CHAPTER 33: HEADQUARTERS

32 4 0
                                    

Matapos sabihin at makumpirma ng magpinsan ang itinuturo ng Tracing Spell, tinignan ni Reysha, Marika, Tyler at Rochel ang hawak na Compass ni Lyrica. Nang makumpirma nila ang itinuturo ng Compass, nagsimula ng mataranta si Reysha.

Reysha: "Mr. Tyler!!! Itinuturo ng Compass na nandun si Jett sa loob ng building na iyan!!! Kailangan natin syang iligtas!!!"

Marika: "Reysha!! Huminahon ka!! Hindi natin alam kung ilang katao ang nagbabantay sa building na yan!!"

Albert: "Tsaka baka nanjan din sa loob ang tatlong mga Mangkukulam na hinahunting ni Mr. Tyler!! Baka mapahamak ka lang kung basta ka na lang susugod!!"

Reysha: "Pero si Jett?!! Nandun sya sa loob!!! Panu kung may nangyayari nang masama sa kanya dun sa loob?!!!"

Lyrica: "Reysha!! Pag-isipan mo muna ang gagawin mo! Tsaka ipaubaya na lang natin kay Mr. Tyler ang pagliligtas sa kanya! Mas mabuti kung aalis na muna tayo."

Reysha: "HINDI PWEDE!!! NAHANAP NA NATIN SYA!!! KUNG AYAW NYO SYANG ILIGTAS, AKO NA ANG GAGAWA!!!!!"

Nang gagamitin na ni Reysha ang telekinesis nya upang tumalon at lumipad papunta sa building, agad syang sinunggaban ni Tyler at itinakip ang panyo na may pampatulog sa kanyang mukha.

Reysha: "BITAWAN NYO AKO!!!! KAILANGAN kong....iligtas....si......."

Tyler: "Pasensya ka na Miss Liit. Pero mas makakabuti kung aalis muna tayo. Mapapahamak tayong lahat kapag hinayaan ka naming sumugod dun ng mag-isa."

Nawalan ng malay si Reysha, matapos itinakip sa kanyang ilong ang panyo.

Marika: "Tyler, A-Anung gagawin natin ngayun?"

Tyler: "Makakabuti kung pupunta tayong lahat sa Headquarters upang ibalita sa mga kasamahan ko ang nadiskubre natin. Tsaka igapos nyo din etong si Reysha para hindi sya magpumilit na sumugod sa building na iyan. Lahat kayo, iligpit nyo na ang mga gamit nyo at aalis na tayo."

Matapos marinig ng lahat ang sinabi ni Tyler, agad na iniligpit nila Lyrica, Rochel, Archie at Albert ang mga gamit nila sa Tracing Spell. Iginapos naman ni Marika ang walang malay na si Reysha upang hindi ito magwala. Tsaka sila bumaba sa tinataguan nilang gusali at sumakay sa sasakyan ni Tyler. Pagkasakay nila, pinaharurot agad ni Tyler ang kanyang kotse at pumunta sa sinasabing Headquarters ng mga Witch Hunters.

Makalipas ang 30 minutong biyahe, nakarating na sila sa sinasabing Headquarters ni Tyler.

Marika: "T-Tyler? Eto na ba ang Headquarters ng mga Witch Hunters?"

Tyler: "Oo, Marika. Ang mansyon na nakikita mo ay ang Headquarters ng mga Witch Hunters sa buong Selma."

Archie: "Wow!! Ang laki!!"

Rochel: "Oo. Tsaka ang lawak pa!!"

Albert: "Sa tingin nyo? Ilang Hektarya kaya ang lugar na ito?"

Tyler: "Guys! Paalala ko lang, hindi tayo nandito para mamasyal. Kaya wag kayong mag-iikot sa buong mansyon at manatili lang kayo sa tabi ko. Tsaka andito na tayo, kaya bumaba na kayo."

Bumaba sa kotse sila Tyler at dumiretso silang pumasok papunta sa Meeting room ng mansyon kung saan naghihintay sa kanya ang iba pang mga Witch Hunters. Pagdating nila sa loob, laking gulat nila Marika, Rochel, Lyrica at ang Magpinsan nang makita nilang armado ng sandata ang mga tao sa loob ng mga baril, ispada, itak, palakol at kung anu-anu pa.

Kinilabutan naman si Lyrica dahil unang beses nyang makakita ng mga taong armado ng sandata sa buong buhay nya.

Lyrica: "G-Guys? H-Hindi ba nila tayo sasaktan? Mukhang ang sama ng tingin nila sa atin."

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon