CHAPTER 77: MGA PLANO PAGBALIK NG SELMA

24 2 0
                                    

Matapos mananghalian ang buong Grupo, maliligo sana sa dagat ang mga magkakaibigan ngunit hindi sila tumuloy dahil sa sobrang init at tirik ng araw. Kaya napagdesisyonan na lang nilang maligo sa Covered pool ng Resort upang maenjoy ang kanilang paliligo nang hindi inaalala pagkasunog ng kanilang balat.

Ngunit nagkanya-kanyang pili sila sa liliguang lalim ng pool kung saan, naligo lang sa 5ft ang mga babae kasama sila Carl, Archie at Albert, tsaka nasa 6ft naman si Tyler. Bumalik naman sa Cottage house sila Rhett at Nell dahil maghahanda na sila ng gamit at aalis na rin sila kinabukasan pabalik sa bayan ng Nolima. Naiwan naman sa maliit na shed si Jett at nagtataka ang mga kaibigan nito kung bakit ayaw nito makisali sa kanilang paliligo.

Archie: "Reysha, OK lang ba si Jett? Bakit nakaupo lang sya sa Shed kasama si Miss Marika?.

Reysha: "Hindi ko alam. At wala akong ideya kung anu iniisip nya."

Lyrica: "Sa tingin mo, iniisip nyang aalis na sila Rhett bukas kaya sya nagkakaganyan?"

Reysha: "Posible, Lyrica."

Albert: "Subukan ko syang tawagin para hindi ma-OOP sa atin."

Tinawag ni Albert si Jett at hinikayat nya itong maligo kasabay nila. Ngunit tumango lang si Jett bilang sagot kay Albert.

Albert: "Mukhang ayaw nya. May pinoproblema ba sya?"

Rochel: "Reysha, pilitin mo syang maligo dito sa atin. Sayang yung lamig na tubig dito sa pool."

Aileen: "Oo nga naman at sayang din ang binayad nya kung uupo lang sa shed."

Reysha: "Sige. Pupuntahan ko sya para kumbinsihin kong maligo kasama natin."

Rochel: "Oo, Reysha."

Agad pinuntahan ni Reysha upang kausapin si Jett.

Carl: "Guys. Nauuhaw ako. Aahon muna ako sa pool para bumili ng maiinom."

Archie: "Sige, Carl."

Aileen: "Sandali, Carl! Sasama ako! Bibili din ako ng maiinom."

Carl: "Oo na. Basta dalian mong imahon jan."

Umahon naman sila Carl at Aileen para bumili ng kanilang mga inumin. Ngunit nagpabili na din ang mga kasamahan nila dahil sa ayaw nilang umahon sa pool, kaya napilitan na lang sila Carl at Aileen na bilhan ang mga ito.

Albert: "Guys, napansin ko lang. Nakita nyo ba si Lunabelle?"

Rochel: "Albert, ayan oh. Nagsu-sun bathing at pinagtitinginan ng mga dumaraan na bastos na lalaki."

Albert: "May naalala kasi ako, kung maalala nyo noong unang nakilala natin sila Rhett at Nell dito sa resort. Nabanggit ni Lunabelle na mayroon na daw siyang Boyfriend."

Rochel: "Oo. Naalala ka din yun na sinabi nya."

Lyrica: "Albert, anung pinupunto mo?"

Albert: "Ang punto ko, posible kayang sinagot nya na ang kanyang secret admirer?"

Lyrica&Rochel: "Secret admirer?"

Albert: "Oo. Bakit? Hindi nyo ba alam? Madalas kaya nyang ikinukwento sa school noon na may naglalagay lagi ng sulat sa locker nya."

Archie: "Insan, sa tingin mo. Sino kaya ang secret admirer nya?"

Albert: "Wala akong ideya. Noong una, itinatambak nya lang sa file box ko sa club, ang mga sulat ng kanyang secret admirer. Gawin ba talagang basurahan ang lalagyan ko ng files. Pero, after ng pageant, biglang inipon ni Lunabelle ang mga sulat ng kanyang secret admirer sa kanyang drawer at nakapagtataka yun."

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon