CHAPTER 64: MUNGKAHI

25 4 0
                                    

Matapos mapag-usapan ng grupo kung paano palalabasin si Jett upang kausapin ito ni Marika, pinuntahan ni Reysha ang Cottage house nila Rhett at kumatok sa pinto. Matapos nyang kumatok, binuksan ni Beth ang pinto at laking gulat nya ng makita si Reysha.

Reysha: "A-Aling Beth? Kamusta po kayo."

Beth: "Reysha?! Aba!! Ang ahh.........ganda mo na!! Hindi ko akalain na makikita kita ulit!!"

Reysha: "Aling Beth, wag na po kayong mahiya. Alam ko po sa isip nyo na hindi po ako tumangkad."

Beth: "Ay...ah ganun ba? Ayoko kasing ma-offend ka sa masasabi ko. Pero inaamin ko sa sarili ko, ang Cute mo pa rin."

Reysha: " OK lang po, Aling Beth. Tsaka salamat din po."

Beth: "Siya nga pala. Nataon ata na nandito rin kayo sa Resort ng Lacresa. Sino mga kasama mong nagbakasyon dito? Parents mo ba?"

Reysha: "Hindi po. Mga kaibigan ko po at yung Adviser namin sa school. Naging ka-close po kasi namin yung Teacher po namin. Kaya inimbitahan nya kami sa kanyang bakasyon at sumama po kami ng mga kaibigan ko."

Beth: "Hmmm......ganun ba? Kaya pala nagulat ako nung biglang kumatok si Jett sa pinto. Kasama nyo ba syang pumunta rito?"

Reysha: "Opo!! Kasama po namin sya!! Anjan po ba sya sa loob?!!"

Beth: "Oo. Pero sabi nya, wag ko daw ipaalam kahit na kanino na nandito sya sa Cottage house namin. Sa nakikita ko, may tinataguan sya. Reysha, pwede ka bang magtapat sa akin, kayo ba ang tinataguan nya?"

Nakumpirma rin ni Reysha na nasa loob nga ng Cottage House nila Rhett si Jett. Ngunit nag-alangan siya ng marinig nya mula kay Beth ang tanong nito at ayaw naman magsinungaling ni Reysha kay Beth. Kaya sinabi na lang nya ang totoo.

Reysha: ......Opo.....Aling Beth. Kami nga po ang naghahanap sa kanya."

Tahimik na tinitigan ni Beth si Reysha sa mga mata nito.

Beth: "Hay....Sige. Halika. Pumasok ka at gusto kong malaman ang mga nangyayari."

Pinatuloy ni Beth si Reysha sa loob ng Cottage house. Pagpasok ni Reysha, nakita nya si Jett na kumakain ng tanghalian sa mesa ng sala ngunit nakiusap si Beth na saluhan sila sa pagkain. Pero tumanggi si Reysha at umupo na lang sya sa tabi ni Jett. Matapos mananghalian nila Beth at Jett, nag-umpisa ng magtanong si Beth.

Beth: "Jett, pwede bang sabihin mo sa akin kung anu na naman ang ginawa mo? At kung bakit mo sila tinataguan?"

Jett: "Eto po kasi ang nangyari....."

Ikwinento ni Jett ang nangyaring pagpapalaki ng alon, sanhi ng pag-udyok nya kay Rhett upang makabalik sila sa pampang ngunit napasobra si Rhett, kaya nilamon ng alon ni Rhett ang mga kaibigan nito tsaka sila lumundag sa tubig upang takasan ang mga nagawa nilang kalokohan. Kung saan hinabol sila ni Reysha at dinala pabalik sa kanyang adviser.

Inilabas ni Jett ng mga oras na iyon ang kanyang saloobin. Dahil sa hindi nya nagustuhan ang pag-grounded sa kanya ni Marika. Kaya sya lumundag sa bintana ng kanilang Cottage house at hinanap si Beth sa Cottage house ni Rhett. Nagulat naman si Reysha dahil sa ginawa ni Jett na pagtakas at paglundag sa bintana ng kanilang Cottage house. Hindi naman natuwa si Beth sa kwento ni Jett.

Reysha: "Jett?!! Nababaliw ka na ba?!! Alam mo namang may bali ka sa kamay at paa!!! Bakit mo ba naisipang tumakas sa Cottage house natin?!!"

Jett: "Naboboring ako. Tsaka naisip ko, kung hindi lang naman ako mag-eenjoy na kasama kayo at nakakulong lang ako sa bakasyon ko, sana hindi na lang ako sumama."

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon