Makalipas ang isang araw, muli nang pumasok sina Reysha, Lyrica, Rochel at ang magpinsan sa kanilang eskwelahan. Ngunit, ang hindi nila alam, kasalukuyan nang may kumakalat na tsismis sa kanilang eskwelahan na nagsasabing, nagpapasipsip ang mga ito kay Marika. Kaya nang malaman ito ni Reysha, sobra syang nainis at gustong hanapin kung sino ang nagpakalat ng maling balita at pinag-uusapan na ito ng lima sa oras ng pananghalian.
Reysha: "Nakakainis!!! Sino kaya ang nagpakalat ng tsismis na sipsip tayo kay Ma'am Marika?!!! Isang araw lang tayong nawala, bigla na tayong tinawag na mga sipsip?!!!!!!"
Rochel: "Reysha, huminahon ka. Tsismis lang naman iyan. Wag mo na lang kaya pansinin yung nagpapakalat ng tsismis."
Reysha: "Hindi!! Hindi ako papayag na masira ang reputasyon ko bilang Vice-President ng SGO dahil lang sa isang maling balita!!!!!!"
Lyrica: "Reysha, patunayan na lang natin sa lahat ng mga estudyante na hindi tayo mga sipsip."
Albert: "Oo. Tama si Lyrica. Ipakita na lang natin na hindi tayo sipsip."
Reysha: "Pero hindi ako papayag na hayaan na lang ang taong ito na sirain ang reputasyon ko!! Kaya ha-huntingin ko ang taong ito!!!!!!!!!"
Sa sobrang inis ni Reysha, umalis sya sa mesa at lumabas ng Canteen upang hanapin ang taong nagpapakalat ng tsismis.
Archie: "Grabe. Galit na galit sya ah. Talagang hahanapin nya yung taong nagpapakalat ng tsismis para sa reputasyon nya."
Rochel: "Alam nyo, napansin ko, mula noong nahanap natin si Jett, parang bumalik sya sa dati nyang sarili na inaasikaso ang trabaho nya bilang member ng SGO."
Albert: "Pero, hindi ko masabi kung nabuhayan ba sya o talagang ganun lang sya."
Lyrica: "Wag kang mag-alala sa kanya, Albert. Ganun lang talaga si Reysha."
Dahil iniwan sila ni Reysha, nagpatuloy na lang ang apat sa kanilang pananghalian. Maya't maya, tumunog na ang bell ang nagsimula na ang klase para sa hapon.
Matapos ang ilang oras na pakikinig ng mga estudyante sa mga subject teachers, nadismiss na ang klase at aattend na ang mga estudyante sa kanilang mga club. Pumunta ang apat sa kanilang club at napansing wala sa loob sina Carl at Aileen. Kaya tinanong nila si Lunabelle.
Albert: "Lunabelle! Bakit mag-isa mo lang ata dito sa Club?"
Lunabelle: "Hindi ba halata, Albert? Ako lang naman ang Leader ng Club na ito kaya hindi ako umaalis."
Rochel: "Lunabelle? OK ka lang ba? Ba't parang iba ata ang tono ng pananalita mo ngayun? Anu bang nangyari?"
Lunabelle: "Simple lang ang sagot jan sa tanong mo, Rochel. Umalis lang naman sila Carl at Aileen sa ating club!!!"
Nagulat ang apat sa sinabi ni Lunabelle. Pero naisip na rin nila Albert, Lyrica at Archie ang dahilan.
Rochel: "A-Anu?!! Umalis sila?!! Pero bakit?!!"
Archie: "Lunabelle? Kailan pa sila umalis?!! K-Kahapon ba?!
Lunabelle: "Oo, Archie!! At bakit di mo tanungin, Rochel, kila Albert at Lyrica ang sagot sa tanong mo? Sila ang nakakaalam."
Rochel: "A-Albert? Lyrica?! Anung ibig niyang sabihin?!!"
Lyrica: "Rochel, umupo muna tayo. Ipapaliwanag ko."
Umupo ang apat sa mesa ng kanilang club at ikwinento ni Lyrica ang nangyari noong Foundation day. Matapos maikwento ang nangyari, naintindihan ni Rochel ang sitwasyong kinalalagyan nila Albert, Lyrica, Carl at Aileen. Napagtanto rin nya na naiinis si Lunabelle dahil sa umalis ito sa kanilang club.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)
Teen Fiction***************Author's Note*************** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to ( ht...