Matapos masermonan at magkulong si Jett sa Cottage house, masayang nanananghalian ang buong grupo sa Shade, hanggang sa maisipan ni Marika na ipatawag si Jett para kumain.
Marika: "Guys! Pwedeng pakitawagan si Jett sa loob ng Cottage house? Manananghalian na tayo!"
Reysha: "Ako na po ang tatawag sa kanya, Miss Marika."
Umalis si Reysha upang tawagin si Jett.
Carl: "Hay....yan kasi. Dahil sa mga kalokohan nila ng kanyang Bestfriend, grounded sya tuloy."
Albert: "Oo nga eh. Imbes na maenjoy nya ang Bakasyon kasama tayo, nagkukulong na lang sya sa loob ng Cottage house."
Tyler: "Uhhh....Marika. Pinagsabihan mo bang maging grounded si Jett sa buong maghapon?"
Marika: "Oo, Tyler. Sinabihan ko sya na grounded sya maghapon."
Lyrica: "Miss Marika, mukhang napapatagal po ang pagtawag ni Reysha kay Jett."
Marika: "Oo nga noh? Dapat kanina pa sila nandito. Mabuti pa ako na ang tumawag sa kanila."
Aalis na sana para puntahan ni Marika si Reysha at Jett nang saktong dumating si Reysha at galit na naman ito.
Rochel: "Reysha? May probl-!"
Reysha: "AAAAAAAARRRRRGGGHHH!!!!"
Carl: "SHHHTT!!!! HUY!! Wag ka ngang maingay!!! Kumakain kami!!!
Lyrica: "Reysha? Anu na naman bang problema?!"
Reysha: "Wala si Jett sa kwarto nya!!!!"
Nagulat ang lahat ng marinig nila ang sinabi ni Reysha. Kaya nangtanong ang mga kasama nya.
Aileen: "Anu?!! Wala si Jett sa kwarto nya?!!!"
Lunabelle: "Tumakas ba sya?!!"
Reysha: "Oo. Siguro! Kasi iniwan nya to!!"
Ipinakita ni Reysha ang isang maliit na piraso ng papel na nagsasabing "Magpapalamig lang ako" at hinala ni Reysha, kasabwat sa pagtakas ni Jett sina Rhett at Nell.
Marika: "Hay.....Jett. Pambihira talaga ang batang to. Ang tigas din ng ulo."
Tyler: "Sa tingin ko, Marika. Hindi mo dapat pinagbabawalan ang isang mapagrebeldeng binatilyo. Lalo lang yan magrerebelde."
Archie: "Mawalang galang na po, Miss Marika. Pero matagal na pong mapangrebelde sa mga Teachers si Jett. Kaya hindi na po ako nagulat sa gagawin nya."
Albert: "Miss Marika, may punto po sila Insan at Mr. Tyler. Sa tingin ko po talaga, lalo lang po magmamatigas si Jett. Kung sa mga Mangkukulam nga po, nanlaban po sya. Sa simpleng utos nyo pa po kaya."
Rochel: "Pero, Albert, lumalabas na hindi nya na nirerespeto si Miss Marika kung hahayaan lang natin sya."
Carl: "Kung sabagay, may punto ka, Rochel. Parang wala na syang paggalang kay Miss Marika dahil sa ginawa nyang pagtakas. Anu na sa tingin nyo ang gagawin natin ngayon?"
Reysha: "Ano pa ba?! Eh di hanapin natin sya ulit at turuan natin ng leksyon!!!!!"
Dahil sa tumakas at nawawala na naman si Jett, naisipan ng mga kaibigan nito na hanapin na naman sya. Ngunit biglang nagsalita si Marika.
Marika: "Guys, kung hahanapin nyo sya, pwede bang dalhin nyo na lang sya dito sa Shade sakaling matagpuan nyo sya. Mas mabuti kung kakausapin ko na lang sya ng masinsinan."
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Teen Fiction***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...