili nyo. Sadya lang na natsambahan nyo yung pinakamalakas na Mangkukulam dun sa tatlo."
Archie: "A-Anu po?!! Pinakamalakas na mangkukulam sa tatlong hina-hunting nyo po?!!!"
Carl: "Yung Saturna kanina?!! Sya yung pinakamalakas?!!!"
Tyler: "Oo. Tama kayo sa narinig nyo. Siya ang pinakamalakas at makapangyarihan dun sa tatlong mangkukulam at sya rin ang pinakamatanda. Kung ikukumpara ang lakas at kapangyarihan niya, kulang ang buong grupo ng mga Witch hunters na nandito sa bayan upang patumbahin sya."
Albert: "Kung ganun po sya kalakas, ibig sabihin, kaya nya kaming patayin lahat sa isang iglap lang."
Tyler: "Oo. Tama ka, Albert. Pero sa tingin ko, kaya nya kayo hinayaang mabuhay ay dahil sa ayaw nyang magsayang ng kapangyarihan sa mas mahina sa kanya."
Lunabelle: "Ibig sabihin, swerte din ang nangyari sa amin kanina."
Reysha: "B-BINUHAY NYA AKO DAHIL SA MAHINA AKO?!!!!! PWES!!! BUWISIT SYA!!!!! PINAGMUKHA NYA AKONG MAHINA!!!!!!!!"
Umiiyak at galit na galit na nangatwiran si Reysha dahil hindi nya matanggap sa kanyang sarili na walang silbi ang paggamit nya ng kanyang kapangyarihan laban sa mangkukulam kanina. Nainis naman si Tyler sa hindi makatwirang pagdadahilan ni Reysha.
Tyler: "Reysha!!!! Magpasalamat ka pa nga at binuhay ka nya!!!!! Anu sa tingin mo ang mangyayari sayo kapag nilabanan mo sya ng harapan ha?!!! Mamatay ka lang!!!!! Hindi mo ba napansin kanina noong kinalaban mo sya?!!!! Madali ka lang nyang pinatumba!!!!!!!! Kung hindi ibinigay ni Lyrica ang libro, pinaglalamayan ka na dapat sana ngayon!!!!! Anu din ang mararamdaman ng mga kaibigan mo kapag namatay ka?!!!! Sabihin mo!!!!!"
Umiyak at tahimik na lang inintindi ni Reysha ang mga sinabi ni Tyler. Tsaka sya muling nagsalita.
Reysha: "Guys, patawarin nyo ako. Akala ko kaya kong labanan yung babaeng iyon. Naging mahina ako."
Lyrica: "Reysha, wag mo na isipin ang nangyari kanina. Gusto ko din sanang gamitin ang magic ko kanina pero pinigilan ako ni Albert. Dahil baka patayin din ako kapag nalaman niyang may dugo akong babaylan. At ibinigay ko din ang libro dun sa Saturna na iyon. Naging mahina din ako tulad mo."
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Teen Fiction***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...