CHAPTER 65: PARUSA

26 5 1
                                    

Nang makabalik sa Shade sila Jett at Reysha mula sa Cottage house nila Rhett at Beth, agad kinausap ni Marika si Jett ng masinsinan. Ngunit, sumali sa usapan si Reysha at sinabi ang mungkahi ni Beth kay Marika.

Marika: "Hmmm.........hayaan sila Jett at Rhett sa mga nangyari kanina?"

Reysha: "Opo, Miss Marika. Yun po ang mungkahi ni Aling Beth para kila Jett at Rhett. Tsaka natural daw po sa mga taong may mga kapangyarihan na aksidenteng mapalakas ng sobra ang kanilang kapangyarihan, kaya iminumungkahi nya na patawarin nyo po si Rhett. Pati na rin po ang pangtatakip ni Jett sa kanya."

Marika: "Ganun lang sana, kadali yun, Reysha. Pero napahamak ang mga kaibigan mo at pati na rin ako sa nangyari kanina. Kaya masama din ang loob namin sa mga nangyari."

Jett: "Kung ganun, magkukulong na lang po ako sa Cottage house kung yan po talaga ang gusto nyo. Sana di na lang ako sumama. Tsaka hindi naman siguro mangyayari yung kanina kung wala ako dito."

Tyler: "Jett. Tama ang desisyon mo na dapat nandito ka. Dahil kapag nagpaiwan ka sa Selma habang wala kami, possibleng dukutin ka na naman ulit ng mga Mangkukulam at lalo pang lalala ang sitwasyon kapag nangyari yun. Lalo na't may mga bali ka pa. Sana man lang guys, naisip nyo yung mga sinabi ko bago nyo pag-initan si Jett. Maswerte pa tayo at nandito ang pamilya ni Beth sa Resort na ito dahil isa syang magaling na Tracer."

Reysha: "Teka?! Mr. Tyler?!! Kilala nyo po si Aling Beth?!!"

Tyler: "Yung asawa nyang namatay ang kilala ko. Pero si Beth, mga ilang beses lang kami nagkita."

Lyrica: "Sinasabi nyo po ba na kaya nyang malaman kung may panganib na darating sa kinalalagyan natin ngayon?"

Tyler: "Ahhh.....siguro. Pero hindi ko alam kung panu nya yun ginagawa."

Reysha: "Mr. Tyler, magtiwala po kayo sa kanya. Alam po ni Aling Beth ang mga nangyayayari dahil may dugong Babaylan din sya katulad ni Lyrica. Sa katunayan nga po, alam nyang Baybaylan din si Lyrica."

Lyrica: "A-Anu?!!"

Albert: "Panu nya nalaman yun?!! Sinabi nyo ba sa kanila?!!!"

Reysha: "Hindi. Pero may ginagamit syang spell upang makita kung may mga iba pang mga tao sa paligid na may taglay na powers katulad namin nila Lyrica at Jett. Tsaka naisip ko, sya rin siguro ang nagsabi sa parents ni Rhett na umalis sila sa Selma. Kaya hindi namin sila nakita ng ilang taon."

Carl: "Wow!! Ang laki naman ng pakinabang ng magic nya. Sana turuan nya rin si Lyrica kung panu ginagamit yung magic spell na gamit nya."

Reysha: "Kaya po, nakikiusap po sya inyo, Miss Marika. Kung maaari daw po, patawarin nyo na po si Jett."

Sandaling pinag-isipan ni Marika ang mga sinabi ni Reysha at Tyler. Hanggang sa napagtanto nya na marahil ay tadhana nga na mataon silang magbakasyon sa Resort kung saan nagbabakasyon din ang pamilya ni Rhett. At naisip din nya na posibleng lalo lang mapapahamak si Jett kapag nagpaiwan ito sa Selma. Kaya naman nakapagdesisyon na si Marika.

Marika: "Sige, nakapagdesisyon na ako. Patatawarin na kita Jett."

Reysha: "Talaga po?! Patatawarin nyo na si Jett."

Marika: "Oo, Reysha. Pero may naisip akong ideya para parusahan si Jett."

Carl: "Anu?! Parurusahan nyo po si Jett?"

Jett: "Sige po. Tatanggapin ko po. Basta wag nyo lang po ako ikulong sa loob ng Cottage house."

Marika: "Kung ganun......"

Nakangiting kinuha ni Marika ang kanyang bag at inilabas ang isang karton ng sunblock.

Rochel: "Wow!! Miss Marika!! Saan nyo po kinuha ang isang karton ng mga sunblock na iyan?!!!"

Lunabelle: "Oo nga!! Ang dami!!!"

