CHAPTER 42: PAGBANTAY

30 4 0
                                    

Matapos makapaghanda si Reysha ng mga dadalhing gamit para sa pagbabantay nya kay Jett, nagmadali siyang umalis ng kanyang bahay at naglakad papunta sa Ospital. Pero habang naglalakad, hindi nya maiwasang maalala ang mga sinabing kundisyon sa kanya ni Lyrica.

Flashback:

Lyrica: "Una, kailangan mong ipainom kay Jett, eksaktong 12 AM ang Potion."

Reysha: "O...OK?"

Lyrica: "Pangalawa, ayon sa nabasa kong mga kundisyon, kailangang lubos na nagmamahalan ang taong pina-inom ng Potion at ang taong nagpainom rito. Kaya kailangang inumin ng taong magpapainom ang kalahati ng Potion at ipainom din sa taong gigisingin ang natitirang kalahati."

Reysha: "Teka nga! Sandali! Anung kinalaman ng pag-ibig sa taong magpapainom ng Potion sa paiinumin nito ha?!! Eh di ba gigisingin lang naman ang taong paiinumin ng Potion, di ba?!"

Lyrica: "Oo. Pero yun kasi ang nakita kong mga kundisyon na sinabi nung libro."

Reysha: "Ewan ko sayo, Lyrica!! Parang sinasadya mo na ata eh!!!"

Lyrica: "Reysha, totoo ang sinasabi ko. Nakalagay yun sa libro at kailangan mong gawin kung anu ang nakalagay na instructions nun."

Reysha: "Lyrica, panu kung ikaw na lang ang magpainom nyan kay Jett?"

Lyrica: "Kung ako ang magpapainom kay Jett, hindi gagana ang Potion kasi wala naman akong espesyal na nararamdaman para sa kanya at talagang kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Tsaka sabi mo nung nakaraan, mahal na mahal mo sya, hindi ba? Kaya ikaw ang nakatadhana na gumawa nito sa kanya."

Namumulang nakasimangot si Reysha kay Lyrica habang tinititigan nya ito ng masama. Si Lyrica naman, napangiwe na lang sa kanya.

Reysha: "Oo na!! Total ako ang nagboluntaryo!! Kakainis ka din noh!! So, anu na ang pangatlong kundisyon?"

Lyrica: " A-Ang pangatlong kundisyon......."

Tahimik na nakangisi si Lyrica kay Reysha.

Reysha: "Ano? Anu yung huli?"

Lyrica: "......kailangang halikan ang labi nang taong nagpainom ang taong pinainom ng potion. Upang maipasa ang kamalayan nito at magising ang taong gigisingin."

Reysha: "Nagbibiro ka ba?!!!!!"

Lyrica: "Eh yun naman ang sabi eh!!"

Reysha: "Baka gawa-gawa mo lang ang tatlong kundisyon na iyan at gusto mo akong kunan ng video habang ginagawa ang kalokohan mong mga kundisyon?!!"

Lyrica: "Kahit tingnan mo pa oh!! Ipakita ko pa sayo!"

Ipinakita ni Lyrica ang pahina ng Potion ng pampagising kay Reysha at nakumpirma nga nyang nakasaad sa libro ang tatlong kundisyon. Tila nagkaroon ng pagdududa si Reysha kay Lyrica dahil sa mga sinabi nito.

Lyrica: "Ano? Naniwala ka na?"

Reysha: "Alam mo, nakakainis ka!!"

Lyrica: "Reysha, minsan lang naman ito. At para rin ito sa ikabubuti ni Jett. Kaya sayo ako umaasa na magagawa mong gisingin si Jett."

Reysha: "Oo na!! Sige na!! Gagawin ko na!! Basta't wag mong itsitsismis sa iba!!"

Lyrica: "OK. Makakaasa ka."

Reysha: "Siguraduhin mo lang!!"

Kaya matapos makumbinsi at sabihin ni Lyrica ang mga kundisyon, pumayag na rin si Reysha.

Present:

Sa kasalukuyan, saktong kadarating ni Reysha sa Ospital at nasalubong nya si Mrs. Sura. Ngunit kinikilabutan si Reysha dahil sa nakahawak na naman ang matanda sa paborito nitong shotgun at tinatakot ang lahat ng mga nakakasalubong nito.

