CHAPTER 73: MAGULONG UMAGA

29 5 0
                                    

Kinaumagahan, maagang nagising sila Tyler at Marika upang maghanda ng agahan para sa mga kasama nila. Nang maintriga sila Aileen, Rochel at Lunabelle sa kanilang nakita sa sala.

Lunabelle: "Hehehe!!! Tingnan nyo etong dalawa oh!! Napakasweet nila. Talagang nagtabi pa silang matulog sa sofa."

Aileen: "Oo nga eh. Nakakainggit."

Rochel: "Hihihi!! Paglapitin kaya natin ang mga labi nila. Anu kayang reaksyon nila kapag nagising sila at magkadikit ang kanilang mga labi? Hihihi!!!"

Aileen: "Magandang ideya yan Rochel!"

Lunabelle: "Tapos kukunan ko sila ng litrato sa Cellphone."

Aileen: "Pero Rochel, yung ulo ni Jett ang ilapit mo sa ulo ni Reysha. Tulog matika daw kasi si Jett."

Rochel: "Sige!"

Tila napagtripan pa ng tatlong babae sila Jett at Reysha kung saan, inilapit at pinagdampi ni Rochel ang labi ng dalawang natutulog. Hanggang sa magising si Reysha at makita si Jett na sobrang lapit sa kanya. Nagtago naman sa likod ng Sofa ang tatlo upang hindi sila makita sa kanilang ginawang kalokohan. Bumangon sa pagkakahiga si Reysha, nang magising din nya sa kanyang pagbangon si Jett.

Reysha: "Good morning!"

Jett: "Good morning din."

Reysha: Kamusta ang tulog mo?"

Jett: "OK naman."

Reysha: "Sobrang tahimik mo ata. Iniisip mo pa ba ang nangyari kagabi?"

Rochel,Lunabelle&Aileen: (Nangyari kagabi?!!)

Tila mali pa ata ang naging interpretasyon ng tatlong babae na nakikinig at nagtatago sa likod ng sofa, sa pinag-uusapan nila Jett at Reysha.

Jett: "Oo. Yun nga. Wala ka bang nararamdamang masakit?"

Reysha: "Sa totoo lang, napakasakit nga eh yung natanggap ko sa mga nangyari kagabi. Pero sa ngayun, wala na."

Rochel: (Hala!! Ginawa ba nila yun kagabi?)

Reysha: "Tsaka buti na lang napainit tayo agad."

Jett: "Oo nga."

Aileen: (Napainit agad?! Ibig sabihin, nagpainit sila?!!!!)

Reysha: "Jett, masarap ba sa pakiramdam yung nangyaring......"

Jett: "Oo. Parang gumaan nga yung pakiramdam ko mula noong nakita kong........."

Lunabelle: "HOOOOOOOOY!!!!!!!!"

Reysha: "Huh?!!"

Biglang tumayo mula sa likod ng sofa si Lunabelle at hindi na natiis ang pinagkukuwentuhan nila Jett at Reysha. Kaya naintriga sya sa kung anu ang pinag-uusapan ng dalawa.

Jett: "L-Lunabelle?! Teka? Kasama mo pati sila Aileen at Rochel??!!!"

Reysha: "A-Anung ginagawa nyo jan sa likod ng sofa?!"

Lunabelle: "Kayong dalawa!! Magsabi kayo ng totoo!!!! Gumawa ba kayo ng milagro kagabi?!!!!"

Reysha: "Teka?!! Anung ibig mong sabihin?!!"

Jett: "Oo nga!! Naguguluhan ako?!"

Aileen: "Nagmamaang-maangan pa kayo!!! Narinig namin kayo!!!"

Reysha: "Ha?!!!! Anung pinagsasasabi nyo?!!!!"

Rochel: "Pinag-uusapan nyo ang nangyari kagabi, kaya anu bang ginawa nyo kagabi? Ginawa nyo ba talaga?"

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon