Sa pagpapatuloy ng Christmas party ng Section 8-B, muli na namang nagpalaro si Marika at sa pagkakataong ito, News paper dance naman ang kanyang ipapalaro.
Marika: "OK!! Next game naman natin ngayon ay News Paper dance!!!! Sa mga sasali, maghanap na kayo ng Partner nyo at sisimulan na natin ang laro!!!!!"
Naghanap ng kanilang partner ang mga estudyante ni Marika, kasama na ang mga magkakaibigan na sila Archie at Rochel, Lyrica at Albert, Carl at Aileen. Gusto man sanang sumali ni Reysha ngunit pinili na lang nyang umupo at samahan si Jett dahil na rin sa pilay at nakasaklay pa ito.
Reysha: "Sayang!! Gusto ko sanang sumali!!! Pero hindi pa pala gumagaling ang mga bali mo Jett."
Jett: "Eh di sumali ka lang. Maghanap ka ng ibang partner."
Reysha: "Pero hindi mo maeenjoy ito kasi nakaupo ka lang dito."
Jett: "Hayaan mo na ako. Sumali ka na dun."
Reysha: "Hindi na. Samahan na lang kita. Tsaka may palaro pa naman mamaya si Miss Marika na makakapag-enjoy tayo pareho. Kaya mamaya na lang ako makikilaro."
Jett: "Ikaw bahala. Basta ako, hinahayaan kita na sumali sa palaro."
Matapos magtipon ang mga sasali sa News paper dance, agad ng sinimulan ni Marika ang Laro.
Marika: "Guys! Ang mechanics ng game, kapag nag-Stop ang kanta, tatapak kayo ng partner mo sa gitna ng Dyaryo. Maa-out ang player kapag nawalan ng balanse o tumapak ang paa sa labas ng dyaryo. Pero eto pa ang twist ng laro, kapag tumunog ulit ang music, ifofold nyo ng isang beses ang dyaryo kada matuloy ang music hanggang sa lumiit ang space ng dyaryo. Mananalo ang huling magpartner na maiiwang nakatayo sa kanilang dyaryo. Kaya naman, Ready na ba kayo guys?!!!! Simulan na natin!!!!!!"
Pinatugtog ni Marika ang isang nakakaindak na musika at sumayaw naman sa tapat ng dyaryo ang mga estudyante. Matagal na pinatugtog ni Marika ang kanta hanggang sa bigla nyang itinigil ang kanta. Agad tumapak sa dyaryo ang mga estudyante nang biglang na-out sila Archie at Rochel.
Rochel: "Archie?!! Anung ginawa mo?!!!!"
Archie: "Ehh?! Nakatapak naman ako ah?!"
Marika: Archie, nakatapak ka nga, pero lagpas naman ang sakong mo sa dyaryo."
Archie: "A-Anu po?!! Hindi po ba counted yun?!"
Marika: "Pasensya na Archie at Rochel. Hindi counted yun eh. Better luck next time na lang ha?"
Umalis sa gitna ang dalawa at bumalik sa kanilang upuan.
Rochel: "Archie!! Ang laki kasi ng sapatos mo!!"
Archie: "Oo na! Sorry na!! Hindi ko naman alam eh!!"
Reysha: "Di bale, meron pa sila Lyrica, Albert, Carl at Aileen. Supportahan na lang natin sila."
Muling ipinagpatuloy ni Marika ang palaro at pinatugtog muli ang musikang pangsayaw. Ilang sandali pa, ihininto ni Marika ang tugtog at natanggal ang ilang mga estudyante. Nagpatuloy pa ang laro hanggang sa tatlong pares ng estudyante ang natitira, kasama sila Albert, Lyrica, Carl at Aileen.
Marika: "Aba!! Tatlong pares na lang ang natitira?!! Sino kaya ang mananalo sa kanila?!! Ok!! DJ!! Patutugin mo na!!!"
DJ: "Yes, Ma'am!!"
Muling pinatugtog ni DJ ang kanta para sa tatlong pares na natitira. Tinapos nito ang isang buong kanta at pinatugtog pang muli ang isa pa. Ilang sandali pa, biglang hininto ng DJ ang kanta, nataranta ang tatlong pares dahil biglaan ang pagpapahinto sa kanta. Binuhat ni Albert si Lyrica sabay tapak ng isang paa sa isang maliit na dyaryo, ngunit nawalan sya ng balanse at natumba sila sa sahig kung saan na-out sila sa laro. Sila Carl at Aileen naman, binuhat ni Carl sa kanyang balikat si Aileen, tsaka tumapak sa maliit na dyaryo ngunit hindi kaya ni Carl ang bumalanse gamit ang isang paa. Sa halip ginamit nya pa rin ang pareho nyang mga paa at na-out din ito.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Teen Fiction***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...