Sura: "HOY!!! IKAW!!! MAY PLANO KA BANG KIDNAPIN AT PUMUNTA SA KWARTO NG APO KO HA?!!!!

Civilian: "AAAAAAAHHHHH!!!!!!"

Nurse: "Hay!! Jusko!!! Guards!!!! Nag-aamok na naman po ang matanda!!!!"

Guard: "Madam!! Bitawan nyo po ang baril nyo at huminahon nga po kayo!!! Magdamag po kaming nakabantay dito sa Ospital at wala naman po kaming nakitang kahina-hinalang tao na magtatangkang kunin ang apo nyo!! Kaya pakiusap po, pakibitawan nyo na po ang Shotgun at wag po kayong manakot ng mga tao!!"

Sura: "Panu ako makakasigurong hindi holdapper etong mga dumaraan na ito ha?!!!"

Guard: "Madam. Kidnapper po, hindi holdapper. Tsaka nandito na rin po yung dalagitang kapalit nyo sa pagbabantay."

Sura: "Kapalit ko sa pagbabantay?! Sino?!! Ikaw ba!!"

Reysha: "Hay!! Jusko!!! Ma'am!! Ako po!! Si Reysha!! Hindi nyo na po maalala?! Tsaka wag nyo naman po itutok sa akin ang bagay na yan!!"

Sura: "Anu kamo?!! Ikaw si Reysha?!"

Reysha: "Opo! Ako nga po!!" (Grabe naman etong matandang to!! Nag-uulyanin na ata!!)

Sura: "Kung ganun, siguraduhin mo na mababantayan mo ng tama ang apo ko. Kung hindi, gagawin kitang shooting target ng dala kong baril!!"

Reysha: "Ma'am!! Pangako po!! Wala pong mangyayaring masama sa apo nyo!!" (Grabe!! Nakakatakot sya!! Sa lahat ng mga matatanda na nakilala ko, sa kanya lang talaga ako kinikilabutan!!)

Sura: "Oh siya!! Aalis na ako at nang makapagpahinga na ako."

Reysha: "S-Sige!! Mag-iingat po kayo sa pag-uwi!!"

Naglakad na paalis ng Ospital ang matanda at sumakay ito sa nag-aabang na tricycle. Nakahinga naman ng maluwag ang buong staff ng Ospital, pagkaalis ng matanda.

Guard: "Hay......grabe. Ngayun lang ako nakakita ng ganung uri ng matanada sa buong buhay ko. Halos maging problema na sya ng buong Ospital dahil sa pananakot nya sa mga dumaraan na Civilian at mga pasyente. Buti na lang dumating ka din, iha at nakahinga na kami ng maluwag."

Reysha: "Walang anu man po yun. Tsaka pagpasensyahan nyo na po yung matanda. Sadya lang talagang War-freak ang ugali nya."

Guard: "OK lang, iha. Naiintindihan naman namin. Mabuti pa siguro, puntahan mo na yung kuwarto ng apo nya at baka mag-alburoto ulit yung matanda bukas kapag nalaman nyang hindi nabantayan ng tama ang apo nya."

Reysha: "Opo. Salamat po sa pag-intindi, Sir."

Pinuntahan ni Reysha ang kuwarto ni Jett matapos nyang makipag-usap sa Guard. Pagpasok nya sa loob, napansin ni Reysha ang isang picture frame na nakalagay sa isang maliit na drawer at tiningnan nya ito. Nakita nya sa picture ang buong pamilya ni Jett na masaya sa isang okasyon.

Reysha: "Hmmm.....baka iniwan ito ni Ma'am Sura para kay Jett. Nakapagtataka? Asan kaya si Jett sa litratong ito? Sya kaya yung bata na karga ng isang babae? Siguro, napakasaya ng pamilya nila, bago mamatay ang mga magulang at ate nya. Pero nakakalungkot isipin na hindi na sila ganito kasaya."

Ibinalik ni Reysha ang picture frame sa drawer. Napansin din nya ang oras at alas siete pa lang nang gabi. Malayong-malayo sa oras ng alas dose upang ipainom kay Jett ang Potion na ginawa nila. Hanggang sa naalala nya ang nabasa nya sa isang website noong nakaraan na maaring magising ang Coma patient kapag kinausap o ipinatugtog ang paborito nitong kanta.

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon