Matapos gamitin ni Rhett ang kanyang special technique, biglang nahiwa ang yelo na kinatatayuan nila Consuela at Reysha. Hindi rin namalayan na kasama rin pala sa nahiwa ang kanang kamay ni Consuela na syang ikinagalit nito. Nawalan naman ng malay si Reysha matapos matanggal ang kamay ni Consuela mula sa kanyang balikat.
Consuela: "AAAAAARRRRGGGGHHH!!!!! ANG KAMAY KO!!!!!!"
Rhett: "Sabi ko naman sayo, ikaw din ang sisigaw eh. Pero bago ang lahat......"
Kinontrol ni Rhett ang bloke ng yelo kung saan nababalutan ang mga binti nila Jett at Reysha, at inilagay nya ito sa buhangin, malayo sa tubig dagat. Agad naman pinuntahan nila Beth at Nell ang dalawa upang tunawin ang yelo gamit ang maliit na Blow Torch ni Nell at mahikang apoy ni Beth.
Beth: "Nell!! Magmadali ka!! Tunawin mo ang yelo na nakabalot kay Jett!!"
Jett: "Wag Nell!! Si Reysha ang unahin mo!!! Kailangan nyang magamot!!!"
Beth: "Jett, Wag kang mag-alala kay Reysha!! Mapapagaling ko ang mga Frostbites nya ng aking Healing magic!! Pero ikaw, hindi!! Kaya hayaan mo si Nell sa ipinapagawa ko sa kanya!!!"
Jett: "P-Pero...."
Nell: "Wala nang pero-pero!! Bruh!! Tutunawin ko na yan malaking tipak ng yelo na nakabalot sayo!!"
Consuela: "Mga pakialamero!!!!!!! Hindi ko kayo hahayaan sa mga gusto nyo!!!! [Ice Darts]!!!!!!!!"
Rhett: "Tiya!!! Mag-iingat kayo!!! Anjan na ang matatalas na yelo!!!!"
Matatamaan na sana ng Ice darts ni Consuela ang apat ng biglang dumating si Lyrica, Tyler at Marika, gamit ang teleport at agad gumamit ng Energy Barrier kung saan, sinalag nito lahat ng mga Ice Darts.
Beth: "Buti na lang, sakto ang dating mo iha."
Lyrica: "K-Kayo po ba si Aling Beth? Totoo po kayo?!! P-Pano nyo po ako nakausap sa panaginip ko?!!"
Tyler: "Siya ba, Lyrica?! Ang sinasabi mong babaeng nagsabi sa panaginip mo, na nasa panganib sila Jett at Reysha, kanina?!!"
Lyrica: "Opo!! Sya nga po yun!! Pero, panu nyo po yun ginawa?"
Beth: "Mamaya ko na ipapaliwanag, iha. Pero kailangan muna nating matunaw ang yelo na nakabalot sa kanila."
Marika: "Jett!! OK ka lang?!! Nasaktan ka ba?!!"
Jett: "OK lang po ako!! Si Reysha ang tulungan po ninyo!!!"
Beth: "Sige! Si Reysha muna ang uunahin naming tanggalin sa yelo, para hindi ka na mag-alala."
Habang abala sila Marika, Nell at Beth sa pagtunaw ng yelo, pinapalibutan naman sila ni Lyrica ng kanyang barrier at nakahanda naman ang baril ni Tyler upang tulungan si Rhett. Ngunit....
Tyler: "Rhett!! Pabagsakin na natin ang Mangkukulam na iyan!!! Tutulungan kita."
Rhett: "Talaga po? Pero Thank you na lang!!!!"
Kinontrol ni Rhett ang tubig dagat at ibinalot sa mga binti ni Tyler, tsaka nya ginawang yelo sabay kinontrol na ihinagis ito sa lokasyon nila Beth.
Tyler: "Rhett!! Anung sa tingin mo ang ginagawa mo?!!"
Rhett: "Mamatay kayo kapag sinubukan nyo syang labanan gamit ang baril nyo!!! Kaya hayaan nyo na itong Bruhang ito sa akin!!"
Consuela: "Ha!! Sobra naman ata ang kompiyansa mo sa iyong sarili. Baka nakakalimutan mo kung sino ang kinakalaban mo?"
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Teen Fiction***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...