Makalipas ang ilang minuto, magsisimula na ang Pageant kung saan excited na ang lahat ng mga estudyante sa kanilang mapapanood. Handa na rin ang mga magkakaibigan pati na rin si Lyrica sa pagsabak nya sa Pageant. Hanggang sa lumabas na ang MC upang simulan ang Event.
MC: "Good Morning! Ladies and GentleDogs!! Este Gentlemen pala!! My name is Mike Controller!!! MC for short!! And I'am your host for this morning!!"
Student 1: "Booooh!!! Simulan na agad ang laban!!!"
Student 2: "WAG NYO NANG PATAGALIN!!! GUTOM NA KAMI!!!!"
Student 3: "Hoy!!! Lumayas ka na jan sa Stage!!! Ilabas nyo na yung mga Bebe!!!!"
Napangiwe naman ang lahat ng mga nasa Backstage dahil sa reaksyon ng mga tao.
Reysha: "Grabe!! Mga sira ulo talaga ang mga estudyante dito!!"
Nolan: "Hay........eto talaga ang resulta kapag wala si Jett. Magiging magulo ang event na ito."
Carl: "Uy! President! Anjan ka pala. Tsaka pano mo nasabi na magiging magulo ang event kapag wala si Jett?"
Nolan: "Simple lang, siya ang Riot controller ng mga iyan. Kaya maghanda lang kayo. Kahit na nanjan pa ang Pricipal bilang Judge, magkakagulo talaga."
Carl: "Ah...OK. sinabi mo eh."
Muling nagsalita ang MC sa mga manonood.
MC: "So bago tayo magsimula, ipapakilala ko muna ang ating mga Judges. Ang Una nating Judge ay ang nag-approve sa ating mga events. Kung hindi dahil sa kanya, wala sana kayong pasok at mapapanood!! Ang ating kagalang-galang nating Principal walang iba si Sir Prince Sipal!!"
Tahimik na nagpalakpakan ang mga manonood na estudyante. Dahil sa kapag nag-asal bastos ang mga estudyante, siguradong ipapahinto ang event at balik ulit sa klase. Kaya ganun na lang ang pag-galang nila sa Principal.
MC: "OK!! Susunod naman ang pangalawa nating Judge!! Sya ang Miss Teen ng Brgy. Batung Bato at lalaban para sa Miss Teen Selma City sa darating na Buwan!! Siya ay si Miss Lunabelle Mendez!!!"
Naghiyawan ang mga estudyante ng marinig nila ang pangalan ni Lunabelle. Nagulat naman ang mga magkakaibigan ng malamang si Lunabelle ang isa sa mga Judges.
Carl: "Pambihira! Kasama sa mga Judge si Lunabelle!! Bakit wala man lang nakapagsabi sa atin na isa pala siya sa mga Judge?!!!"
Albert: "Aba!! Malay ko!! Hindi naman ako mahilig makisawsaw sa mga tsismis ng ibang tao!!"
At muling nagsalita ang MC upang ipakilala ang pangatlo at huling Judge.
MC: "And last but not the least, ang pangatlong Judge na kukumpleto sa ating mga Judges, walang iba kundi ang pinakamatandang Head Teacher ng ating school at the age of 95 at pilit na inaabot ang 100 years old para sa Centenial reward sa kanya!!!! Si Mrs. Tan-dang Sura!!!"
Sura: "Kayo!! Kayong mga kabataan kayo.... mga %$#€£& &%$ nyo!!!! Ha?! Tandaan nyo yan. Kapag may isa sa inyo, marinig ko magsalita ng masama...... Barilin ko kayo. Pati yan MC, marinig kong magsalita ng masama, babarilin ko yan. Kapag may makita akong pumalo sa aso ko, BABARILIN KO KAYO!!! "
Student 1: "Hoy MC!!!! Napaka-Bias nyo naman!!!! Ginawa nyo talagang Judge yung malapit ng kunin ng lupa!!! Maawa naman kayo!!"
Student 2: "Grabe naman!!! Sa panahon pa ata ng Dinosaur nyo kinuha yung huling Judge na iyan!!!!"
Student 3: "May na-aamoy ata akong pandaraya sa Event natin ngayun!!! Sinadya atang kinuha yung fossil sa museum para may ipatalo sa mga Contestants!!!!!"
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Teen Fiction***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...