Aileen: "Sa sobrang dami, hindi na tayo iitim kahit magbabad pa tayo sa araw!!"

Archie: "Miss Marika? Pwede po ba kaming makahingi rin ng sunblock po ninyo?"

Albert: "Oo nga naman po. Para may proteksyon din po kami sa araw."

Marika: "Sige. Kumuha na kayo, tig-iisa. Pero bahala na kayong magpahid nyan sa mga katawan nyo!! Pero sa aming mga girls, si Jett ang magpapahid nyan sa buong katawan namin."

Jett: "A-ANO?!!!!!"

Nagulat ang mga kasamahan nilang mga lalake ng sabihin ni Marika na si Jett ang magpapahid ng sunblock sa kasamahan nilang mga babae. Tila nainggit ang mga kasamahan nilang mga lalaki kay Jett.

Carl: (Grabe!! Napakaswerte!!!! Sana ako na lang!!!!)

Tyler: (Pambihira!! Bakit etong pilay na ito ang kailangang maglagay ng sunblock kay Marika?!!!)

Archie: (Sa pagkakakilala ko kay Jett, sya ang tipo ng lalaki na hindi bastos at naiilang pang tumingin sa katawan ng babae. Pero sa sitwasyong ito, mukhang mahihirapan sya sa kanyang gagawin.)

Albert: (Ang Swerte!!!! Please Miss Marika!!!! Isang pang Boy pahid ng sunblock!!!!! Piliin nyo ako!!!!!)

Marika: "Yun ang parusa mo Jett. Dahil napansin ko kanina na parang naiilang ka at pati na rin sa Van habang kasama mo kami. Kaya pinili mong sumama kay Rhett kanina."

Reysha: (Kaya ba, hindi nya ako masyadong kinakausap kaninang nagfifishing kami? Naiilang sya sa katawan ko?)

Biglang tumahimik si Jett matapos marining ang mga sinabi ni Marika at ang tungkol sa kanyang parusa. Pero dahil sa nagbitaw sya ng salita na tatanggapin ang lahat ng parusa na sasabihin ni Marika, umamin at tinanggap na lang niya ang kakaibang parusa.

Jett: "Nahuli nyo po ako. Mukhang wala naman po akong pagpipiliang iba."

Marika: "OK! Simulan mo na kaming pahiran ng Sunblock!!! Boys!? Umalis kayo sa Shade!!!! Dun kayo magpahid sa tabi-tabi!!"

Carl: "Grabe!! Ang daya!!!"

Archie: "Bakit kailangan nyo pa po kaming paalisin!! Eh kasya naman tayong lahat sa Shade!!!"

Rochel: "Miss Marika!! Ayaw po nilang umalis oh?!!"

Marika: "Boys!! Kayo ang umalis dahil kailangan namin ng Privacy!!! Tsaka tirik na ang araw at hindi na kami makakabalik pa sa Cottage house dahil ayaw naming umitim!!!"

Albert: "Pero Miss Marika?!! Ayaw din po namin umitim!!!"

Tyler: "Kaya nga, Marika. Hindi naman ata patas yan. Dapat, amin ang left side tapos sa inyo ang ri-!!"

Biglang sinuntok ni Marika si Tyler sa kanang tagiliran ng kanyang tiyan.

Tyler: "Aray...!! Ang Appendix ko...!!"

Marika: "Ngayun? SINONG GUSTONG MAKATIKIM NG KAMAO KO HA?!!!"

Carl: "Sige na po!!! Aalis na po kami!!"

Albert: "Sheesh!! Grabe!! Nakaktakot namang magalit si Miss Marika!!"

Archie: "Guys!! Pakihila si Mr. Tyler. Mukhang namimilipit sya sa sakit!!"

Umalis ang mga lalaki kasabay ng paghila nila kay Tyler. Naiwan namang solo ng mga babae ang buong Shade.

Marika: "Ngayong wala na ang mga boys, Jett, simulan mo naaaaaa!"

Jett: "Simulan ko na? Ehhh....sino pong mauuna?"

Marika: "Dahil ako ang nakaisip nito, ako muna ang mauuna. Kaya, dadapa na ako dito sa higaang kawayan."

Jett: "Ahh.....eehh.....s-sige po."

Dumapa sa higaang kawayan si Marika upang simulan na ni Jett ang paglalagay nya ng Sunblock. Nanonood namang naghihitay ang iba pang mga babae. Ngunit hindi inasahan ni Jett ang sumunod na sinabi ni Marika.

Marika: "Jett, habang naglalagay ka ng sunblock, i-massage mo na rin ang katawan namin ha?"

Jett: "A-ANU?!!!!"

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon