Madaling araw pa lang, maagang nagising si Jett at naninibago sya sa oras ng kanyang paggising. Napansin din nyang madilim pa at tahimik ang buong paligid. Mahimbing naman na natutulog sa kanyang tabi si Reysha. Habang pinagmamasdan nya ito, napansin din nyang napakasobrang lapit ng mukha ni Reysha sa kanyang mukha.
Naalala ni Jett ang unang beses na mahalikan nya si Reysha ngunit naisip din nyang aksidente ang mga nangyari noon. Sa pagkakataong ito, tila natutukso syang gawin muli ang katangahang kanyang nagawa.
Jett: (Sobrang himbing ng tulog nya. Nakakapanibago din na katabi ko sya matulog ngayun at nakayakap din sya sa akin, tsaka sobrang lapit ng mukha nya. Halos mahalikan ko na sya sa sobrang lapit. Naisip ko lang, kapag hinalikan ko sya ulit, magigising kaya sya? Para kasing cherry ang labi nya sa sobrang pula at gusto kong maramdaman ulit yung lambot ng labi nya, gaya noong una. Wala naman sigurong masama kung susubukan kong halikan sya ulit ng hindi nya napapansin.)
Habang mahimbing na natutulog si Reysha, muli na namang sinubukan ni Jett na halikan si Reysha ng hindi nito nalalaman. Kaya, inilapit ni Jett ang kanyang mukha sa mukha ni Reysha at idinampi ni Jett ang kanyang bibig sa kanyang labi. Ngunit biglang nagising si Reysha at nagulat si Jett nang makita nyang nakamulat ang mga mata ni Reysha at nakatitig sa kanya.
Jett: (Oh!! Shoot!! Nakita nya ako!!! Lagot!!! Sigurado ako!!! Sisigaw na to!!! Kailangan kong lumayo!! Layo!!! Dali!!!!)
Reysha: (H-Hinalikan na naman ba nya ako ng hindi ko napapansin? Kaya pala parang may kung anung malabot at mainit na bagay ang dumikit sa labi ko. Mukhang natataranta na sya. Anu kaya kung hayaan kong ituloy mo yung naudlot mong plano?)
Sa sobrang gulat ni Jett, agad nyang inilayo ang kanyang mukha mula sa mukha ni Reysha dahil sa nangangamba syang baka sumigaw ito at tawagin syang Bastos o Manyak. Ngunit, malayo sa inaasahan ni Jett ang mga sumunod na nangyari.
Reysha: "Jett."
Jett: "R-Reysha. Eh....anu..... sorry sa ginawa ko. Kung gusto sam-"
Biglang hinawakan ni Reysha ang ulo ni Jett at sya na mismo ang humalik kay Jett. Nagulat naman si Jett sa ginawa ni Reysha, ngunit dahil sa gustong matikman muli ni Jett ang matagal na niyang inaasam na halik mula kay Reysha, pilit nyang niyakap si Reysha gamit ang kanya kaliwang kamay at inilapit din ni Reysha ang kanyang katawan sa katawan ni Jett.
Ilang minuto rin ang itinagal ng paghahalikan nilang dalawa, hanggang itinigil ni Reysha ang kanyang paghalik kay Jett at bahagyang inilayo ang kanyang mukha mula sa mukha nito.
Jett: "R-Reysha...? G-Gusto mo din ako..?"
Reysha: "Anu ba sa tingin mo? Hinalikan kita, hindi ba?"
Jett: "K-Kailan mo pa ako nagustuhan..? Akala ko ba, ayaw mo sa akin?"
Reysha: "Mula noong ibinigay mo sa akin yung sobrero mo. Dun ako nagsimulang magkagusto sayo."
Jett: "Oo. Naalala ko na... Isang bagay din pala. Yung paghalik ko sayo kanina, kailangan kong sabihin sayo na hindi na yun ang First kiss mo. Kasi....kung maalala mo.... noong Grade 6 pa tayo aksidente kitang-"
Reysha: Chup!
Muli na namang hinalikan ni Reysha si Jett. Nagulat na naman si Jett sa ginawa ni Reysha sa kanya. Tsaka na naman, inilayo ni Reysha ang kanyang mga labi mula kay Jett upang magsalita.
Reysha: "Jett. Alam ko na ang tungkol jan sa sikreto mo, mula noong nawala ka. Sinabi sa akin ng Bestfriend mong si Nolan."
Jett: "Ah...Oo. Si Nolan talaga.... Hindi talaga sya marunong magtago ng sikreto ng sobrang tagal. Madalas kasi syang nadudulas kapag may mga sikretong ipinapatago sa kanya."
Reysha: "Ganun ba ugali nya?"
Jett: "Oo."
Reysha: "Pero, atleast, kung hindi dahil sa kanya, hindi ko malalaman ang sikreto mo. Kaya tingnan mo naman ang naging resulta, hindi na aksidente ang paghalik mo sa akin ngayun. Naging opisyal na. Pero speaking of official, may isang kundisyon ako sayo."
Jett: "Anu naman ang kundisyon mo?"
Reysha: "Dahil naghalikan tayo at gusto naman natin ang isa't isa........... gusto kong maging opisyal ang relasyon nating dalawa. For short......"
Jett: "Girlfriend na kita."
Reysha: "O-Oo. Girlfriend mo na ako. At Boyfriend na rin kita."
Hindi makapaniwala si Jett sa mga salitang kanyang naririnig mula kay Reysha dahil sa gusto na pala nitong maging opisyal ang relasyon nila sa isa't isa. Dahil sa parehas silang may nararamdaman sa isa't isa, malugod na tinanggap ni Jett ang kundisyon ni Reysha.
Jett: "Oo. Ikinagagalak ko, Reysha. At...."
Reysha: "At ano?"
Sa pagkakataong ito, si Jett naman ang humalik kay Reysha. Hinayaan naman ni Reysha si Jett na halikan lang sya ng matagal habang nakayakap kay Jett ngunit biglang natigilan si Jett nang may maramdaman syang kirot sa kanyang kaliwang binti.
Reysha: "Jett, Bakit?"
Jett: "Biglang sumakit ang kaliwang binti ko. Mukhang napwersa ko ata."
Reysha: "Mukhang hindi pa magaling ang bali mo sa kaliwang binti. Mabuti pa siguro, matulog na tayo ulit para makabawi ka ng lakas. Total, katabi mo naman ako at hindi na ako mawawala pa sa tabi mo."
Jett: "Haha...grabe. Ibinalik mo lang sa akin ang sinabi ko sayo."
Reysha: "Oo. Kasi tumupad ka sa ipinangako mo. Kaya gagawin ko din kung anu ang sinabi ko sayo ngayun."
Jett: "......Salamat sayo, Reysha..."
Reysha: "Ako din naman. Salamat din sayo. At walang anu man."
Matapos gawing opisyal nila Jett at Reysha ang kanilang relasyon, bunga ng kanilang mga nararamdaman sa isa't isa. Muling bumalik sa pagtulog ang dalawa na magkatabi at magkayakap upang makabawi ng lakas bago pa sumikat ang araw.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Teen Fiction***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...